"Bakit hindi mo ako kinausap after mo malaman lahat?" Seryoso ko siyang tinignan sa mga mata niya.

"Bago ko nalaman lahat mula kay Brent hinanap kita dahil gusto kong ayusin natin ang away natin. Gusto kong bawiin ang sinabi ko sayong tapos na tayo. Gusto kong sabihin na hindi totoo lahat ng mga sinabi ko sayo nung gabing umalis ka, nasabi ko lang lahat yun dahil sa galit ko mahal. Sobra akong nagsisi sa ginawa ko sayo mahal. Hinanap kita para humingi ng kapatawaran sayo..."

Tumigil siya at hinawakan niya yung mukha ko at tinignan niya ako sa mga mata ko.

"Nung araw na nakausap ko si Brent at sinabi niya sakin lahat, gustong gusto kitang puntahan noon. Pero sabi ni Brent aalis na daw kayo ng daddy mo at kahit tulungan niya pa akong pigilan ka, hindi ka na daw namin mapipigilan na umalis. Tama ang sinabi ni Brent na bigyan muna kita ng time. Mahal na mahal kita at alam ko din na mahal mo ako at sabi nga ni Brent kung tayo talaga ang para sa isa't isa gagawa ulit ang tadhana para magkita tayo..."

Nakita ko nanamang may luhang pumatak mula sa mga mata niya. Hinawakan ko yung mukha niya at pinunasan ko yung luha niya.

"Ngayong nakita na ulit kita, gagawin ko ang lahat para hindi ka na mawala ulit sakin. Kung kailangan kong magsimula sa umpisa para makuha ko ulit ang tiwala mo at maipakita ko sayong deserving ako sa pagmamahal mo, gagawin ko. Kahit pahirapan mo ulit ako okay lang sakin yun mahal basta kasama lang kita. Sorry sa lahat ng mga nagawa ko mahal, mahal na mahal kita sobra pa sa sobra." Tapos hinalikan niya ulit ako sa noo.

"Gaya nga ng sabi ko sayo noon, pag dumating ang araw na ikaw naman ang hihingi ng kapatawaran sakin asahan mong ibibigay ko yun sayo. Sapat na ang limang taon na hindi kita nakita at nakasama, hindi ko na kakayanin pag sumobra pa yun." Tapos ngumiti ako sa kanya.

Endless love nga talaga ang pagmamahal ko sa kanya at ganun din naman siya sakin. Kahit na may mga nagawa na kaming pagkakamali sa isa't isa nagagawa pa din namin ang patawarin ang isa't isa, yun ay dahil mahal na mahal namin ang isa't isa.

Limang taon na akong nawala sa kanya at hindi ko na hahayaan na lilipas nanaman ang ilang araw, buwan o taon na hindi ko siya makakasama.

Mahal naman namin ang isa't isa at para sakin sapat na rason na yun para bigyan ko ulit siya ng bagong pagkakataon. Hindi ko din naman maitatangi na gusto ko din siyang makasama.

"Thank you sa walang katapusan na pagmamahal mo sakin, mahal. Thank you kasi hindi ka nagsawang mahalin ako, despite sa mga nagawa ko sayo noon still nandito ka pa din patuloy na nagmamahal sakin." Tapos kinuha niya ulit ang kamay ko at hinalikan niya ang mga iyon. "Pero ipapakita ko pa din sayong deserving ako sa forgiveness na binigay mo sakin."

"Ayokong kalimutan ang mga nangyari sa atin noon, lahat ng mga masasakit na nangyari satin, lahat ng mga masasayang nangyari satin noon, hinding hindi ko makakalimutan lahat ng yun. Ayokong kalimutan natin lahat at magsimula ng bago dahil alam ko na dahil sa mga nangyaring yun sa atin, mas naging matatag tayo. Napatunayan natin sa mga sarili natin kung gaano natin ka mahal ang isa't isa at natuto din tayong magpatawad sa taong nakasakit satin, at dahil yun sa pagmamahal na meron tayo."

"Some scars are beautiful, it reminds us how we heal as we endure." and I see a trace of a smile on his beautiful chiseled lips.

Kusa akong napangiti nung ngumiti siya sakin. Yung ngiti niyang nakakahawa, yung ngiti niyang pinaka paborito ko sa lahat ng ngiti na nakita ko.

"I was intoxicated with your smile." Nakangiting sabi ko.

"It's your smile that keep on melting me away. It's your smile who makes my love for you to become stronger and stronger. I love you in every beat of my heart, Akisha Jade G. Arquiza, my angel, my one and only girl." Then he kiss me on my forehead and he embrace me with his chiseled arms.

Endless Love (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن