PANGAKO

1.8K 17 0
                                    

(BOY'S POV )

Lumuluha nanaman ako.
Palagi na lang ba ganito?
Buong akala ko'y ayos na ako.
Ngunit, niloloko ko lang pala ang sarili ko.

Simula nung ako'y iniwan mo...
Lahat ay ginawa ko para ika'y makalimutan ko.
Bitbit ang sakit na iniwan mo sa aking puso...
Pinilit kong magpatuloy ng wala ka sa tabi ko.

Nalaman kong ikakasal ka na sa ibang lalaki.
Natawa ako dahil yan rin ang pangako ko sayo dati.
Pero ang pangako ko sayo'y dinala lamang ng hangin.
Kasabay na rin nun ang pagkawala mo sa akin.

Gusto kong umiyak, gusto kong magwala.
Sapagkat ang iyong puso ay hawak na ng iba.
Gusto kong sumigaw, gusto kong mag-ingay.
At kahit masakit, ako'y maghihintay.

Alam kong maraming beses na kitang binigo.
Alam kong maraming beses ko ng inabuso ang kabaitan mo.
Alam kong lahat ng pangako ko sayo'y napako.
Kaya humihingi ako ng huling pagkakataon sayo.

Pagkakataong patunayan na nagbago na ko.
Pagkakataon na tuparin ang mga pangako ko sayo.
Pagkakataong ibigay mo muli sa akin ang iyong puso.
Pagkakataong maging parte muli ako ng buhay mo.

At kung sayangin ko man ang pagkakataong ito...
At masaktan kong muli ang iyong puso...
Giliw, wag mag-alala, dahil ako na mismo ang lalayo.
Sinasabi ko ito sayo, bilang isang pangako.

❄❄❄❄

( GIRL'S POV )

Di ko na alam ang gagawin ko.
Maniniwala pa ba ko sayo?
Lahat ng pangako mo'y di mo natupad.
Ngunit sa aking puso, ikaw pa rin ang aking hinahangad.

Madami ka ng ipinangako sa akin.
Pero lahat ng iyon nilipad lamang ng hangin.
Hanggang sa dumating ang araw na di ko na nakayanan.
Kaya kahit masakit, ika'y aking binitawan.

Mali ba ang aking ginawa?
Mali ba ang bumitaw dahil hindi ko na kaya?
Oo, mahal na mahal kita.
Pero sobra na ang sakit na aking nadadama.

At ngayon, meron na kong nobyo.
Ikakasal na ko sa ibang tao.
Lingid sa kaalaman mo, labag ito sa loob ko.
Dahil sa ibang tao natupad ang pinangako mo.

Simula nung ika'y aking lisanin...
Ako'y naging madamdamin.
Umiiyak sa bawat minutong lumilipas.
Inaalala ang pag-ibig mong wagas.

At ngayon, humihingi ka ng huling pagkakataon.
Para patunayan na nagbago ka na ngayon.
Para tuparin ang iyong mga pinangako.
Para maging parte ka muli ng buhay ko.

Mahal, patawarin mo ko.
Dahil hindi ko na yan maibibigay sayo.
Ayoko ng isugal muli ang puso ko.
Dahil alam kong masasaktan lang ako sa dulo.

Ano man ang nangyari sa nakaraan...
Ayaw ko na yun balikan.
Sana ito'y iyong maintindihan.
Dahil ang nakaraan ay di na pwede maging parte ng kasalukuyan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now