Paasa Ka Lang Ba?

481 3 0
                                    

Buong akala ko, sa larangan lang ng pag-ibig may manloloko.
Buong akala ko, sa pag-ibig lang nabubuhay ang mga paasang tao.
Kung kaya't nakapag-tataka kung bakit may ganito sa iba pang aspeto?
Bakit parang may paasa't manloloko pa rin sa buhay ng tao?

Totoo bang pinipilit mo na lang itago ang katotohanan?
Katotohanan na lahat ng iyon ay kasinungalingan at tayo'y naglolokohan?
Bakit hindi mo depensahan ang iyong sarili sa bawat paghihinala ng mga taong nasa paligid mo?
At higit sa lahat... Bakit? Bakit mo nagagawa ang mga ito?

Pinanghahawakan ko ang bawat salitang iyong binibitawan.
Ang lahat ng iyong mga pangako'y aking pinaniwalaan.
Ngunit di rin nagtagal nakaramdam ako ng pagdududa.
Ang aking puso't isipa'y unti-unting nilalamon ng paghihinala.

Para bang basura ang turing mo sa salitang, "PANGAKO".
Dahil itinatapon at ikinakalat mo lamang ito.
Di ka nagdadalawang-isip na bitawan ito sa ibang tao.
At para bang hindi mo alam ang kahalagahan nito.

PAG-ASA. Tama, iyan ang aking nadama.
Ibinigay ko rin ang aking tiwala dahil buong akala ko'y tutupad ka.
Tutupad sa usapan at pangakong iyong binitawan.
Ngunit... Bakit parang ang tagal naman yata, kaibigan?

Wag mo sanang masamain ang mga sinasabi ko dito.
Sinasabi ko ito dahil ito ang tunay na nadadama't saloobin ko.
Bakit nga ba, kaibigan? Ano ang iyong dahilan?
Bakit parang hindi ka na yata tutupad sa ating usapan?

Alam mo, naaalala ko pa ang ilan sa mga ipinangako mo.
Mga pangako na... Nanatiling mga pangako.
Para bang isang panaginip na malabong magka-totoo.
Ngunit kahit na ganun, pinili ko pa ring magtiwala sayo.

Kaibigan ang turin ko sayo, yan ang totoo.
Kung kaya't hindi ako naggdalawang-isip na magtiwala sayo.
Umasa ako na tutuparin mo ang iyong mga binitawang pangako.
UMASA AKO! Pero bakit parang nililipad na ng hangin ang mga ito?

Nalaman kong hindi lang pala ako ang nabiktima mo.
Hindi lang pala ako ang umasa't nagtiwala sayo.
Ni hindi ko na mabilang kung ilan kami dito.
Marami-rami din pala kami na kumakapit sa iyong mga pangako.

Dinaig mo pa ang hangin sa iyong ginagawa.
Nagpaparamdam at nagpapakita lamang kapag may sasabihin ka.
Isang panibagong pangako ulit ang iyong bibitawan.
Ngunit kapag oras mo na para tumupad, biglang babagsak ang ulan.

Babagsak ang ulan na puno ng iyong mga dahilan.
Mga dahilan kung bakit natatagalan ang pagtupad mo sa usapan.
Ngunit payong kaibigan lang, pwede bang paki-galingan?
Sapagkat ang iyong mga dahilan ay may mga butas na maaaring paghinalaan.

Nag-hihinala't napapaisip na ko palagi.
Kung bakit ganito ang iyong mga kilos at gawi.
Ngunit hangga't maaari, iniiwasan ko munang husgahan ka, kaibigan.
Dahil hindi ko alam ang takbo ng iyong buhay at isipan.

Ako yung kaibigan mong naniwala sa iyong mga pinangako.
At umaasa ako na SANA aamin ka na't magsasabi ng totoo.
Na kung matutupad pa ba ang mga pangakong binitawan mo?
O kung paasa ka lang ba na pinapaikot-ikot ako na parang trumpo?

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon