Panibagong limang taon nanaman ang lumipas mag mula ng umalis siya ng walang pasabi. Pero this time alam ko naman ang totoong dahilan kung bakit siya umalis at nirerespeto ko ang decision niyang iyon. Limang taon ko na siyang hindi nakikita, hindi nakakausap, hindi nahahawakan at hindi nayayakap. Miss na miss ko na siya sobra pa sa sobra. Gusto ko man siyang puntahan hindi ko naman magawa dahil hindi ko naman alam kung nasaan siya. Ayaw sabihin sakin ni Brent at ni Samantha kung na saan sila. Nagkaayos na din kami ni Brent at ni Samantha, nagkikita kami pero minsan na lang dahil sobrang busy ko na din at ganun din silang dalawa.

Gusto ko sana kausapin ang mommy ni Akisha nung nalaman ko ang totoo pero sabi ni Brent mas mabuti na lang daw na wag na muna akong magpakita sa kanya dahil baka ano pang magawa niya sakin. Nasabi din ni Brent na sumama na daw ang mommy ni Akisha sa papa nitong si tito Joaquin pabalik sa states nung umalis si Akisha kasama ang daddy niya. Alam ko na din kung sino si tito Joaquin at kung ano ang totoong relasyon niya sa mommy ni Akisha.

Natupad na ang pangarap ko na makapaglaro sa gilas pilipinas, natupad na din ang pangarap kung magkaroon ng sarili kung negosyo. Isa na lang ang hindi ko natutupad sa mga pangarap ko. Yun ay ang makasama si Akisha Jade hanggang sa huling hininga ko. Ngayon kikilos na ulit ako para matupad ko na din ang pangarap kong iyon.

Sana pag nagkita ulit kami, sana mapatawad niya ako sa lahat ng mga ginawa ko sa kanya noon. Sana mahal niya pa din ako, sana hindi pa huli ang lahat para sa amin.

***

Isang restaurant na lang ang pupuntahan ko at makakapag pahinga na din ako. Nakakapagod din palang pumunta sa lahat ng branch ng mga business mo pag maraming branch ang negosyo mo. Pero isa na lang at matatapos na din naman ako. Yung huling branch na pupuntahan ko is yung dito sa manila.

Time check it's already 4:30, mamayang seven pa naman ang celebration kaya alam ko makakaabot pa din naman ako. Gusto ko pa nga sana na sa bar ko lang kami mag celebrate pero ayaw ni coach, gusto niya daw sa hotel na para pag nalasing ang buong team hindi na uuwi dahil may kinuha naman siyang room.

Sa wakas nandito na din ako, actually gusto ko lang naman makita kong okay ba yung restaurant ngayon at kung madami bang pumupunta dito.

Sa main door na ako pumasok at pag pasok ko napangiti ako ng makita kong maraming taong kumakain dito ngayon. Tama lang ang decision ko na dito mag lagay ng isang branch kasi malapit ito sa isang hotel at mukhang ito lang ang restaurant na maraming tao. Tsaka malapit din kasi ito sa isang mall.

Pumunta muna ako sa kusina para e-check at para makita ang mga chef.

"Good afternoon po sir Ricci." Bati sakin ng isang lalaking waiter.

"Good afternoon din." Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pagpasok ko sa kusina na amaze ako dahil organize na organize talaga ito, alam kasi nilang ayaw ko sa magulo at isa sa mga rules ko ay dapat organisado ang lahat ng mga bagay.

"Good afternoon po sir Ricci." Sabay na bati sakin ng mga chef na nandito.

Ngumiti naman ako sa kanilang lahat. "Good afternoon din sa inyong lahat, sige lang ipagpatuloy niyo lang ang mga ginagawa ninyo."

Nag si tango naman silang lahat sakin at bumalik na sila sa mga ginagawa nila. Nag ikot ikot lang ako sandali sa kusina at maya maya pa lumabas na din ako. Pumunta naman ako sa mini office ng restaurant na to para kausapin ang manager na nilagay ko dito.

Pag pasok ko sa loob nakita kong busy siya sa mga ginagawa niya at mukhang hindi niya ako napansin.

"Aheem." Kunwaring napaubo ako.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now