Napatingin ako sa kanya dahil sa sobrang bilis ng pagkilos niya. Binalik niya lahat ng mga pagkain na kinuha niya kanina. Mabilis din siyang tumayo at lumapit sakin at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Hindi ako makahinga love! Ano ba papatayin mo ba ako?"

"I'm sorry mahal, sorry talaga. Wag na wag mo ng sasabihin ulit sakin yun. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala ka pa." Niluwagan niya naman yung pagkakayakap niya sakin pero hindi niya pa din inaalis ang pag kakayakap niya sakin.

"Sorry din love, alam mo namang hindi ko magagawa yun." Niyakap ko din siya sa bewang niya.

"I'm very sorry sa ginawa ko mahal. Sige na ikaw na ang kumuha ng pagkain mo. Basta wag na wag mo lang ulit sasabihin yun." Tumingala ako sa kanya at nakita ko siyang seryoso ang mukha niya.

"I'm sorry love. Sige na kumain na tayo." Ngumiti ako sa kanya.

"Sige na mahal kumain na tayo tapos mamayang 12 pupunta na tayong araneta. Na text ko na yung mga prof natin mahal na hindi ka papasok ngayon."

"Pero wala akong dalang gamit love."

"Diba nga sabi ko sayo mahal na may mga damit ka doon sa closet ko. Last week ko lang binili lahat ng yun. Tsaka jersey ko naman yung susuutin mo mamaya mag pantalon ka na lang din." Nakangiting sabi niya.

Hindi na lang ako sumagot sa kanya at kumain na lang ako.

****

Nandito na nga kami sa araneta at isa lang ang masasabi ko 'W O W', wow kasi sobrang dami po ng tao dito well hindi na ako magugulat doon sold out nga yung ticket diba?

Nag open na nga yung UAAP Men's Basketball Season 82. Ang daming nangyari kanina may mga kumanta, sumayaw at kung ano ano po. Hindi naman ako interesado sa mga nangyari kanina. Kasi nga kinakabahan ako ngayon. Ito yung first time na manunuod ako ng UAAP Men's Basketball. To think na nandito pa ako sa bench ng mga player tapos suot ko pa yung jersey na maroon ni Ricci. Actually maroon din yung jersey na suot nila ngayon.

Napasulyap naman ako sa team na makakalaban nila ni Ricci ngayon, which is the UST. Ang sama ko namang pinsan, kasi nga may game sila ni Brent ngayon pero yung kalaban nila yung sinu-support ko halata naman kasi sa damit na suot ko. Pero alam naman ni Brent na sinu suportahan ko din siya, nakapag usap na nga kami kanina kaso mabilis lang bantay sarado ako kay Ricci ngayon.

I feel bad kasi parang nag tataksil ako kay Ricci. Gusto ko naman kasi aminin lahat sa kanya kaso ayaw niya lang talaga makinig.

"Ang layo ng tingin mo mahal. Ito o kainin mo muna." Sabay abot niya ng fries at sundae.

Kakabalik niya lang pala mula dugout may kukunin daw kasi siya. Hindi ko naman alam na ito pala ang kukunin niya.

"Thank you love. Umupo ka nga dito sa tabi ko kung saan saan ka pumupunta, ten minutes na lang mag sisimula na yung game niyo." Hinila ko siya paupo sa tabi ko.

"Guys come closer! In a minute mag sisimula na ang game." Si coach Bo Perasol po yun, yung coach nila ni Ricci.

Pumunta naman lahat ng mga ka teammates ni Ricci kay coach Bo. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ricci.

"One minute mahal, kailangan ko lang mag charge baka kasi ma lowbat ako mamaya." Nakangising sabi niya. Niyakap ko na lang din siya pabalik.

"Cci halika na!" Tawag ni Kobe sa kanya.

"Sige bro saglit lang." Kumalas siya sa pag kakayakap niya sakin. "Full charge na ako, salamat mahal. Tsaka i-cheer mo ako mahal ah, I love you so much." Then after that kiniss niya ako sa lips ko at umalis na siya.

Endless Love (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat