Chapter 2

26.1K 375 7
                                    

L A U R E N

Inikot ko ang katawan ko at saka ko ulit nakita at naaninag ang gwapo niyang mukha. Naka-lantad na naman sa akin ang mahahaba na pilik-mata niya sa kanyang mata. Pati na rin ang kanyang perpektong mga kilay na tumingin ka pa lang doon ay maaakit ka na. Bumaba ang mga tingin ko sa ilong niya, parang may lahing amerikano ata 'to e! Ang tangos kasi!

'Yong labi niya humalik sa akin, mapula-pula 'yon at masarap talagang kainin.

Naka-ilan na kaya itong lalaking 'to? Ano nga ba ulit pangalan niya? Caius. Tama! Siguro, siya ang nililigawan ng mga babae, o 'di kaya'y nagiging bakla ang mga gwapong lalaki sa sobrang gwapo ng lalaking ito. Para siyang malaking anghel kapag natutulog.

Ang sarap tuloy hawakan ang mukha niya! Ang kinis e! Sa repleksyon palang ng araw ay wala ka na talagang makikita na kahit isang bakas na nagka-roon siya ng 'ni isang tagyawat.

"Tumigil ka kakapantasya sa akin, baka kainin kita ng 'di oras, babe."

Napa-angat ang mga tingin ko sa naka-dilat na niyang mga mata! G-gising na pala siya! Tumawa ako ng alanganin, at kinakabahan na naman ako. "M-magandang umaga!" Sabi ko nalang.

"Dapat bumawi ka sa akin. Binitin mo ako."

Huminga ako ng malalim at akmang tatayo na sana ng hablutin niya ang dulo ng t-shirt na suot-suot ko at pinahiga ako ulit sa kama. "Mas gusto ko ang umaga kapag makikita ko ang kabuuan mo, Lauren."

I breathed heavily. "Hindi tayo magkakilala ng lubusan, Caius. Kaya please lang, 'wag mo akong pinipilit sa bagay na dapat hindi natin gawin." Matigas kong sinabi sa kanya.

He smirked. "You are, Lauren Denisse S. Del Valle, daughter of the two most popular Architects. You had two brothers named Xander Marc S. Del Valle and Austin Zach S. Del Valle. Xander was your younger brother who married Zaira Leigh Garcia - a professional and popular model. Meron silang anak, babae."

Talagang napa-nganga ako sa lahat ng mga sinabi niya. He knows me?! Paano?! Parang hindi ko na ata kailangang magpakilala sa kanya a! I think he knows every inch of me! Parang gusto ko nalang ibaon ang sarili ko sa lupa at hayaan nalang na lamunin ako!

He raised my chin up. "I know you too well, babe."

Napa-awang muli ang bibig ko sa sinabi niya. "P-paano-"

Wala talaga ata siyang balak na patapusin ako sa bawat sasabihin ko e, 'no?! Wala na naman akong nagawa! Bigla-bigla nalang kasing inaatake ang aking labi at halos maubusan na ako ng hininga dahil halos hindi niya ako bigyan ng 'ni isang segundo 'man lang upang makahinga.

This man is definitely a beast, walang awa... walang awa sa kakahalik sa akin!

I tried to push him. Hindi na talaga ako maka-hinga. I opened my eyes at kitang-kita kung paano halos umikot-ikot ang ulo niya! Napa-pikit ako ng mariin at napa-hawak nalang ako ng mahigpit sa kanyang balikat. Maybe I should grab some air!

We parted and we're both running out of breath. Napa-hawak ako sa dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko! No - it shouldn't be. Hindi, hindi! Nang dahil lang ba sa halikan na 'yon ay makukuha na niya ako?! Hindi pa rin! I know my limitations as a virgin, a single and a woman.

He held my hand and kisses it. "You have very soft lips, babe..." He pinched it and faced me. "I love it."

Marahas na tinanggal ko ang kamay ko mula sa kanya. "Sabihin mo nalang ang kailangan mo sa akin, pwede?!"

Tumayo ako at inayos ang t-shirt at hinawi ang ilang strands ng buhok ko sa gilid. Tumayo na rin siya at naramdaman kong niyakap niya ako sa likod. "I need your life, babe."

Heart By Heart (The Architects Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt