Bola

349 4 2
                                    

(Requested by: Joan_Rachel07
P.S.
Hello, good day. Pasensya na kung natagalan yung pagpublish ng tula na ini-request niyo. I've been very busy with schoolworks, exams, as well applying for college, kaya hindi ko na napagpo-focusan masyado yung pagsusulat ng mga tula. I hope you'll understand. Feel free to tell me kung may maling detalye para ma-edit ko agad. Salamat.)

~~~~~~
"Bola"
By: OtakuZone

Kapag nagmahal ka, dapat sigurado ka.
Dapat kaya mong panindigan ang pag-ibig mo sa kanya.
Dapat siya lang at wala nang iba.
Yung tipong wala nang matitira para doon sa nauna.

Ang nakaraan dapat kinakalimutan.
Hindi na dapat ito dinadala sa kasalukuyan.
Hindi na dapat ito ginagawang palusot o dahilan.
Dahil ang nakaraan ay tapos na, kaya hindi na dapat ito kapitan.

Ang hirap kasi sayo, hindi mo siya magawang kalimutan.
Hindi mo magawang itapon ang inyong nakaraan.
Kaya siguro naisipan mong ibuhos na lamang sa iba ang iyong nararamdaman.
Sa kasamaang palad, ako ang nakasalo ng lahat ng iyan.

Masakit dahil umasa ako.
Umasa ako na walang ibang laman ang iyong puso.
Akala ko para sakin talaga ang mga ginagawa mo.
Yun pala ang mga bagay na iyon ay ang mga nais mong gawin kung sakaling magkaroon muli ng "kayo".

Para kang bola na binitawan niya.

Binitawan, tumalbog, sa akin tumama.
Itatakbo na sana kita pero tumalbog ka pabalik sa kanya.
Gusto ko sanang habulin kayo, pero huwag nalang pala.
Alam ko kasi na kahit maabutan ko pa kayo, sa kanya ka pa din sasama.

Akala ko totoo na, pero rebound lang pala.
Kumbaga naging akin ka nga pero pansamantala.
Hinintay mo lang pala na magkabalikan kayong dalawa.
Samantalang ako iniwanan mong umaasa at naghihintay sa wala.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon