Sa sobrang respeto ko sa kanya noon never ko siya nagalaw at nag papasalamat ako dahil hindi ko man lang siya nagawang galawin.

"Naaalala mo ba nung birthday ko? Yung bago pa bumalik si Jade? Sa bahay ka natulog non Ricci at lasing na lasing ka non, pag gising nating dalawa we were both naked! Now tell me na hindi mo pa din anak to!"

Napaisip ako sa sinabi niya, yes lasing ako that time pero alam ko kung ano ang mga ginagawa ko dahil hindi naman ako ang tipo ng tao na madaling malasing at hindi naman hard ang ininom namin.

"Lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko! Hindi ako tanga para maniwala sa sinasabi mo! Now get lost!" Sigaw ko sa kanya.

"Ricci nag sasabi ang anak ko ng totoo at anak mo nga ang dinadala niya! Sana naman mag pakalalaki ka!" Hindi na din napigilan ng mama niya na sumagot.

"Wag niyo ng gatungan pa ang mga kasinungalingan ng anak niyo. Umalis na kayo hanggat may natitira pa akong respeto para sa inyo." Sagot ko sa mama niya. Tinignan ko si Roxanne sa mga mata niya. "And you! Don't you dare try to show yourself again with me, especially with Akisha. Tanggapin mo ng tapos na tayo Roxanne dahil ang hinayaan kang makapasok sa buhay ko ang isa sa pinaka malaking pagkakamali na nagawa ko sa buong buhay ko!" Tunalikod na ako sa kanila. Then narinig ko pa yung huling sinabi ng mama niya.

"Wala kang pinagkaiba sa papa ni Roxanne! Mag sama-sama kayong lahat! Mga manloloko at mga mang aagaw!" Sigaw niya.

Hindi ko na sila nilingon pa dahil ayoko ng makinig sa mga kasinungalingan nila.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon! Una nagalit si Akisha sakin dahil sa nangyari kanina sa world of fun, pangalawa nalaman niyang buntis si Roxanne at naniwala siyang ako ang ama ng batang yun. At pangatlo ayaw niya na akong makita.

****

Kanina pako nandito sa condo at mag isa akong umiinom. Naparami na din ang nainom ko at hanggang ngayon walang epekto sakin ang mga ininom ko, parang tubig lang yung alak na hindi man lang ako nalalasing kahit madami na yung nainom ko.

Napaayos ang upo ko ng marinig kung may nag doorbell. Agad akong napatayo at binuksan ang pinto dahil akala ko si Akisha yun. Pero nadismaya ako ng hindi siya ang nakita ko.

"Dude nag lalasing kang mag isa? Baka mabaliw ka na niyan." Nangising sabi ni Kobe at pumasok na silang lahat sa loob.

"Oo nga bro, hindi ka naman nag text na may alak ka pala ngayon." Sabat naman ni Javi at umupo sa sofa ko.

"Oo nga dude hindi ka man lang nagyaya samin." Umupo na din si Juan at kumuha siya ng alak.

Umupo na din yung iba at kumuha na sila ng mga alak na nasa mesa ko ngayon sa sala. Yes nandito lahat ng mga ka teammates ko, at pag sinabi kung lahat, lahat talaga sila.

"Anong drama mo bro? Nagulat ako ng mag text si kobe na pupunta daw kami dito." Nakangising sabi ni Paul.

"Sabi ko naman kasi sa inyo BH siya ngayon." Nakangising sagot ni Juan.

"BH?" Tanong naming lahat.

"Broken hearted!" Ngumiti siya at uminom siya ng alak.

"Mukhang mahabang usapan to ah." Seryosong sabi ni Jun.

"So do we need to add beers here?" Ngising tanong naman ni Bright.

"Mukhang bukas ng umaga nako makakauwi nito ah. Text ko lang si mama para hindi magalit sakin yun." Nakangiting sabi din ni Janjan.

"Text ko lang si Sam na hindi ako pupunta sa kanila ngayon dahil may BH akong kaibigan." Ngumisi din si Diego after niya sabihin yun.

"So pumunta kayo dito para guluhin ako? Sige na umalis na kayo!" seryosong sabi ko.

"We all know that you need us here dude." Naging seryoso bigla ang mukha ni Bright after niya sabihin yun.

"Spell it out bro!" Sabay tapik ni kobe sa balikat ko.

"Ano ba ang ibig niyong sabihin? Nag lasing lang ako dahil gusto ko hindi dahil may problema ako." Seryoso ko siyang tinignan.

"Alam na namin lahat bro, nag kita kami kanina sa mall ni Jade kasama ko si Kobe, Javi at si Paul." Seryosong sabi ni Juan.

"Sinabi na din ni jade samin lahat ng nangyari kanina dude." Seryoso na din yung mukha ni Paul.

"Nasaktan siya ng sobra dude, ayaw ka nga niyang makita." Si Javi naman ang seryosong nagsalita.

"Umiyak siya sa harap namin kanina dude, hindi ko gusto ang makita siyang umiiyak kanina. Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo?" Seryosong sabat naman ni Kobe.

"Guys hayaan niyo munang magsalita si Ricci para marinig din natin ang side niya." Biglang singit naman ni Diego.

"Ano pa ang silbi ng mga sasabihin ko kung galit na siya sakin?" Seryosong sabi ko at tinuga ko yung natitirang alak na hawak ko.

"Alam kong hindi totoo ang mga sinabi ni Roxanne kay Jade, I know you so well bro." Seryosong sabi ni Juan.

Tama si Juan, sa lahat ng mga kaibigan ko dito siya ang mas nakakakilala sakin. Simula ng umalis si Jade at ng makilala ko si Juan siya na palagi ang nakakasama ko. Nawalan ako ng dalawang malalapit na tao sa buhay ko. Ang mas masakit pa don magkasama pa sila ng umalis silang dalawa.

"Sinabi ko na kay Roxanne na hindi ko anak yung batang dinadala niya. Alam kong walang may nangyari saming dalawa. Isa pa hindi ko naramdaman ang saya ng sabihin niyang ako ang ama ng bata. Alam ko na hindi sakin yun." Kumuha ako ng isang alak sa mesa at uminom ako.

"Bakit hindi mo sabihin ang totoo kay Jade?" Janjan.

Napatingin ako sa kanya at napangiti ako ng mapait. "Paano ko pa masasabi sa kanya ang totoo kung ayaw niya na akong makita? T@ng!na hindi ko na alam ang gagawin ko!" Binato ko yung alak na hawak ko sa pinto.

"Hey dude! Hindi solusyon ang pag basag ng bote ng alak! Gumawa ka ng paraan para makausap mo siya." Pinakalma ako ni Javi at sinabi yun.

"Ang tanong anong solusyon ang gagawin niya? Mukhang mahihirapan ka nanamang makita si Jade nito dude." Sabay tapik ni Kobe sa balikat ko.

"What do you mean na mahihirapan? Alam ko kung saan ang bahay nila at doon ako pupunta." Tinignan ko siya ng seryoso.

"Dude you think after ng nangyari doon pa din uuwi si Jade? I mean, alam niyang susundan mo siya doon at kung gusto niyang makapag isip hindi yun uuwi sa bahay nila." Seryosong sabi ni Kobe.

"Kobe is right bro, kung ako si Jade hindi din ako uuwi sa bahay namin ngayon." Sagot naman ni Juan.

"So saan siya uuwi?" Tinignan ko sila dalawa at kumuha ako ng bagong alak.

"Yan ang hindi natin alam." Kumuha na din si Kobe ng alak at uminom siya nito. "Pero isa lang ang masasabi ko sayo dude, don't you dare na pumunta sa bahay nila na lasing baka ano pang magawa mo."

"Tama si Kobe cci, at kung hahanapin mo man si Jade kailangan hindi ka lasing dahil pag nag usap kayo papano ka mag papaliwanag kung lasing ka?" Seryoso din ang pagkakasabi ni Juan.

"Siguro bukas mo na lang kausapin si Jade bro." Tinapik ako ni Jun sa balikat.

"They are right dude, you better rest now and then tomorrow morning you can start to find your angel." Ngumisi pa sakin si Bright after niya sabihin yun.

"Wag kang mag alala tutulong kami sayo dude." Nakangiting sabi ni Diego at tinapik ako sa balikat.

"Oo na bukas ko na siya kakausapin, pero salamat dahil pumunta kayo dito." Sabi ko.

"Wala ng libre ngayon bro, kaya ilabas mo na ang pambili ng alak dahil paubos na yung alak natin!" Ngumiti pa si Jerson tapos niya sabihin yun. Hindi naman to mahilig sa alak pero siya pa talaga ang nagsabi niyan ah?

"Sige na bibili na ako!" Ngumisi ako sa kanila at akmang tatayo ng magsalita si Kobe.

"Ipaliwanag mo lang ang lahat sa kanya dude for sure maniniwala naman siya sayo. Mahal ka niya at mapapatawad ka niya, ikaw nga napatawad mo siya sa mga nagawa niya sayo."

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now