Chapter 18

10.7K 207 6
                                    

L A U R E N

To be able to have a strong relationship, the two of you must work hard to maintain the strong affection between you and your partner. If one of you has the weak hold to that, there is a big chance that the relationship will not be able to work, or else, it will be permanently be broken.
My past relationship with Arthur was totally was a mess from the start. Kahit na hindi ko pa alam ay may pakiramdam na akong hindi na kami pwede sa isa't-isa. Pero tignan mo nga naman, nagbulag-bulagan pa rin ako dahil mahal ko siya. Hindi ko 'man lang binigyan ng pansin ang pagmamahal na nasa ilusyon ko lamang. Sabi nga nila: nakakamatay ang maling akala. Kaya ako, halos patayin ng pagibig na unang sabak palang, mali na.

Tumagal kami ng halos tatlong taon, ang daming panahon ang nasira at nasayang -- kahit ako ay nasasayangan sa pagsasama namin ng gano'ng katagal. Walang duda, ang mga pangako nga ay nakatadhana na masira.

Ngunit sa kabilang banda naman ay hindi na iyon ang pananaw ko. Nakilala ko na si Caius at sa tingin ko ay siya ang nagpabago 'non. I know have trust issues dahil minsan na itong nasira nang dahil sa kagagawan ni Arthur... pero pagdating kay Caius, nasa kanya na halos ang tiwala ko. Unti-unti niya akong binabangon mula sa pagiging sira-sira ko hanggang sa maging buo na ulit ako.

Sa lahat pa naman ng araw ay pinapakita niya sa akin kung gaano ako kahalaga at dapat tratuhin bilang isang babae. Doon mas lumalim ang paghanga ko sa kanya dahil napabilang siya sa isa sa mga lalaking ka-nais-nais na maging kasintahan.

It feels like I'm falling again for the second time but it seems like my very first time. Ibang-iba ito at sa totoo lang, sobrang gaan ng loob ko dito... na parang tamang-tama.

Not that I'm comparing but I should've not let my self drown into Arthur's -- I mean, not too much. I'm still glad because I am still a virgin though.

I shrugged, letting the warm heat of the sun touched my skin after I did another lap for my jog this Saturday morning.

Huminga nalang muna ako ng malalim at isinaksak sa tenga ko ang earphones nang may tumawag sa akin. "Architect Lauren Del Valle..."

I started to jog when a familiar voice that I really love spoke, "You look so sexy in your morning look for today, my queen." Napatigil ako sa sinabi niya.

"Caius? Nasaan ka?" I looked around and saw nothing.

"Don't ask, I'm observing you from afar," he said with a husky tone of voice.

I smirked. "Really? What am I wearing now?" I tried to challenge him.

I heard him chuckled... Ugh, so much for my morning if I heard him sexily like this. "Pink, Nike sports bra and a fit half-cut cycling shorts, paired with a limited edition kind of rubber shoes," after he said that I looked at myself and blushed.

"Seriously, Caius, nasaan ka?" Bakit ba ayaw niyang magpakita sa akin?!

"I highly recommend not to." Inis na napa-padyak ako.

"Caius! Show me your fúcking handsome face right now!" Singhal ko. Naghintay ako ng ilang segundo para pagbigyan siya at umaasa akong susundin niya 'yon. Tinignan ko ang aking cell phone at patuloy lang ang pagdaloy ng segundo dito -- ibig sabihin, hindi pa niya binababa ang tawag. "Caius?" Tawag ko muli.

Halos mabitawan ko ang lahat ng mga hinahawakan ko nang maaninag ko ang isang pigura ng lalaki na dahan-dahang tumatakbo papalapit sa akin, unti-unti kong nakikita ang walang saplot na pang-itaas at tanging naka-itim na jogging pants lang ang suot niya. Sunod-sunod akong napalunok.

"Told 'ya..."

Wala sa sariling nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi ko maiwasang titigan ang seksing katawan ni Caius. "Shít, Caius... bakit ganyan lang ang suot mo?"

Heart By Heart (The Architects Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon