Papel At Pluma Ang Sandata

453 6 0
                                    

(Requested by: YourBaeAlways
P. S.
Hello, good day. Pasensya na kung natagalan yung pagpublish ng tula na ini-request niyo. I've been very busy with schoolworks, exams, as well applying for college, kaya hindi ko na napagpo-focusan masyado yung pagsusulat ng mga tula. I hope you'll understand. Feel free to tell me kung may maling detalye para ma-edit ko agad. Salamat.)

~~~~~~
"Papel At Pluma Ang Sandata"
By: OtakuZone

Sinong nagsabi na kailangan ng baril at itak?
Sinong nagsabi na kailangan may dugong dumanak?
Na hindi pwedeng makipag-digmaan nang walang hawak na armas?
Sinong nagsabi na ang mga armas ay mas malakas?

Digmaan lamang ba ang natatanging paraan?
Iyon lamang ba ang paraan upang masiguro ang kalayaan?
Oo, hindi maiiwasan ang mga ganitong pangyayari.
Subalit, mayroon akong ipakikilala sa inyo kung maaari.

Hindi siya tulad ng iba na sumabak sa giyera.
Sa halip ay tahimik lamang siyang nakaupo sa isang mesa.
Abalang-abala sa pagsusulat ng panibagong yugto.
Panibagong yugto para sa nililikha niyang libro.

Sa panahong kinalakihan niya, maraming problema.
Pagmamalupit ng nakatataas sa mga mas mabababa.
Pang-aabuso sa mga inosente at walang laban.
Pagnakaw ng kalayaan ng pinaka-mamahal niyang bayan.

May mga batas na dumudurog sa mga karapatan.
Mga gawaing ilegal na pilit pinoprotektahan.
Pati mga inosenteng tao napupunta sa kulungan.
Hustisya'y nakakamit sa maling paraan.

Dahil dito, isang libro ang kanyang sinimulan.
Isang libro na gagawing sandata laban sa mga dayuhan.
Mga dayuhan na inabuso ang karapatan ng bawat mamamayan.
Isang libro na maglalahad ng marahas na katotohanan.

Maraming tumangkilik sa kanyang mga akda.
Mga tao'y namulat ang mga mata at nagising ang mga diwa.
Nagsimulang kumilos, nagtanong, at nagprotesta.
Isang bagay na hindi kinatuwa ng mga dayuhan sa kanyang bansa.

Mga opisyal ay nagalit at nagsimulang magsumbong.
Ang ating manunulat, hinuli't kinulong.
Ayon sa kanila'y puro kasinungalingan ang laman ng kanyang libro.
Mga libro na pinamagatang Noli me Tangere at El Filibusterismo.

Maraming nagalit nang buhay niya'y natuldukan.
Maraming naghimagsik at nakipag-digmaan.
Kasama na dito ang KKK, pati na din ang buong sambayanan.
Lahat nagtulung-tulong upang makamit ang inaasam-asam na kalayaan.

José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.

Masyado bang mahaba ang pangalan niya?
Hindi bale, sigurado naman ako na kilalang niyo na siya.
Siya ang bayani na gumamit ng papel at pluma bilang sandata.
Isa sa mga bayani na lumaban upang makalaya ang ating bansa.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now