PRINSESA

1K 8 0
                                    

" Once upon a time, mayroong TAYO.    
Pero pagdating sa wakas, nagkaroon ng KAYO. "

Dati ako ang iyong itinuturing na prinsesa.
Pero bakit siya ang iyong ginawang reyna?
Bakit mas pinili mo yung babaeng hindi mo pa gaanong kilala?
Bakit parang ang dali lang para sayo na ipagpalit ako sa kanya?

Ang iyong mga pangako'y naglaho na parang bula.
Nangako ka noon sa'kin na hindi ka titingin sa iba.
Isinumpa mo na ako lang ang iyong mamahalin.
Kaya paano mo ko nagawang lokohin at paikutin?

Itinuring kitang mundo, yan ang  pagkakamali ko.
Masyado akong nagpadala sa mga sinasabi ng aking puso.
At ngayong wala ka na, doon ko lang napagtanto.
Na pinaikot-ikot mo lang pala ako na parang isang trumpo.

Maraming uri ng prinsesa, yan sabi nila.
Kaya lahat ng kanilang istorya ay aking binasa.
Ako'y nainggit, ako'y napaluha.
Sana ang ating naging wakas ay tulad nalang din ng sa kanila.

Ako lang yata ang naiiba sa lahat ng prinsesa.
Dahil ang aking prinsipe, napunta sa iba.
Sa simula lamang kami naging masaya.
At tila naging trahedya ang wakas ng aming istorya.

Tulad ni Rapunzel, nakakulong ako sa tore.
Hindi nga lang dumating ang aking mahal na prinsipe.
Tulad ni Ariel, lahat ay aking tinalikuran.
Ngunit hindi pa rin ako ang iyong piniling pakasalan.

Tulad ni Snow White, pinangarap kita.
Naging akin ka nga, pero nakuha ka pa rin niya.
Tulad ni Aurora, ako'y nasa ilalim ng sumpa.
Sumpa ng kalungkutan nang ika'y mawala.

Tunay ngang kakaiba ang aking istorya.
Mula sa pagiging bida, ako'y naging kontrabida.
Pilit na hinahadlangan ang inyong pag-iibigan.
Kahit alam kong sa dulo, mabibigo lamang ako at masasaktan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon