IYAK NG SANGGOL NA HINDI IPINANGANAK

1.1K 7 0
                                    

**WARNING!!!**
MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ( 14 years old and below )
ANG TEMA AY MAAARING HINDI ANGKOP SA LAHAT NG MAMBABASA. LALONG-LALO NA SA MGA BATA. I STRONGLY RECOMMEND THE YOUNG READERS TO SKIP TO THE NEXT POEM. AT SYEMPRE DAHIL MATIGAS ULO NIYO BABASAHIN NIYO PA RIN TOH. BAHALA KAYO. WAG NIYONG SABIHIN NA HINDI KO KAYO BINALAAN.

ANG NILALAMAN NG TULA AY PAWANG OPINYON KO LAMANG AT SALOOBIN.

LET'S START!!!

❄❄❄❄❄

Marami siguro sa inyo ang nagtataka.
Kung bakit ito ang pamagat ng aking piyesa.
Marahil ay dahil ito sa awa na nararamdaman ko.
Awa at lungkot na naghahalo sa tuwing naiisip ko ito.

Minsa'y napapaisip ako kung bakit kailangang gawin ito.
Nakokonsensya kaya ang mga taong ganito?
Alam kong mayroon kayong dahilan.
Pero sapat ba iyon para patayin ang anghel sa iyong sinapupunan?

Tama ba ang pumatay ng tao?
Lalo na ng inosenteng sanggol na ANAK MO?
Hindi ako naniniwalang wala ka ng maisip na paraan.
Dahil ang totoo'y wala ka talagang balak na buhayin iyan.

Kung hindi mo pa pala kayang bumuhay ng bata...
Bakit binuo niyo pa siya?
Nagpadala lamang ba kayo sa sarili niyong pagnanasa?
At ang pagkabuhay niya'y di niyo sinadya?

Ipinagkait mo sa kanya ang mabuhay ng masaya.
Ipinagkait mo sa kanya ang pagmamahal ng isang pamilya.
Ipinagkait mo sa kanya ang magkaroon ng mga kaibigan.
Ipinagkait mo sa kanya ang mabigyan ng pangalan.

Kung nakakapagsalita lamang siya..
Siguro'y nagmamakaawa na siya.
Na bigyan mo siya ng pagkakataong mabuhay sa mundo.
Na bigyan mo siya ng pagkakataong mahalin ng mga tao.

Pero anong ginawa mo?
Mas inisip mo kung ano ang sasabihin ng mga tao.
Hindi mo siya pinagbigyan.
Mas inisip mo ang sarili mong kapakanan.

Maraming ina ang hindi binibiyayaan ng bata.
Samantalang ikaw, itinapon mo lang siya.
Palibhasa'y hindi mo siya kayang panindigan.
Ang bunga ng inyong kasalanan.

Sana lang ay huwag mo na itong ulitin pa.
Dahil ang pagkakaroon ng anak, kailanma'y di naging sumpa.
Dahil para sa isang ina...
Isa itong napaka-gandang biyaya.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon