Chapter 20

11.9K 193 3
                                    

L A U R E N

Hindi ko alam kung bakit ganito ngayon si Caius, ewan... parang napa-paranoid. Kanina pa sabi-sabi ng kung ano-ano. Sa ngayon nga ay parang na siyang nanay ko sa kakasabi ng mga gagawin ko sa mga gamit at sarili ko dahil medyo matagal kami sa Canada.

Pagkatapos nga naming kumain kahapon ay kinausap ng personal si Caius ni Dad dahil gusto daw niyang masigurado ang kaligtasan ko at si Caius ang inaasahan niya tungkol doon sa Site Inspection namin sa Canada. Mabuti nga at sinabi sa akin ni Caius ang dahilan kung bakit siya kinausap ni Dad kahapon.

"Vitamins, coat, boots... what else is missing?" Narinig kong bulong niya habang abala siya sa pag-aayos ng maleta ko. Oo, siya na mismo ang nag-aayos ng maleta ko para sa akin. Mas okay na daw na siya nalang para wala daw akong makalimutan.

"Sa'bi ko naman sa 'yo, Caius, ako nalang eh!" Parang bata kong sinabi at ito naman siya na para bang walang pakielam sa kakasabi ko!

He looked at me. "Kung ikaw ang mag-e-empake ng mga gamit mo, baka pagbukas mo palang may tumatalon ng mga panty at bra mo," walang hiyang sinabi niya. Aba't -- batukan ko ito, eh!

"Ano ba naman 'yan, Caius!" Inis na singhal ko.

Narinig ko nalang ang marahan na pagtawa niya na mas lalong kinainis ko. "Where are your underwears?" Kampante niya pang tinanong sa akin 'yan, ah!

"Ako nalang ang kukuha tapos, ilalagay ko sa isang lalagyan!" Sigaw ko nalang at agad na tumayo para ihanda ang mga gusto kong gamitin na underwear papunta sa Canada.

Nang makuntento na ako sa mga pinili ko ay dali-dali ko na itong inilagay sa isang kulay red na lalagyanan at ibinigay na rin kay Caius. Tawa naman siya ng tawa habang nilalagay 'yon sa isang gilid ng aking maleta. Inirapan ko nalang ang mokong.

Umupo nalang ako sa gilid ng kama ko at tinitigan siya habang abala siya sa pag-aayos ng mga gamit ko sa maleta. "Want me to help you, my king?"

Sinilip ko siya at sa tingin ko ay nasa huling daplis na siya sa pag-aayos ng mga gamit ko na gagamitin para sa SI sa Canada. "I'm quite done here, my Queen. Thanks for the offer by the way."

Ilang sandali na rin ang nakalipas ay tapos na rin siya kaya sinarado na rin niya ang lahat ng zipper sa aking Louis Vuitton Leather Monogrammed Luggages. Ako nalang ang nag-ayos ng hand-carry ko para dalhin ko sa private jet na sasakyan namin.

●♥●

Nang nasa harapan na namin si Arthur ay bigla na lamang hinigpitan ni Caius ang pagkakahawak sa kamay ko, kahit na kanina pa siya nakahawak ay bigla na lamang ganito ang gagawin niya. Nakangiting umiling nalang ako.

"Congrats to the both of you, officially a couple." Huh! Irony was behind it of course.

"In serious terms, Mr. Stephenson... you should know your place by now," madiin na sinabi ni Caius kaya pinisil-pisil ko ang kamay niya.

"Also in serious terms, Mr. Montez... she's mine first--"

I thank all the angels who put an end in this argument. "We are ready to board, Ms. Del Valle."

I just heavily sighed and we made our way towards one of my family's private plane. You couldn't ask for more of the design because it was covered with dark silver and crystal red.

Huminga nalang ako ng malalim nang maramdaman ko na akbayan ako ni Caius at halikan ako sa noo. "I love you," lambing niya.

I made a face. "Kung ano 'yung nakita kong ginawa mo kanina ay hindi maganda, Caius," bulong ko, "you should've ignore him."

Heart By Heart (The Architects Series #2)Where stories live. Discover now