Nakita Kita

768 4 0
                                    

(Part 1 of 3)

Uy! Nakita kita kagabi sa kalsada.
May bago ka na pala?
Bakit hindi mo man lang muna sakin pinaalam?
Nang sa gayon nabitawan ko na yung salitang "paalam."

Nakita kita kung paano ka ngumiti at tumawa.
Bakas sa iyong mukha ang kasiyahan na iyong nadadama.
Nakita kita kung paano mo hawakan ang kamay niya.
Sobrang higpit, para bang ayaw mo siyang mawala.

Gusto sana kitang lapitan ngunit naisip kong wag nalang pala.
Ayokong sirain ang perpektong litrato na binubuo niyong dalawa.
Mas pinili kong manahimik at panoorin kayo kahit ang sakit sakit na.
Dahil yung taong hinihintay kong bumalik ay may kapiling na palang iba.

Sa likod ng posteng malapad, doon ako nagtatago.
Tahimik na pinapakinggan lahat ng inyong mga kuwento.
Tuwang-tuwa kayo habang pinagplaplanuhan niyo ang inyong kinabukasan pati na rin ang hinaharap.
Pero teka, bakit parang yan din ata yung mga plano natin noon at mga pangarap?

Nakita kita, kung paano mo siya ikinulong sa iyong mga bisig.
Narinig ko kung paano mo siya awitan ng mga awit ng pag-ibig.
Nakita ko kung paano humigpit ang yakap niya sa iyo.
Ang galing, yan din kasi yung ginagawa mo sakin noong mayroon pang "tayo".

Nakita kita kung paano dumampi ang iyong mga labi sa kanya. 
Marahan at magaan para bang ingat na ingat ka sa kanya.
Nakita kita kung paano mo siya yakapin tulad ng ginagawa mo sakin dati.
Mahigpit at para bang pinapahiwatig na gusto mo siyang manatili sa iyong tabi.

Bakit ganun? Bakit nakikita ko sa inyo mga ginagawa din natin noon?
Bakit di ko pa rin tanggap hanggang ngayon?
Isang buwan na ang nakalipas ngunit nasasaktan pa rin ako.
NASASAKTAN PA RIN AKO DAHIL SA MGA ALAALANG INIWAN MO!

Sobrang sakit dahil napaka-daya mo....
Nangako ka sa akin na babalik ka at magkakaroon ulit ng tayo....
PERO ANONG IBIG SABIHIN NITO?!
NILOKO AT PINAASA MO LANG BA AKO?!

Nakita kita kung paano mo siya alalayan habang naglalakad kayo.
Naglalakad papunta sa... Kinatatayuan ko.
Nakita kita kung paano ka napatigil nang masilayan mo ang aking mukha.
Mukha na luhaan ngunit may ngiting nagpapakita ng saya.

Nakita kita kung paano ka napabitaw sa kanya at napaiwas ng tingin.
Bakit hindi mo magawang tumingin ng diretso sakin?
Ngunit hindi na iyon mahalaga dahil nais ko lamang pakinggan mo ang aking sasabihin.
At sana pagkatapos ng gabing ito, hindi na muling magtagpo ang landas natin.

"Nakita kita, mukhang masaya ka na.
Bagay kayong dalawa, aking sinta.
Nakita ko kung paano niyo ngitian ang isa't-isa.
Puno ng pag-ibig, damang-dama yung saya.
Sana ito na ang huling beses na masasaktan ako kapag nakikita kita.
Kasi masakit makitang masaya ka habang ako'y nagdurusa.
Mahal, sana sinabi mo agad na hindi ka na babalik.
Para kahit papaano unti-unti ko nang pinatay ang aking pagkasabik.
Mahal kita, mahal na mahal.
Ngunit nasa kanya na ang iyong pagmamahal.
Kaya sinta, ako'y didistansya at susuko na.
Ito na ang huling araw na hahabulin kita.
Ito na ang huling araw na aasa ako na babalik ka pa.
Dahil sinta, ito na ang araw na kung saan ika'y akin nang pinapalaya."

~~~~~~~~~~~~~
P.S.
Ito yung point of view nung iniwan. Abangan ang point of view nung nang-iwan at nung "bago". Hahaha! Salamat sa pagbabasa!!! :D

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon