"Kung Mahal Mo..."

603 2 2
                                    

Lahat tayo naranasan nang umibig o magmahal.
Wag mo nang itanggi, wag ka nang umangal.
Normal lang naman sa isa tao ang makadama ng ganito.
Makadama ng paghanga at pag-ibig para sa isang tao.

Sa lahat ng mga umibig, marami-rami din ang mga nasaktan at nabigo.
May mga nagmahal ng tao na may iba nang gusto.
May mga umasa sa mga pangako na nabuo.
May mga pinagsawaan na nga pero hindi pa din sumusuko.

Subalit ang natirang pursiyento, sila yung mga agad na nauntog.
Nauntog at natauhan na sa maling tao daw sila nahulog.
Mga nagmahal, nasaktan, tinanggap ang katotohanan.
Mga mahihilig humugot at magbigay ng payo sa kanilang mga kaibigan.

May ilan nang nagtanong sa akin kung lalaban pa ba sila.
Ayon sa kanila, sila ay nasasaktan at napapagod na.
Bilang kaibigan, isang payo ang itinugon ko.
"Kung mahal mo yung tao, titiisin mo ang lahat hangga't kaya pa ng iyong puso."

Tama. Hindi ko sila pinayuhan na sukuan ang kanilang kasintahan.
Sapagkat kung sa simula pa lang ay ganyan na sila, malabong magtagal ang kanilang samahan.
Kung iniisip mong sumuko dahil lamang sa napagod ka, mag-isip ka muna.
Dahil kung mahal mo yung tao, hindi ka susuko nang basta-basta.

Kung mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo siya nang buong puso.
Kung mahal mo, hindi mo siya pipiliting magbago.
Susuportahan mo siya at ituturo kung ano ang tama.
At hindi mo siya susukuan nang dahil lang sa may kulang sa kanya.

Kung mahal mo ang isang tao, matuto kang magtiis.
Magtiis at intindihin kung bakit siya naiinis.
Titiisin mo ang sakit na ibinibato niya sayo.
Titiisin mo ang lahat kahit pagod na ang iyong puso.

Kung mahal mo ang isang tao, hindi ka basta-basta susuko.
Ipaglalaban mo siya at hihintayin ang matamis niyang "Oo".
Kung mahal mo ang isang tao, dapat handa kang sumugal.
Sumugal at masaktan sa ngalan ng iyong pagmamahal.

Walang perpektong relasyon, iyan ang lagi mong tatandaan.
Lahat ng mga nagmamahalan ay may mga pagsubok na pinagdadaanan.
Pagsubok na susukat kung hanggang saan ba ang kaya ng kanilang pagmamahalan.
Kaya kung mahal niyo talaga ang isa't-isa, magkasama niyo itong lalagpasan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon