Bakit Ikaw Pa?

376 1 0
                                    

(RANT-TULA - pinagsamang tula at pagra-rant ni Author tungkol sa nadadama niya. Corny ba? Ganun po talaga. This is your author, deal with it. Hahaha!)

Sa lahat ng pwedeng mawala... Bakit nag-volunteer ka pa?
Sobrang mahalaga ka sakin subalit naglaho ka pa rin na parang bula.
Ikaw ang kinakapitan ko at pinaghuhugatan ng lakas at saya.
Tapos ngayon ka pa nawala, kung kailan kailangang-kailangan na kita.

Napaka-sakit isiping wala ka na at hindi na kita makikita pa.
Napaka-sakit sapagkat nasanay ako na nandito ka.
Mahirap tanggapin ang biglaang pagkawala mo.
Nawala, naglaho, at di na muling babalik pa sa piling ko.

Bigla ka nalang nang-iwan, di ka man lang nagpaalam.
Bigla ka nalang nawala, di man lang nagparamdam.
Ah, nalimutan ko nga palang wala ka talagang mararamdaman.
Sapagkat, ni minsan hindi mo ko nagawang pahalagahan.

Hindi ko sinasadyang bitawan ka.
Isang beses lamang iyon, subalit agad ka nang nawala.
Sa lahat ng pwede mong gawin, bakit ito ang iyong ginawa?
Sa lahat ng maaaring mawala sa akin, bakit ikaw pa?

Kasalanan ko ba talaga?
Kasalanan ko ba talaga kung bakit ka naglaho na parang bula?
Binitawan lamang kita sandali, ang sabi ko ibabalik din kita.
Ilang minuto lamang iyon, pero iniwanan mo na ko agad mag-isa.

Nakakalungkot at nakakapanghinayang.
Dahil sa pagkawala mo, ang daming na-sayang.
Madali lang palitan subalit hindi madaling ipunin muli ang dating laman.
Dating laman ng pinaka-mamahal kong MEMORY CARD, mga kaibigan.

Malamang sa mga oras na ito ikaw ay nasa basurahan.
Nahulog, nawalis, hindi man lang nila nagawang tignan.
O di kaya'y ikaw ay nasa kamay na ng iba.
Nakita, pinulot, sabay nilagay sa bulsa.

Ang hirap pa rin talagang tanggapin.
Na nawala na yung isang bagay na mahalaga sakin.
Yung mga kanta, mga larawan, mga dokumentong mahalaga.
Mga bagay na kasabay mong nawala.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon