Ibig sabihin hindi alam ni Akisha na hindi niya totoong ina ang kinikilala niyang ina noon? Tapos ang totoo niyang ina nandon sa states at walang magawa dahil sa takot na baka saktan si Akisha ng lola niya? Gusto kong magtanong kay Brent pero gusto ko lang din muna makinig sa kanya dahil gusto ko din malaman ang buong katotohanan.

"Kaya noon sa tuwing sinasabi nating pupunta tayo sa bahay nila sinasabi agad ni Jade na hindi pwede. Kasi ang totoo niyan nahihiya lang siya satin at baka malaman natin ang totoong estado ng pamilya niya. Hindi niya sinasabi satin na palagi siyang sinasaktan dahil natatakot siyang magsumbong satin, natatakot siya na baka pati tayo saktan din tayo ni tita Rowella. Tsaka naaalala mo ba dati cci sa tuwing maglalaro tayo nung mga bata tayo hindi pwede na dalawa lang kayo ni Jade. Kasi ang totoo niyan ayaw ni tita Rowella na may mga kaibigan si Jade at alam ni tita Rowella na mas close kayo ni Jade, kaya ayon siniraan ka niya kay tito Luis. Kaya sa tuwing malalaman ni tito na dalawa lang kayo, hindi agad pumapayag si tito. Kaya simula noon palagi na tayong apat na magkasama at palaging nakabuntot din ang yaya ni Jade at yaya ni Samantha..."

Ngayon alam ko na kung ano ang totoong dahilan kung bakit dati hindi siya pumapayag na makipaglaro sakin na dalawa lang kami. Kasi hindi pala pumapayag ang daddy niya dahil siniraan ako ng kinikilala niyang ina sa daddy niya. Kaya pala dati marami siyang gustong gawin pero hindi niya magawa dahil pinagbabawalan siya ng daddy niya.

"Hanggang sa dumating na nga ang araw na nalaman na ni Jade ang katotohanan, nung araw na yun din mismo halos mapatay na siya ni tita Rowella sa sobrang pananakit sa kanya. Kaya kinabukasan non kinausap ko si Jade kasama si mama Valerie, sinabi na namin ang lahat kay Jade. Then she decided na gusto niyang pumunta sa mommy niya, gusto niyang makilala ang totoo niyang ina. Sinabi namin kay mama Sandy ang lahat at ang kagustuhan ni Jade na makasama siya, buti na lang din at pumayag si mama Sandy sa gusto ni Jade. Kaya kinabukasan non madaling araw ko siyang sinundo sa bahay nila at nung araw din na yun mismo kami umalis sa pilipinas at dinala namin si Jade sa states kasama si mama Valerie. Sa totoo lang laking pasasalamat ni mama Sandy nung dumating si Jade sa states, kasi yun din yung araw na na sa hospital si mama Sandy dahil may sakit siya noon. Si Jade ang naging inspirasiyon niyang gumaling at magpalakas, dahil kay Jade kaya patuloy na lumalaban si mama Sandy sa sakit niya."

Ngayon alam ko na ang totoong dahilan kung bakit umalis si Akisha at bakit mas pinili niyang makasama si Brent kisa sakin. Ngayon naging mas malinaw na sakin ang lahat.

"Bakit hindi mo sinabi samin ni Samantha ang totoong dahilan kung bakit kayo umalis ni Jade?"

Napatingin siya sakin ng tanungin ko siya non. Seryoso ang mga tingin na binigay niya sakin.

"Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na namin kayo nakausap ni Jade. Isa pa ayaw ni Jade na sabihin sayo ang totoo dahil alam niyang pipigilan mo lang siyang umalis ng bansa. Mahal ka niya pero mas pinili niyang iwan ka muna para makasama niya ang totoo niyang ina. Pinutol namin ang lahat ng mga koneksyon namin dito sa pilipinas dahil baka sundan ni tito Luis si Jade at bawiin siya kay mama Sandy. Kaya hindi kami nakapag paramdam sa inyo sa loob ng limang taon naming pagkawala." Seryosong sabi niya

Ngayon alam ko na kung bakit wala man lang akong balita kung nasaan siya sa loob ng limang taon. Ang tanga ko para magalit sa kanya dahil umalis siya ng walang kahit ni isang salita na iniwan. Ang g@go ko para magtanim ng galit sa kanya dahil umalis siya kasama si Brent. Ang g@go ko para paniwalain ang sarili ko na pinagpalit niya na ako kay Brent at mas ginusto niyang makasama si Brent kisa sakin. Sa tuwing naiisip o nakikita ko si Brent parang gusto ko siyang patayin dahil sa akala kong ginawa niyang pangaagaw niya sakin kay Akisha, yun pala mag pinsan silang dalawa!

"Salamat at patawad." Seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Para saan?"

"Salamat dahil palagi kang nandiyan para sa kanya, hindi mo siya iniwan. Salamat kasi palagi mo siyang pinoprotektahan. Salamat sa sobra sobrang pag aalaga na ginawa mo para sa kanya. Sobrang dami mong sinakripisyo para sa kanya. Salamat kasi nung mga oras na kailangan niya ng masasandalan at ayaw niyang lumapit sakin, ikaw ang naging sandalan niya. Salamat sa pagmamahal na binigay mo sa kanya, sobra pa sa pagiging mag pinsan ang pagmamahal at pag aalaga ang ginawa mo para sa kanya. Salamat dahil sinabi mo lahat sakin, ngayon malinaw na sakin ang lahat..."

"Patawad dahil hinayaan kong paniwalaan ang isang bagay na hindi naman pala totoo. Patawad kasi nagtanim ako ng galit sayo na halos patayin na kita sa tuwing nakikita kita. Patawad dahil hindi ako nakinig sa inyo, lalong lalo na sa kanya. Patawad kasi mas pinili kong maging sarado ang isip ko sa katotohanan. Patawad dahil sinira ko ang pagkakaibigan natin. Patawad dahil hindi ko nagawang magtiwala sayo, B!"

Pagkatapos ko sabihin yun sakanya niyakap ko siya. "Salamat kasi ikaw ang naging bestfriend ko."

Hindi naman siguro nakakabawas ng pagkalalaki kung iiyak ako sa harap niya ngayon. Hindi ko lang mapigilan ang luha ko. Sobrang bless ko na siya, sila ang naging bestfriend ko. Nasira man ito dahil sa maling akala aayusin ko naman ito sa tamang paraan, yun ay magsisimula sa pag papatawaran.

Naramdaman ko din ang kamay niya sa likod ko at tinapik niya pa ito. Maya maya pa kumalas na siya sa pagkakayakap sakin at ngumisi siya sakin.

"Ang bading natin pareho tayong umiyak! Ito na ang huling beses na tutulo ang luha ko dahil sayo cci!" Tapos sinipa niya pa ako sa binti.

Ngumisi din ako sa kanya at sinuntok ko siya sa braso, pero mahina lang naman. "Ikaw lang ang bading B! Ikaw ang unang umiyak satin!"

"G@g*!" Tsaka tumawa pa siya.

"Mas ka! Pero seryoso ako, salamat at patawad sa lahat. Mahal na mahal ko si Akisha alam mo yan! Mahal din kita B kaya wag ka ng magselos kay Akisha." Tapos umakbay pa ako sa kanya.

"Mas mahal ko si Samantha kisa sayo! Alam ko din naman na baliw na baliw sayo ang pinsan ko. Maniwala ka man o sa hindi, walang araw na hindi ka naiisip ni Jade. Palagi niyang sinabi na sana nag paalam man lang siya sayo, sana kinausap ka man lang niya muna bago siya umalis. Ang dami niyang mga what if's noon cci." Tumingin siya sakin at ngumiti siya. "Ikaw lang ang lalaking minahal niya ng ganun kalalim, ikaw lang ang lalaking minahal niya mula umpisa. Ikaw lang ang lalaking iniisip niya na naiwan niya dito sa pilipinas. Ikaw ang dahilan kung bakit siya bumalik dito sa pilipinas."

"Sobrang bait ko yata kay Lord kaya binigyan niya ako ng isang Akisha Jade G. Arquiza!"

"Hindi ko din inaasahan na ikaw lang din pala ang magiging dahilan kung bakit aalis siya ulit sa bansang ito. Nasabi ko na lahat sayo, lahat ng mga katotohanan na gustong sabihin ni Jade sayo ako na ang nagsabi. Alam ko kasing hindi niya na masabi sayo to kaya ako na ang gumawa. Wala akong galit sayo cci pero hindi na kita matutulungan na pigilan si Jade, maayos na ang lahat kaya wala na din akong magagawa. Kung talagang mahal niyo ang isa't isa at kung talagang kayo nga ang nakatadhana. Gagawa at gagawa ang tadhana para muling kayo'y magkita. Siguro mas mabuti na din munang malayo kayo sa isa't isa para maayos niyo din ang mga sarili niyo. Sometimes it is not enough that a lesson is explained to you. Many times you have to go through the experience and make a mistake before you learn what life is trying to teach you."

Endless Love (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt