"Aalis na kami Jade, congrats." Ngumiti din si Javi sakin at nag wave.

Umalis na nga silang dalawa, So kaming dalawa ni Kobe na lang ang nandito ngayon. Ang weird po nilang lahat hindi ko alam kung anong meron bakit ganun sila kumilos. Tumingin ako kay Kobe and nakatingin din pala siya sakin.

"Ikaw hindi ka aalis?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi, ito kasi ang naka assign sakin." Ngumisi pa siya sakin.

"What do mean na naka assign? Ang weird niyong lahat." Seyosong sabi ko.

Hindi ko po talaga alam kung ano ang nangyayari sa kanila ngayon.

"Later you'll find out." Ngumisi pa siya sakin. "So kamusta ka na Jade?"

Napatingin ulit ako sa kanya ng sabihin niya yun. Teka parang kinakabahan ako ngayon, I don't know why.

"Okay naman ako, ikaw kamusta? Hindi ba mahirap na mag adjust?"

"Hindi naman tsaka kasi mababait naman silang lahat kaya naging madali lang sakin." After niya sabihin yun kinuha niya yung phone niya at may binasa siya dito, baka may nag text lang.

"Gusto ko pa sanang makausap ka pero alam ko hindi pa ito ang tamang panahon. So ano halika na?" Tumayo siya at inoffer niya sakin yung kamay niya para tulungan ako tumayo.

"There's always a next time kobz, sige mauna ka na hihintayin ko pa si Ricci." Ngumiti ako sa kanya.

Kinuha niya yung isang bag ko na may lamang laptop at nilagay niya ito sa kabilang balikat niya at tsaka ako hinila patayo. "Na sa rooftop si Ricci, actually ano kasi may uhmm ano may biniling beer sina Paul at iinom daw ang barkada doon sa rooftop."

Seryoso ko siyang tinignan at kumunot ang noo ko sa kanya. "Teka kailan pa naging allowed ang pag pasok ng mga beer dito sa campus?" Seryosong tanong ko.

"Kaya nga pupunta ka doon para pigilan ang barkada. Kaya halika na dahil for sure nagsisimula na silang uminom doon." Ngumiti siya sakin at
binitawan niya yung kamay ko at nauna na siyang maglakad. "Nakalimutan ko bawal ka nga palang hawakan, please don't let Ricci know na hinawakan kita." Ngumisi pa siya sakin.

So dahil sa wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako sa kanya. Akala ko ba sa shower room siya pupunta, pano naman yun napunta sa rooftop? Ang hihilig talaga nila sa alak.

Habang naglalakad kami ni Kobe hindi ko alam kung bakit pero mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. May sakit na yata ako sa puso kasi minsan nakakaramdam ako ng ganito, lalong lalo na pag may mga ginagawang kakaiba si Ricci.

Nandito na nga kami ngayon sa harap ng pintuan ng rooftop at mas lalong bumibilis ang heartbeat ko.

"Jade mauna ka na muna pupunta lang ako sa private room ihahatid ko lang yung mga gamit ko doon. Tsaka dalhin ko na lang din muna yung laptop mo doon para hindi ka na mahirapan." Ngumiti siya sakin after niya sabihin yun.

"Teka sumama ka na muna sakin sa loob, baka kasi prank nanaman to tapos wala palang tao sa loob at iiwan niyo lang ako mag isa don." Kinakabahang sabi ko.

Ilang beses na kasi nila akong na prank at ang may pasimuno nito ay walang iba kundi si Ricci. Malupit talaga sila mag prank dahil maiiyak ka na lang sa takot sa mga gagawin nila.

"No it's not a prank Jade I promise. Sige na aalis na muna ako nararamdaman ko na din kasi ang tawag ng kalikasan. Sige na aalis nako." Hindi niya na ako hinintay na makapag salita pa ulit at umalis na nga siya.

Nag inhale exhale muna ako ng dalawang beses bago ko binuksan ang pinto. Then nung binuksan ko nagulat ako kasi sobrang dilim dito at wala talagang kahit isang ilaw. Hahakbang na sana ako pabalik ng sumara bigla ang pinto. Sinasabi ko na nga bang prank nanaman to.

Endless Love (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt