Nasaan Ka Na?

230 3 0
                                    

Isinugod ako sa ospital nang ako'y mawalan ng malay.
Ang akala ng aking pamilya, ako'y nag-aagaw buhay.
Mabuti na lang hindi ako natuluyan.
At nakatatak sa aking isipan ang sinabi ng doktor nung nakaraan.

Ayon sa sinabi niya, hindi ako pwedeng malungkot.
Dahil hindi na kakayanin ng katawan ko ang sakit at kirot.
Hindi ko daw maaaring sarilihin ang tunay kong nararamdaman.
Dapat daw mayroon akong kinakausap na maaaring sandalan.

Napangiti ako ng mapait nang maramdaman ko muli ang sakit.
Subalit sinarili ko na lamang iyon upang di na kami bumalik doon ulit.
Gusto ko sanang sabihin kina mama pero hindi ko magawa.
Dahil alam ko na kapag bumalik kami dun, masasayang lamang ang kanilang pera.

Tahimik kong ininda ang bawat kirot at sakit na nadadama.
Ang nagdurugo kong puso ay aking binabaliwala.
Ang mga tanong sa aking isipan ay hindi ko na sinasagutan.
Ang mga mata ko na nais umiyak ay aking hinayaan.

Nagsimulang pumatak ang aking mga luha.
Mga luha na akala ko'y naubos na kaninang umaga.
Alam ko at nararamdaman ko na ako'y nasasaktan ng sobra.
Pero wala na kong magawa kundi umiyak at tumulala.

Siguro nga nasanay na kong masaktan at mabigo.
Marahil nasanay na rin ako sa mga ginagawa mo.
Sanay na sanay na ko pero bakit ang sakit pa rin?
Bakit ang sakit pa rin ng mga ginagawa mo sakin?

Ayaw mo na ba?
Ikaw ba'y bibitaw na?
Nais mo na bang maging malaya?
May napupusuan ka na bang iba?

Ang labo mo na, mahal.
Hindi ko na alam kung gusto mo pa ba tayong magtagal.
Dahil sa iyong ginagawa, iba na ang aking nadadama.
Parang dumidistansya ka na upang mas madali kang makalaya.

Pwede mo naman sabihin na ayaw mo na.
Bakit kailangan mo pang ipadama?
Para ba ako na ang bumitaw at sumuko?
Ano ba talaga ang iyong balak, mahal ko?

Mahal kita, ikaw ba?
Ako ba'y mahal mo pa?
Kasi ako, mahal pa rin kita.
Mahal pa rin kita kahit ang sakit na.

Ano ba talaga ang iyong tunay na dahilan?
Ano ba ang dahilan kaya patuloy mo kong binabalikan?
Lahat ng kaya kong ibigay, ay ibinigay ko na sayo.
Kaya ba naghahanap ka na ngayon ng bago?

Masakit pero mukhang kailangan ko na talaga itong gawin.
Ang lahat ng aking pinagdadaanan ay kailangan ko na muling sarilihin.
Tuluyan nang bumigay ang puso kong palaban.
At hindi na rin kumontra ang aking isipan.

Ang sabi ng doktor, kailangan ko ng masasandalan.
Kailangan ko ng isang tao na mapagkakatiwalaan.
Pinili ko na sayo ipagkatiwala ang aking basag na pagkatao.
Pero nasaan ka na ngayon, mahal ko?

Nasaan ka na?

Nasaan ka na ngayong kailangan na kailangan kita?
Nasaan ka na ngayong hindi ko na magawang punasan ang aking mga luha?
Nasaan ka na ngayong hindi ko na talaga kinakaya?
Nandun ka... Masayang nakikipag-usap sa kanya.

Siguro nga tama sila.
Sarili ko lang din ang tutulong sakin sa bawat problema.
Mahal kita pero hindi na muna kita aabalahin pa.
Tandaan mo lang na tatanggapin pa din kita kapag bumalik ka.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon