KAIBIGAN

6.8K 52 3
                                    

Nung una, di tayo nagpapansinan.
Di rin nag-uusap kahit magka-banggaan.
At hindi ko inakalang ituturing kitang kaibigan.
Dahil lang sa ngitian at tawanan.

Ang bawat segundong lumilipas ay puno ng kasiyahan.
Ganito pala ang pakiramdam kapag mayroong isang kaibigan.
Isang kaibigang nagpapasaya sayo sa tuwing ika'y malungkot.
Isang kaibigang palaging nariyan sa tuwing kailangan mo ng sagot.

Sagot sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.
Tulad ng kung ako ba'y iyo ring iiwan.
Ngumiti ka ng matamis at tumingin sa'king mga mata.
At ika'y umiling habang tumatawa.

Pero di rin nagtagal, ika'y nagbago.
Para bang ako'y iniiwasan mo.
Nang malaman ko ang dahilan mo, tumigil sa pag-ikot ang mundo.
" Nahuhulog na ko sayo" , yan ang sinabi mo.

 Sa isang iglap, nagbago ang lahat.
Isang yugto ang nadagdag sa ating aklat.
Hiniling ko na sana yun na ang wakas.
Wakas na kung saan nagmamahalan tayo ng wagas.

Ngunit yun ay imposibleng mangyari.
Dahil lahat ng iyon ay isang pagkukunwari.
Ako'y nagdamdam ng malaman ang totoo.
Na lahat ng sinabi mo ay isang malaking biro.

Pero bilang isang kaibigan, nagpakatotoo ako sayo.
Inamin ko sayo ang nararamdaman ko.
At hindi ko inasahan ang iyong sunod na ginawa.
Umalis ka ng walang paalam at iniwan akong lumuluha.

Nagdaan ang ilang buwan, hindi na kita nasilayan.
Alam kong naiilang ka na sa akin, kaibigan.
Ngunit sapat na ba yun para kalimutan ang ating pinagsamahan?
Sapat na ba iyon upang ako'y iyong iwasan at kalimutan?

Nang dahil sa ginawa ko, nawalan ako ng kaibigan.
Totoo nga na ang pag-ibig ay isang palaisipan.
Mapapaisip ka kung ano ang mas mahalaga.
Ang pagkakaibigan ba o ang iyong nadarama?

Sana kahit sandali, maalala mo ko.
Nami-miss ko na yung tawanan at lahat ng iyong biro.
Sana maibalik natin ang ating pagkakaibigan.
Isang bagay na nawala nung nahulog ako ng tuluyan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now