"Nakita ko Jade kung gaano ka kasaya nung mga oras na kasama mo siya! T@ng!na napatanong ako sa sarili ko nung araw na yun, hindi pa ba ako sapat para mag hanap ka pa ng iba? Kulang pa ba lahat ng mga ginawa ko para sayo? Mas mabuti ba si Brent bilang lalaki? Ang sakit Jade na makita kang kasama siya knowing na kaibigan ko din siya, tapos siya pa ang kasama mo nuong nawala ka ng limang taon. Bakit Jade ano bang nangyari sa inyo sa loob ng limang taon? Naikama ka ba niya nung mga taong wala ako?"

Hinawakan ko siya sa kamay niya at tinignan ko siya sa mga mata niya. Para akong dinurog nung yumuko siya sakin, hindi niya magawang tumingin sa mga mata ko.

"L-love please." Mahinang sabi niya at inalis niya yung kamay ko. Pero mas hinigpitan ko yung pagkakahawak ko dito at hinila ko siya papalapit sakin.

"Hindi mo sinabi sakin na binabahay ka na pala ng g@gong yun! Kailan pa yun nagsimula Jade? Nung bumalik ka dito doon ka na ba umuuwi sa bahay niya? Kaya pala ayaw na ayaw mong hinahatid kita sa inyo dahil ibang bahay pala ang inuuwian mo! Nakakadiri ka Jade!" Seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya at habang hawak ko yung braso niya.

"L-love hindi t-totoo yan mani---"

"So hindi ka pa talaga aamin sakin na doon ka umuuwi? Siguro nandon ka noong buong linggo na nag away tayo dahil hindi kita nakita sa bahay niyo noon, hah Jade nandon ka ba? Anong ginawa niyo sa isang linggo na yun Jade? Hindi ko naisip na baka nga siya yung kasama mo noong nawala ka ng isang linggo. Hindi ko inaakalang magawa mo akong lokohin Jade!"

Binitawan ko siya at hindi ko napigilan ang sarili ko na itulak siya. Tumama siya sa pinto at napaupo siya sa sahig. Tumingin siya sakin at binaling ko yung tingin ko sa isang upuan na katabi niya.

"M-makinig ka m-muna sakin l-love." Nakita kung yumuko siya at pinunasan niya yung mukha niya. Maya maya inangat niya yung mukha niya at tumingin siya sakin. Nung tinignan ko siya sa mga mata niya nakikita kong namumula ang mga ito.

"Tama na Jade pagod na akong makinig sa mga kasinungalingan mo! Anong kasinungalingan nanaman ba ang sasabihin mo sakin ngayon? Sasabihin mong hindi totoo lahat ng mga iniisip ko tungkol sayo? At yung mga nakita ko hindi din totoo yun? T@ng!na Jade kitang kita na ng mga mata ko magsisinungaling ka pa? Tama na Jade!" Hindi ko na talaga alam kong ano pa ang gagawin ko para lang hindi ko siya masaktan.

"W-wala kaming r-relasyon ni Brent." Seryosong sabi niya at tumayo siya sa pagkakaupo niya.

"Walang relasyon? What the f*ck Jade! So anong ibig sabihin ng lahat ng mga nakita ko Jade? Friends with benefits? Kitang kita kong iba ang mga tingin ni Brent sayo Jade! Lalaki ako at alam ko ang mga tingin na yun Jade! Tapos hinayaan mo lang siyang halikan ka sa noo at pisngi mo? Tapos ang mas masakit pa nung sinundan ko kayo na umuwi sa iisang bahay, akala ko ihahatid mo lang siya pero nakita ko Jade, nakita kong sabay kayong pumasok sa bahay na yun. Ako namang si tanga nag hintay ng dalawang oras sa labas dahil umaasa akong lalabas ka at uuwi sa bahay niyo. Pero anong nakuha ko? Wala Jade! Doon ko lang na realize na sumama ka nga sa kanya sa bahay nila!"


"Tapos kaninang umaga? Hindi ko inaasahan na makikita ko yung kotse niya sa labas. Nakita ko kung paano ka niya pag buksan ng pinto, kung paano ka niya yakapin at halikan sa noo, kung paano kayo naglambingan, kung paano kayo tumawa, Sh!t Jade umaga pa lang sirang sira na yung araw ko sa nakita ko! Bakit lahat ng mga yun ginagawa ko naman sayo ah, saan ba ako nag kulang Jade? Lahat binigay ko na sayo, pero anong nakuha ko sayo? Walang iba kundi puro kasinungalingan!" Hindi ko napigilan at nasipa ko nanaman yung upuan na nasa harap ko.

"L-love you know h-how much I love you at h-hindi kita nilolo---"

"Jadeee! Tama na nakakapagod nang pakinggan ang mga kasinungalingan mo!" Sa sobrang galit ko naitulak ko yung mesa sa harap at nasipa ko pa ito. Hindi ko din napigilan at nasuntok ko ng sobrang lakas ang white board ng classroom na ito.

Gaano ba kahirap na aminin sakin na 'oo ricci niloko kita at oo si brent yung lalaki ko!' 'oo tama yung mga nakita mo!'

