Wag Kang Mag-Matapang

685 4 0
                                    

Paki-linawan nga. Inaasar mo ba ko?
Pwes kung ganun, pasensyahan tayo.
Hindi kasi ako napipikon agad, di tulad mo.
Sa pahabaan ng pasensya, siguradong ako ang mananalo.

Huwag na huwag mo kong ikukumpara sa iyo.
Dahil halatadong hanggang salita lang ang kaya mo.
Bakit hindi mo ko tularan o gayahin?
Bawat bitaw ng salita't mga banta, paniguradong iyon ay aking tutuparin.

Kaya huwag mo kong hamunin at takutin, brad.
Baka hindi mo magustuhan kapag ang mesa'y aking binaliktad.
Hindi mo gugustuhing makita ang katauhang pilit kong itinatago.
Kung sa tingin mo'y brutal na ko ngayon, pano pa kaya pag ibang "ako" na ang kaharap mo?

Hindi ka duwag, yan ang lumalabas lagi sa bibig mo.
Hindi ka duwag pero patalikod ang tira mo sa mga sumasalungat sayo?
Anong kalokohan ito? Halika nga, mag-usap tayo.
Ipapaalala ko lang sayo na kung tunay kang matapang hindi ka dapat nagtatago!

Wag kang magtago sa likod ng mga kaibigan mo.
Sa pagpaparinig ika'y magaling, ngunit pag hinarap na, dinaig pa ang tutang maamo.
Matapang ka diba? Bakit hindi mo mapatunayan?
Nasaan na yung tapang na ipinagmamalaki mo? Bakit ayaw mong ilabas nang harapan?

Naiinis ka kapag hindi ka pinapatulan.
Nabubuwiset ka kapag hindi ka napagbibigyan.
Wag ka ngang magtapang-tapangan, ang sakit mo kasi sa mata.
Ang sakit, sakit mo sa mata kaya pwede ba paki-tantanan mo na?

Ano? Gigil ka na ba, pre?
Please lang. Wag ka nang mag-inarte.
Baka mapatulan na kita pag di kita na-tantya.
Kaya pwede ba paki-tigilan mo na? Tigilan mo na ang pagpapanggap na malakas ka.

Magaling akong mang-inis, batikan na ko dyan.
Kaya lumayo-layo ka na bago pa kita mapag-tripan.
Magsusumbong ka? Dyan ka magaling kaya sige, di kita pipigilan.
Matapang ka lang naman kapag alam mong meron kang makakapitan.

Tama ako diba? Magaling ka lang pag may kasama ka.
Kung tutuusin, parang voltes five lang, di mo kayang mag-isa.
Ngunit, pasensyahan nalang dahil nagkamali ka ng binangga.
Dahil ang kaharap mo ngayon, batikan sa pag-papaikot ng mesa.

Oh ano? Hindi mo ba nakuha?
Kaya kong baliktarin ang sitwasyon, sa madaling salita.
Paiyak ka palang, tumatawa na ko.
Yan ang napapala ng mga tulad mo!

Puro bira, di naman umuubra.
Puro salita, di naman ginagawa.
Kunyari matatapang, umuurong naman pag hinamon at pinatulan.
Kunyari malalakas, ang duduwag naman pag mag-isang humaharap sa laban.

Kaya ang payo ko sayo kaibigan, wag kang mag-matapang kung di mo kayang panindigan.
Wag kang mag-matapang kung hindi mo kaya nang harapan.
Wag kang mag-matapang dahil lang sa alam mong meron kang makakapitan at matatakbuhan.
Baka magulat ka na lang dahil iniwanan ka na pala nila sa gitna ng laban.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon