Chapter 6

18.2K 296 6
                                    

L A U R E N

"Lau?"

"Yes, Kuya?" Nasa harapan ko na pala si Kuya.

"Pasensya na talaga, hindi na ako makakasama sa'yo sa Canada. Be safe, Lau."

I rolled my eyes at him. "Kuya naman kasi e. Ikaw ang gusto kong kasama doon!"

He tapped my forehead. "It's for you to shine, Lau. Make our Dad proud."

"Yeah right. First time kong hindi kita makasama Kuya."

He winked at me. "It's okay Lau. 'Wag ka ngang brat pag-dating sa akin."

"But I want you to come with me, Kuya." Sabi ko at hinawakan ang braso niya.

"Ugh! Stop it, Lau! Hindi ka na bata!" Pilit niyang nagpupumiglas sa hawak ko at nag-tagumpay siya.

Biglang kumatok ang sekretarya ko. "Ma'am Lauren, 'yong pamilya po ni Sir Xander nasa lobby po."

"Really? Pati ba pamangkin ko kasama?!" I asked her very excited.

"Yes po."

Yes! "Okay! I'll be there!"

Lumabas na ng pinto si Pia at saka ko naman hinarap si Kuya. "Still painful, Bro?"

"Ikaw na nga lang ang pumunta sa lobby!" Asik niya sa akin.

"Grabe ka Kuya! Nandoon naman si Larzene, e!"

"My daughter... before."

Minsan talaga ang drama ng Kuya ko! Sa kanya ata ako spoiled. Hindi kila Mommy at Daddy. "Tignan mo lang, Kuya!"

"Lauren... NO."

I smiled when I remember the happiest moments in his life with Zaira and Larzene. Siya pa nga ang nag-alaga sa mag-ina noong panahon na buntis si Zaira kay Larzene e! Si Xander kasi, ang gago. Sinasaktan pa naman ba si Zaira? Tsk.

DUMIRETSO na ako sa lobby ng DVG. At agad na hinanap ang cute na cute kong pamangkin!

"TITA LAUREN!"

"MY BEBE!" She ran towards me and I hugged her with open arms at saka ko siya binuhat at tinadtad ng malulutong na mga halik sa pisngi. "I missed you!"

She giggles a little. Ang cute talaga ng pamangkin ko! "We just want to visit Dad here in his office!" Masigla niyang sinabi at saka ako hinalikan din sa pisngi.

"You're still beautiful, Tita."

Tumawa kaming dalawa at ibinaba ko siya. Tumabi ako kay Zaira na asawa naman ni Xander. "L-Lauren..."

"Ang bilis lumaki ni Larzene, pag-butihan niyo pa ni Xander." I smiled as I look her from head to- "Oh my gosh! You're pregnant?!"

Nahihiyang tumawa siya. "O-oo."

Medyo umbok na kasi ang tiyan nitong si Zaira kaya makikita mo talaga. Pero, sexy pa rin. Model kasi e. kaya inaalagaan nang mabuti ang sarili.

Hinawakan ko ang tiyan niya. "Sana lalaki naman."

"Hopefully," sagot naman niya at ngumiti. Ang ganda niya talaga.

"Ate!" Si Xander, tumatawag sa akin.

"Aba't bakit?!" Sigaw ko.

"Magpakasal ka na!" Tumawa siya ng nakakaloko.

Nang-iinis 'to a! Porke't siya ang bunso at naunang nagpakasal sa aming tatlo ay mang-ga-ganyan na siya?! "Tse! Umayos ka! Bunso ka lang!"

"Gwapo naman at mahal na mahal ang mag-ina ko!"

Nakipag-bond na muna ako sa pamangkin ko habang sila Zaira at Xander naman ay umakyat na. Nakaka-gigil lang kasi talaga ang pamangkin ko e!

Heart By Heart (The Architects Series #2)Where stories live. Discover now