Lumapit siya sakin at hinawakan niya yung kamay ko at agad ko siyang tinulak at tumama siya sa upuan at natumba ito.

"Wag na wag mo akong hahawakan Jade, nandidiri ako sayo!"

"I'm s-sorry." Mahinang sabi niya at pinilit niyang tumayo.

Tumingin ako sa kanya. "Gaya ka din ba ni Roxanne? Yung akala mo inosente pero nagiging wild din pala pag dating sa kama?" Seryoso at galit na sabi ko sa kanya.

"Alam.mong.hindi.totoo.yan." Seryoso at may diin pero mahinang pagkakasabi niya.

"Hindi totoo? Talaga Jade? So sino ba ang nakauna si Brent o ang Joseph na yun? T@ng!na ikaw pala ang tinutukoy ng g@g* na yun nung students night! So kailan pa kayo nagkakilala? Alam ba ni Brent at ng Joseph na yun na tatlo kami ang pinagsasabay mo?" Seryoso ko siyang tinignan at yumuko lang siya.

Pilit niyang ipinatayo ang sarili niya at itinayo niya din yung upuan at umupo siya dito.

"Tapos ang mas malala pa nakita ko lahat ng ginawa niyo kanina sa canteen Jade! T@ng!na hindi ka na nahiya at doon pa kayo nagkita ng lalaki mo? Hindi mo ba naiisip ang sasabihin ng ibang tao sayo? Yung mga paghawak niya sayo! Yung pagyakap niya sayo! Yung paghalik niya sayo sa labi! T@ng!na Jade ang landi mo! Hindi ikaw ang Jade na nakilala ko noon!"

"L-love nasasaktan a-ako sa mga n-naririnig ko s-sayo." Mahinang sabi niya at yumuko siya.

"Nasasaktan? T@ng!na Jade mas nasasaktan ako sa mga ginawa mo sakin! Hindi mo lang ako winasak Jade! Tinapakan mo ang pagkalalaki ko Jade! Ano nalang ang iisipin ng ibang tao? 'Si Ricci Rivero niloko ng isang babae?' Ang tanga ko para magpauto sayo!" Hindi ko nanaman napigilan na suntukin ang white board and this time dumugo na yung kamay ko.

"L-love may s-sugat ka." Tumayo siya sa at naglakad siya papalapit sakin.

"Wag kang lumapit sakin Jade! Umalis ka na baka ano pa ang magawa ko sayo!" Lumayo ako sa kanya at tinignan ko siya sa mga mata niya. "Simula ngayon tinatapos ko na ang kung ano man ang meron tayo." Seryosong sabi ko.

"I-m sorry l-love, s-sana hindi pa s-sarado ang p-puso mo para sa mga k-katotohanan." Nakita ko pang may luhang nahulog mula sa mga mata niya at binuksan niya ang pinto at tumingin sakin. "I h-hated how I can still f-forgive you. E-even though you caused so much pain. I h-hated how, I s-still love y-you." Tsaka lumabas na siya.

T@ng!na anong ginawa mo Ricci! Hindi ko na alam kong anong tama at mali! Gulong gulo na ang isip ko ngayon!

"T@ng!na ka!" Nagulat nalang ako dahil nakahiga na ako sa sahig.

"What the f*ck para saan yun?" Seryosong sabi ko sa kanya at tinignan ko siya sa mga mata niya at tumayo na ako.

"Para sa lahat ng mga pasakit na binibigay mo kay Jade! T@ng!na ka dude kung alam ko lang na masasaktan lang siya sayo sana hindi ko na lang kayo tinulungan!" Nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang galit.

Tumayo ako at ngumisi ako sa kanya. "Talaga you helped us? O baka naman nag bubunyi ka na ngayon dahil hiwalay na kami? Kaano ano ka ba niya para tulungan mo kami? Isa ka din ba sa mga naging lalaki ni---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinuntok niya ulit ako at napahiga ulit ako sa sahig.

"Akala ko kilalang kilala mo na siya pero nagkakamali pala ako! T@ng!na mo Rivero hindi mo alam kung gaano kalaki ang pinakawalan mo!"


Ngumisi ako sa kanya at tumayo ako. "Kawalan? Hindi siya kawalan sakin dude, babae lang siya madami pang mga babae diyan. Kung gusto mo siya edi iuwi mo din sa bahay mo!" Tinulak ko siya at mabuti na lang dahil nakakapit siya sa isang upuan.

"Your an assh*le! Simula ngayon hinding hindi na kita hahayaang makalapit sa kanya! Tandaan mo to Rivero, ito na ang huling araw na makikita mo siyang umiiyak dahil sayo! Teka nakita mo ba siyang umiyak? I guess hindi, hindi mo lang alam kong ilang beses ka na niyang iniyakan! Baka gusto mong malaman, nadapa pala siya kanina habang tumatakbong umiiyak. T@ng!na ka Rivero hindi mo alam kung gaano kalaki ang pinakawalan mo! Madaming taong pinoprotektahan siya at akala ko isa ka na don, pero mali ako dahil isa ka pala sa mga taong sasaktan din siya! Simula ngayon kalimutan mo ng kaibigan moko! Simula ngayon ayaw na ayaw ko ng makita kang lumalapit sa kanya."

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now