Chapter 10

14K 217 11
                                    

L A U R E N 

Tinahak na muli namin ang daan pabalik sa bahay ni Caius dito sa probinsya. Hindi ko pa rin talaga alam kung nasaan kami ni Caius. Basta ang alam ko, nasa probinsya kami. Kahit kailan talaga, mahilig si Caius sa surpresa. Tinignan ko ang bintana at mabilis palang lumipas ang araw at gabing-gabi na.

Tumingin ako sa dinadaanan namin at parang pamilyar sa akin ang buong lugar. Hindi ko lang masabi kung kailan, pero alam ko, napuntahan ko na ang lugar na 'to dati. Napakunot ang noo ko. I know I've been in this place before, gustuhin ko 'mang tandaan pero sadyang ayaw ng isip ko pakipagtulungan sa akin.

I heaved a sigh. "Caius, pwede bang hinaan mo ng kaunti 'yong aircon?"

Ginawa naman niya 'yon at ibinigay sa akin ang jacket niya habang nakatuon ang paningin sa daan. "Wear it, it smells like me, don't worry."

I chuckled. "'Kaw talaga!" Inagaw ko mula sa kanya ang leather jacket.

Pero, bago ko muna ito isinuot ay tinignan ko muna ito. Ito 'yong jacket na ibinigay niya sa akin noong unang pagkikita namin. A smile, was traced on my lips. Nakakatuwang isipin, na ginawa talaga ni Caius ang bagay na 'yon para makalapit sa akin.

"Akala ko ba, nilalamig ka?"

I hugged his jacket. "This is the jacket you gave to me, the first time I saw you."

Humagikhik siya. "Still remember?"

"Siyempre naman," wika ko habang sinusuot ang jacket muli at naamoy ko na naman ang pabango niya na palagi kong hinahanap-hanap. "Hindi ko makakalimutan 'yon. Akala ko nga, 'yon na ang araw na sobrang embarrassing para sa akin."

"Hindi na siya naging embarrassing dahil nakilala mo ako?"

Tumawa ako. "Hmm... Siguro!" Tuluyan kong na-suot ang jacket niya at saka niyakap ng mahigpit ang sarili ko. Ang bango-bango talaga ni Caius.

I let my eyes to see the beautiful road that we were hitting. May mga ilaw na sa paligid nito at napapangiti talaga ako sa tuwing makakakita ako ng mga kumikinang na bagay.

Until... I felt myself, remembering something that I lost.

●♥●  

"Mom! Did you know that Ate already has a crush on one of her classmates?!" Binatukan ko si Xander sa sobrang inis. "Aray! Ate naman!"

"Tumahimik ka nga! Mom! What Xander was saying was not true!" I said, defending myself.

"I want to meet that guy, Lauren," Sabi naman ni Mama.

Nanlaki naman ang mga mata ko. "I said, wala nga e!" Giit ko pa.

Nakita ko namang ngumiti si Mommy at humarap kay Daddy. "Tignan mo nga naman, Philip, may crush na pala ang only princess natin e."

I just rolled my eyes. Nakakainis! Narinig ko naman na humahagikhik si Xander sa tabi ko at nilingon ko naman si Kuya na nag-babasa lang ng kanyang libro. Ano ba 'yan! Kahit si Kuya ay hindi ako magawang kampihan at sobrang busy lang niya sa librong binabasa niya!

"Malapit na po ba tayo, Mom?" I asked her.

Tumingin ako sa buong paligid at saka ko napagtanto na ang lakas na pala ng ulan sa labas kaya mabagal lang ang takbo ng sasakyan namin. Napag-isipan kasi ng buong pamilya namin na mag-bakasyon muna, it is because it's our semestral break at our school.

"Nearly there, Princess."

Bumuntong hininga ako at muling itinuon ang paningin ko sa kalsada na dinadaanan namin. Nagulantang ako ng biglang may isang sasakyan na pilit na inuunahan ang sasakyan namin sa takbo nito.

Heart By Heart (The Architects Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon