Sa Utak Ng Isang Babae

599 6 1
                                    

Wag mo kong tratuhin na parang aso.
Dahil kahit kailan hindi ako nagpapansin o naghabol sayo.
Wag mo kong tratuhin na parang waiting shed.
Na kapag tumila na yung ulan, iiwanan mo na ulit.
Wag mo kong tratuhin na parang tanga at trumpo para paikutin.
Na kung kailan mo trip, saka mo lang papansinin.

Dahil sa totoo lang, nauubos na ang pasensya ko.
Ramdam ko na rin yung pananakit ng aking puso.
Oo mahal kita, higit sa sobra, ngunit ang pagmamahal ko sayo ay parang kandila.
Unti-unting nauubos sa bawat pagpatak ng luha.

PLEASE LANG. Wag mong ubusin.
Wag mong iparamdam sakin yung PAGOD na hindi ko pinapansin.
Wag mong iparamdam at ipakita na dapat na kitang palayain at sukuan.
Wag mong iparamdam sakin na madali lang akong bitawan at iwanan.

UTANG NA LOOB. Maawa ka naman.
Yung pagmamahal ko na nababawasan, paulit-ulit kong dinadagdagan.
Dinadagdagan ko kahit alam kong masasaktan lang ulit ako.
Oo ganyan kita ka-mahal kahit binabasag mo ang aking puso.

Oo. GALIT AKO. Di na ko makatulog sa sobrang sama ng loob ko.
MANHID KA BA? Kailangan pa ba sinasabi ko sayo?
Ewan. Bahala na. Wala rin namang magbabago.
Alam ko naman na mauulit lang din naman ang pangyayaring ito.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon