Chapter 17

11K 174 5
                                    

L A U R E N 

Hindi pa rin ako makapaniwala, halos dalawang buwan na pala. Ang bilis lumipas ng mga oras at araw. Gano'n pa rin si Caius -- isang determinadong manliligaw.

Umabot pala siya sa ganitong punto. Hindi ko naman inaasahan na talagang magtatagal siya. Si Dad kasi ang may pakana. Parang sayang-saya siya sa pagpapahirap pagdating kay Caius.

Hindi naman siguro sadista ang tatay ko 'di ba?

Ito pa, wala kang maririnig na kahit na anong reklamo na manggagaling sa kanya. Yes, he's that determined. Hindi lang talaga kapani-paniwala ang mga pinapagawa ni Dad sa kanya. To be honest, hindi naman niya binigo si Dad. Sa tingin ko pa nga ay sayang-saya pa siya sa mga pinapagawa sa kanya ni Dad, e. Ako naman itong hindi na umiimik, kahit na gusto ko nang pigilan si Dad ay baka naman masayang ko ang pagkakataon, 'di ba?

Meron ngang isang araw na hindi tinantanan ni Dad si Caius na isama sa lahat ng meetings. Kahit na hindi siya kailangan doon ay nakisama na rin. Hindi ko naman alam ang layunin ng ama ko tungkol doon. Pero, ito naman si Caius, sinabi pa niyang: "Mas okay na ang alam ko ang pasikot-sikot dito sa kumpanya niyo. It's for our future, my queen."

Palagi nalang akong walang maisasagot sa mga binibitaw ni Caius na mga salita. Iniisip ko nga kung malapit na akong maging pipi pagdating ng panahon. Pero, siyempre, biro lang -- kung kaya niya bumanat aba ako rin 'no!

Minsan nga, tinanong ko si Dad kung hanggang kailan ito, ang sinabi lang din niya ay: "A real man never gives up when it comes to this!"

"Sigurado ka bang hindi ka pa pagod?" Ilang oras na rin ang lumilipas at naisipan kong bisitahin si Caius dito sa opisina niya sa condo niya. Wala din naman kasi akong ginagawa at nasa honeymoon na ang kaibigan ko ngayon. Her wedding was a blast, sobrang dami ng bisita.

"Nakakain ka na ba ng lunch mo, Caius?" Isa pang tanong ko at simpleng umiling lang siya. Inilapag ko nalang ang bag ko sa gilid at lumapit sa kanya, dahan-dahan kong minasahe ang balikat niya pababa sa matipunong likod nito. "'Wag masyadong magpagod, aking hari," malambing kong saad.

Caius' second condo were the one we are using right now. 'Yung condo na katapat ko sa kanya ay hindi na niya masyadong ginagamit dahil balak na daw niya itong ibenta dahil mas gusto daw niya itong isa. "I'll just order you lunch if you're bored waiting for me."

"Hindi ko naman sinabi na nabo-bore ako, e," saad ko at tuluyan na siyang niyakap sa likod niya. "Pahinga ka muna."

Kahit na nakatalikod siya sa akin ay alam kong naka-ukit na ang ngiti sa labi niya. "Don't worry too much, okay? Kayang-kaya ko ang Daddy mo," kampanteng sagot niya sa akin.

"Naglalaro na ata kayong dalawa, e. Ewan ko ba kung seryoso pa ang ginagawa niyo, kung pagsubok ba ito o kung ano 'man. Hindi ko na kayo maintindihan ni Dad," nagtatampo kong sinabi sa kanya at sinubsob ang ulo ko sa leeg niya at niyakap pa siya ng mas madiin.

Huminga siya ng malalim at itinigil ang ginagawa niya. "'Wag mo akong masyadong lambingin, 'pag ako hindi nakatiis sa 'yo..."

Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya. "Ano?" Inosente kong tugon.

"Hindi ko matiis na nilalambing mo 'ko. I always ended up forgetting all what I have to do," paliwanag niya kaya unti-unti akong humiwalay sa kanya.

"Maghintay nalang ako dito," pinal na sabi ko at umupo sa isa sa mga sofa dito.

Narinig ko na naman na nagbuntong-hininga siya. Tumayo na siya at nilapitan ako, tinabihan at hinalikan sa noo. "Ang tigas minsan ng ulo mo, reyna ko. Kung gusto mo nang kumain, ikaw na ang mauna. Kakain nalang din ako mamaya."

Heart By Heart (The Architects Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon