Chapter 9

14K 261 8
                                    

L A U R E N 

Muli, pinigilan ko ang pwedeng mangyari sa pagitan namin ni Caius kagabi. Not yet last night, but someday, when I'm ready to give it to him. Kinapa ko ang tabi ko at agad na napabangon ng wala siya sa tabi ko. Agad na kumunot ang noo ko. Gusto ko siya ang unang makikita ko tuwing umaga.

"Hey." Nag-angat ako ng tingin at nakita ko na papasok si Caius na may dalang tray at mabango na pagkain. "Breakfast-in-bed, my queen."

I chuckled. "Akala ko kung saan ka na nag-punta."

Itinabi na muna niya ang tray at saka ako dinampihan ng halik sa noo at labi. "I missed you too, babe."

I blushed. "Hindi ko namang sinabi na na-miss kita, a." Natatawang sambit ko dahil kinikilig ako.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "You miss me when you woke up, not seeing me... admit it."

Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "'Kaw talaga."

Tumayo siya muli at kinuha ang mangkok at kutsara. I smiled, kahit na lugaw lang ang kakainin, parang sobrang espesyal na sa akin. Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng isang kutsara ng lugaw at hinipan 'yon.

"Pasensya na kung ito lang. Malayo kasi ang bayan dito, at saka, hindi ka naman mapili sa pagkain 'di ba?"

Nakangiti akong tumango. "Basta ikaw ang una kong nakita ngayon araw, kumpleto na ang araw ko."

Itinapat na niya sa bibig ko ang kutsara at dahan-dahan na kinain 'yon. "Nasa probinsya tayo, Caius?" Tanong ko pagkatapos kong lumunok.

He nodded. "We'll be visiting my family later, Babe."

Agad akong nabulunan sa sinabi niya. "A-ano?!"

He smirked at pinatong muli ang mangkok sa side table. "Hey, take it easy. I'll be proud when I introduce you to them."

Agad naman akong kinabahan sa gagawin namin ni Caius ngayong araw! Talaga bang totoo ang sinasabi niya? Talaga bang bibisitahin na namin ang mga magulang niya? Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kawalan... Kinakabahan ako.

Sana naman magustuhan ako ng magulang niya! Pero, talaga bang makikilala ko na ang mga magulang niya at kapatid kung sakaling meron 'man?

Relax, Lau.

Bumalik ako sa ulirat ng hawakan niya ang kamay ko. "Stay calm, okay?"

I tried to smile at him. "Are you sure about this, Caius?"

He willingly nods. "Of course, my queen. They need to know who was the queen of my life and heart is."

Shít! My heart started to pump faster! Is he really saying this to me? Gosh. "O-okay..." I smiled.

I saw concern when he touches my cheek. "Okay lang ba sa'yo? Sabihin mo lang, at sa ibang araw nalang tayo—"

I stopped him just by kissing his lips. "It's okay, Caius. Basta kasama kita."

He quickly slid down his finger of his in my nose. "Silly. You kissed me."

I signaled him to join me in the middle of the bed. He did, and now we are sitting— facing each other, both in our Indian Seat positions. "What does your parents look like?"

Tumikhim muna siya at hinawakan ang mga kamay ko. "Mom is a very beautiful— she's more like a goddess, Denisse... and my Father? He's the coolest person I ever know."

As from the look of his eyes, he really did admire his parents. Kita mo rin ang sobrang pagmamahal niya sa mga ito. I smiled; he has a nice family background. Mukhang hindi ko na kailangan pang magduda kung ano at sino siya. The questions were all answered just by looking at his gorgeous face.

Heart By Heart (The Architects Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon