Chapter 7

15.9K 249 3
                                    

L A U R E N 

Naramdaman ko na wala pala ako sa sarili kong kama. Iminulat ko ang mga mata ko at babangon na sana ng may narinig ako...

"Don't even try to touch her!" Napalingon ako sa sigaw ni Caius. Nakatalikod siya mula sa akin at nakaupo sa gilid ng kama. Mukhang may kausap siya sa telepono. "Ako na ang bahala. I'm following the fúcking plan!"

Ano'ng plano? Kinikilabutan naman ako sa mga pinag-sasabi ni Caius sa kausap niya. "Just don't touch her."

Her? Babae? Sino? "What?! No, I'm not?! That's damn impossible!"

Nang makita kong ibinaba na niya ang tawag ay nagkunwaring tulog nalang ako. Naramdaman kong hinaplos niya ang mukha ko gamit ang mga daliri niya. Hindi pa ako nagpakita ng kahit na ano pang senyales na gising na ako at kinikilig sa ginagawa niya.

"Good-morning, my queen," aniya saka ko naramdaman na hinalikan niya ako sa aking labi.

Ngumiti ako sa loob ko, napakagandang umaga. Kunwaring nagising na ako at saka ako ngumiti sa kanya. "M-May kausap ka ba?" I asked him.

Nag-iwas siya ng tingin. "You heard it?"

Umiling ako. "Parang narinig ko lang kanina," palusot ko.

Tumango naman siya. "Are you hungry? Breakfast is ready, beautiful."

Umupo na muna ako at isinandal sa headboard ang ulo ko. "Hindi pa naman." I smiled sweetly at him.

Tumabi siya sa akin at ipinag-dikit ang aming mga noo. "Why do you have to be so beautiful day and night, babe?"

Tuluyan na akong nahiya sa sinabi niya. Ramdam kong namumula na rin nang dahil sa sinabi niya. Ang lakas naman niyang magpakilig!

Kumalas siya sa akin at saka ako hinila papuntang dining room. "I've prepared all of these for you, babe."

Halos mapatakip ako ng bibig ko sa aking nakita. Parang isang mahalagang tao ang pinag-handaan niya ng ganito karaming pag-kain. Punong-puno ang buong lamesa ng pagkain. Ayaw naman niya siguro akong tumaba, hindi ba?

"A-ang dami nito, Caius."

"My queen deserves to be served like this." Lumingon siya sa akin. "It's okay if you don't eat them all. Besides, I want to see you full."

Muli na naman akong kinilig sa kanyang sinambit na mga salita. Parang ang daming puso na nagsisiliparan sa buong paligid, ang sarap sa pakiramdam. Unti-unti na rin gumagaan ang loob ko sa kanya. Iba na ang pakiramdam ko pagdating kay Caius, sobrang gaan.

Pumunta muna ako sa banyo at saka naghilamos ng mukha at nilinis ang bibig ko. Nakakatuwa 'man isipin pero, gusto ko maging presentable sa harapan ni Caius bilang isang babae at dalaga. Gusto ko, may magandang presentasyon ang sarili ko sa kanya.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at inayos ang bangs na halos kulot na. Lumabas na rin ako at naglakad papuntang dining room muli.

Naabutan ko si Caius na inilalapag na mga baso ng kape at saka umupo. Nang nakita niya ako ay tumayo siya muli at ipinag-prisenta ng upuan. "Have a sit, babe," sabi niya at sinunod ko naman.

Kumuha na ako kaagad ng mga pagkain at saka ako sumubo. "Niluto mo 'to?"

Umiling siya. "I never cook." He shrugged.

Natawa ako saglit. "Sinabi mo pa."

"Tsk."

Tama nga naman. Pero, meron pa rin namang mga lalaki ang mga magagaling sa kusina. Sa tingin ko nga, mas maraming mga lalaki ang kilala sa larangan na pag-luluto e.

Heart By Heart (The Architects Series #2)Where stories live. Discover now