Mas Lamang Yung Nauna

307 1 0
                                    

Di tulad ng iba, nagsimula ako sa dalawa.
Oo dalawa, tama ang iyong nabasa.
Dalawang tao na sabay kong minahal.
Sabay kong minahal kahit alam kong bawal.

Sabay silang dumating, pero mas lamang pa din yung isa.
Yung naunang kumatok sa puso kong isip-bata.
Mas lamang yung isa kaysa sa pangalawa.
Mas lamang siya, subalit hindi ako nakuntento sa kanya.

Hindi ako nakuntento, kaya naghanap ako ng iba.
Naghanap ako ng iba kahit may relasyon pa kaming dalawa.
Hindi ko siya binitawan kahit may isa pa kong kinakapitan.
Maski ang kanilang pagiging magkaibiga'y hindi ko pinahalagahan.

Alam ko.

Alam ko naman na mali ang aking ginawa.
Alam kong mali, alam kong hindi iyon tama.
Alam kong sa puso ko mas lamang pa din yung isa.
Mas lamang yung isa, pero itinuloy ko pa din ang panloloko sa kanya.

Mahal ko siya.

Alam kong mahal na mahal ko siya.
Hindi ko lang alam kung bakit ko iyon nagawa sa kanya.
Alam kong sa kanya pa rin ako babagsak.
Pero hindi ko pa din alam kung bakit ang tiwala niya'y patuloy ko pa ding winawasak.

Hanggang sa nalaman na nila.
Nalaman na nilang pinagsabay ko silang dalawa.
At sa araw na iyon, kailangan kong pumili ng isa.
Sino nga ba talaga sa kanila ang nais kong makasama?

Mas lamang yung nauna, yan ang aking naisip at nadama.
Mas lamang yung nauna, kaya pinili ko siya.
Mas lamang yung nauna, kaya itinapon ko yung isa.
Mas lamang yung nauna, kaya binaliwala ko yung pangalawa.

Lumipas ang panahon, ang relasyon nami'y bumagsak.
Bumagsak at nasira kung kaya't ang puso ko'y nawasak.
Iniwanan niya ko at naglakad palayo, ni hindi man lang ako nilingon.
Ang kutsilyo ng kalungkutan, sa aking pagkatao'y bumaon.

Mag-isang lumuluha, mag-isang nagmamahal.
Minahal ko siya nang sobra kahit hindi kami nagtagal.
Sa aking paghihintay, nagparamdam ang pangalawa.
Nagparamdam, nakipag-usap, at nangumusta.

Ako'y napamahal sa kanya at humanga nang sobra.
Hindi nagtagal, may namagitan sa aming dalawa.
Isang relasyon na kung saan may distansya na sumusubok at sumusukat.
Isang relasyon na sinusukat kung ang aming pag-ibig ba sa isa't-isa'y tunay at tapat.

Siya ang bago kong nobyo.
Siya ang pumalit sa taong bumasag ng aking puso.
Siya ang ikalawa kong pinapasok sa aking buhay.
Siya ang lalaking... Umibig sakin at naghintay.

Oo, siya na ang bago kong kasintahan.
Siya ang sunod kong inibig pagkatapos mo akong saktan.
Siya ang aking kinapitan pagkatapos mo akong bitawan.
Siya ang aking sinundan pagkatapos mo akong iwanan.

Pero bakit ganito?
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Bakit ikaw pa din ang hinahanap ng aking puso?
Bakit pakiramdam ko, wala nang mas lalamang pa sayo?

Tatlong taon na ang nakalipas pero bakit ikaw pa rin?
Bakit pangalan mo pa rin ang isinisigaw ng aking damdamin?
Bakit ganito? Bakit kailangang ikaw pa?!
Bakit ikaw pa kahit nandito na siya?!

Bakit nga ba hinihintay pa din kita?
Bakit nga ba patuloy pa din akong umaasa na babalik ka pa?
Bumalik ka lang mahal, at pangako iiwanan ko siya.
Handa akong kalimutan at itapon ang lahat kapag bumalik ka.

Hanggang ngayon, mas lamang ka pa rin.
Mas lamang ka pa rin kaysa sa taong umiibig ngayon sa akin.
Mas lamang ka pa rin dahil ikaw yung nauna.
Ikaw yung naunang pumasok sa puso ko at sinabihan ko ng, "Mahal na mahal kita."

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now