Ang Aking Diyamante

1.7K 2 0
                                    

Mahal kita! Oo, mahal na mahal kita.
At hindi sapat ang salita para iparating sayo ang aking nadadama.
Huwag mong itanong sa akin kung bakit ikaw pa ang pinili ng aking puso.
Dahil minamahal kita nang walang dahilan, yan lang maisasagot ko sayo.

Wala akong baon na paliwanag kung bakit minahal kita.
Mas lalong wala akong balak maghanap ng isasagot sa tanong nila.
Mga tanong tulad ng, "Bakit ikaw pa kahit may mas hihigit pa sayo?"
Bakit pa ko maghahanap at titingin sa iba kung ikaw mismo ang hinahanap ko?

Hindi. Ayokong maghanap ng iba.
Dahil sa iyo, mahal ko, ako'y kuntento na.
Ayokong ipagpalit ang diyamanteng nasa aking mga kamay.
Sapagkat wala nang mas hihigit pa sa halaga mo sa aking buhay.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt