Ako Nga Pala

1.6K 8 0
                                    

Kamusta? Ako nga pala yung nagmahal sayo ng buong puso.
Ako nga pala yung tinanggap ng buo ang iyong pagkatao.
Ako nga pala yung ibinigay sayo ang lahat pwedeng ibigay.
Ako nga pala yung itinuring kang mundo at aking buhay.

Ako nga pala yung inintindi yung ugali mo.
Ako nga pala yung binago yung ugali ko para sayo.
Ako nga pala yung mas pinili ka kesa sa aking mga magulang.
Ako nga pala yung minamahal ka ng labis-labis at walang kulang.

Ako nga pala yung palaging naghihintay na mabigyan mo noon ng oras.
Ako nga pala yung umaasa noon na makikita ulit kita bukas.
Ako nga pala yung tinanggap at hindi kinuwestyon lahat ng iyong dahilan.
Ako nga pala yung hindi ka magawang higpitan sa takot na baka ika'y mahirapan.

Ako nga pala yung palagi kang pinupuntahan sa iyong tinitirhan.
Ako nga pala yung palaging nakangiti kapag nakikita ka sa daan.
Ako nga pala yung hindi ka pinagbabawalang sumama sa iyong mga kaibigan.
Ako nga pala yung hindi nanlilimos ng oras at atensyon, sa halip ay palagi kang pinagbibigyan.

Ako nga pala yung nagmakaawa noon na bumalik ka.
Ako nga pala yung handang isuko ang lahat wag ka lang mawala.
Ako nga pala yung hindi ka magawang dedmahin kahit minsan.
Ako nga pala yung binitawan at iniwan mo nang tuluyan.

Ako nga pala yung iniiyakan ka tuwing naaalala ka.
Kulang nalang isipin ng mga tao na nakalibing ka na.
Ako nga pala yung nahihirapang tanggapin ang katotohanan.
Katotohanan na siyang dahilan kung bakit ako nasasaktan.

Ako nga pala yung sinukuan mo ng walang kahirap-hirap.
Ako nga pala yung pagod na pagod nang magpanggap.
Ako nga pala yung nakangiti kapag sila'y nakaharap sakin.
Ako nga pala yung umiiyak sa tuwing walang tumitingin.

Ako nga pala yung pinagsawaan mo.
Ako nga pala yung hindi napagod sayo.
Ako nga pala yung iyong pangatlo.
Pangatlong minahal sa mundong ito.

Ako nga pala yung parte ng iyong nakaraan.
Nakaraan na kung saan tayo'y nagmamahalan.
Nakaraan na nagawa mong itapon at  kalimutan.
Ako nga ba yung tunay na dahilan kung bakit ka lumisan?

Ako nga pala yung tinitiis yung sakit na nadarama sa puso.
Sakit na nadarama sa tuwing magkasama kayo.
Sakit na unti-unting pumapatay sa pagkatao ko.
Ako nga pala yung ginawa ang lahat ng kaya para manatili ka, ngunit nabigo.

Ako nga pala yung itinapon mo sa gitna ng kalsada.
Ako nga pala yung lubos na nangungulila magmula nung nawala ka.
Ako nga pala yung nangungulila sa mga yakap at halik mo.
AKO NGA PALA YUNG NAGMAMAHAL AT UMAASA KAHIT NASASAKTAN NA NANG HUSTO.

Ako nga pala yung kinalimutan mo na.
Ako nga pala yung pinalitan mo na para bang isang manika.
Ako nga pala yung nagpapakatanga sayo.
Nagpapakatanga kahit ilang beses mo nang binasag ang aking puso.

Ako nga pala yung umaasa na baka pwede pa.
Baka pwede pang maisalba.
Baka pwede pang baguhin ang nakasulat sa tadhana.
Baka pwede pang maituloy ang takbo ng ating storya.

Ako nga pala yung nahihirapang bitawan ka.
Ako nga pala yung ginagawa ang lahat para lang matanggap ang nangyari sating dalawa.
Ako nga pala yung sinisisi ang sarili kung bakit ka nagsawa.
Ako nga pala yung iniisip na kasalanan ko ang lahat kung bakit ka nawala.

Ako nga pala yung sinabihan mo noon ng masasakit na salita.
Ako nga pala yung tikom lang yung bibig kahit nasasaktan mo na.
Ako nga pala yung mas inunang intindihin kung bakit mo yun nagawa.
Ako nga pala yung hindi napagod kaya pati ang sukuan ka ay hindi ko magawa.

Ako nga pala yung nag-iisa ngayon sa mundo.
Samantalang ikaw may iba ka na agad na gusto.
Ako nga pala yung hindi magawang magmahal ng iba.
Kaya ang bukod tanging naibibigay ko sa kanila ay ang pag-idolo at paghanga.

Ako nga pala yung unti-unti nang natatanggap na WALA KA NA.
Na kahit kailan ay HINDI KA NA BABALIK PA.
Ako nga pala yung nagpapasalamat kay TADHANA.
Dahil kahit hindi man tayo nagtagal, pinagtagpo pa rin nito ang landas nating dalawa.

Ako nga pala yung itinuring kang kuya.
Ako nga pala yung palagi kang inuuna.
Ako nga pala yung hindi magawang limutin ang mga alaala nung mayroon pang tayo.
Ako nga pala toh... At ang tulang ito ay para sayo, irog ko.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon