Chapter 22

10.6K 183 6
                                    

L A U R E N

"Are you really sure that you want to extend our stay here in Canada?" Bungad na tanong sa akin ni Caius pagkatapos niyang maligo. Naka-tapis lang siya ng tuwalya sa kanyang pang-ibabang katawan kaya hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya.

"I'm just planning... dahil baka kailanganin pa ako dito kung sakali," paliwanag ko.

Handa na pareho kaming matulog pagkatapos ng selebrasyon namin kanina para sa unang buwan namin bilang magkasintahan. Looking at his aura, mukhang pagod na pagod nga siya, pinaghandaan niya talaga siguro ang surpresa para sa akin.

Pero, agad naman akong namula nang tumalikod siya sa akin at nagtanggal ng tapis ng tuwalya. "CAIUS! 'W-wag ka ngang magpalit sa harapan ko!" Singhal ko sa kanya.

Impit na pinikit ko ang mga mata ko, tumawa lang siya at ilang sandali pa ay sinabihan na rin niya ako na nakapalit na siya.

"Sorry 'bout that, my queen. Akala ko, sanay ka na sa katawan ko?" Idinilat ko ang mata ko at nahanap ko siyang nakahiga na sa kama.

Hindi pa rin ako nakahinga ng maluwag dahil topless naman siya! Jusko! Ang gwapo ng boyfriend ko! "Ugh!" May bahid ng tili doon.

Inaya na niya ako na matulog pero, umiling ako. "You don't want to sleep yet?"

Umiling ako ulit. "I want to cuddle with you..." Lambing ko sa kanya.

He sighed and smiled. "Okay, whatever my queen wants," he considered.

I tucked myself with him in bed and he immediately wrapped his broad shoulders into mine. "Ilang araw mo pinaghandaan 'yon?" Tanong ko sa kanya.

"Just hours, my Queen." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Mabilis nga naman talagang kumilos si Caius. "I made it fast for you." Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"Kahit simple lang naman ang selebrasyon, Caius. Despite what everyone knows, I am not a materialistic woman," I said to him and played with his fingers.

"Ako, alam ko na hindi ka gano'ng babae. I always knew that," katwiran naman niya.

I sniffed his masculine scent and closed my eyes. "Talikod ka nga," utos ko sa kanya.

Oh god! What a sexy chuckle he has! Mabuti nalang at agad niya akong sinunod. "For what purpose, hmm?"

Sumiko ako na nakatagilid sa kanya. Marahan kong hinaplos ang tattoo na naka-agaw sa akin ng pansin noon. "Bakit 'B' ang nakaguhit dito? Eh, 'di ba, 'C' ang umpisa ng pangalan mo?"

"There's nothing about it, Denisse. Just... ignore it," mahinang sambit niya.

"There's a reason behind every tattoo, Caius. Hindi mo lang naman siguro trip na ipalagay ang ganitong klase." Hinaplos ko ng maiigi ang kabuuan ng tattoo niya. "Sobrang detalyado ng design..."

Gumalaw siya ng kaunti at tuluyan nang humarap sa akin. "It's nothing, okay?" Kumunot ang noo ko ng bahagyang may iritasyon na sa tono ng boses niya.

"I'm just asking -- curious about it," suhestisyon ko. I just shrugged my shoulders.

Hindi na lang siya umimik pero, ramdam ko na naiirita na siya. Wala ba akong karapatan na malaman ang ibig sabihin ng tattoo niya?

Siguro, makakahanap rin ako ng tiyempo at matatanong ko rin sa kanya, at siyempre, masasagot niya iyon.

"Let's just sleep, okay?" Tumango na lang ako sa sinabi niya. Anyway, it's a long day...

●♥●

I was busy preparing my clothes for the day when he suddenly wrapped his muscular arms around my sexy waist. I giggled when he gave a blow on the side of my neck.

Heart By Heart (The Architects Series #2)Where stories live. Discover now