Bakit Ako?

246 3 2
                                    

(Requested by: Zzzelucx
P.S.
Hello, good day. Pasensya na kung natagalan yung pagpublish ng tula na ini-request niyo. I've been very busy with school and applying for college, kaya hindi ko na napag-focusan yung pagsusulat ng mga tula. I hope you'll understand. Feel free to tell me kung may maling detalye para ma-edit ko agad. Salamat.)

~~~~~~
"Bakit Ako?"
By: OtakuZone

Normal lang ang masaktan.
Normal lang ang maiwanan.
Normal lang ang umasa.
Normal lang din ang lumuha.

Kapag ikaw ay nagmahal, lahat ng iyan ay iyong mararanasan.
Masuwerte ka kung hindi ka uuwing talunan.
Yung tipong kahit walang-wala ka na, nanatili pa din siya.
Yung kahit ang dami niyo nang problema, hindi ka pa rin niya iniwanan mag-isa.

Masuwerte ka kung natagpuan mo na siya.
Yung taong ipaparamdam sayo kung gaano ka ka-halaga sa kanya.
Yung taong magpaparamdam sayo ng kakaibang saya.
Yung taong gagawin ang lahat para lang patunayan sayo na ikaw lang ang mahal niya.

Pero, ang malas mo kung magkamali ka.
Wala nang mas masaklap pa sa maling akala.
Yung akala mo siya na ang inilaan para sayo ni Bathala.
Yung akala mo siya na pero hindi naman pala.

Parang tayong dalawa lang, hindi ba?
Umasa ako na magiging "Happy Ending" ang ating istorya.
Gabi-gabi ipinagdarasal ko na sana ikaw na.
Tapos biglang malalaman ko, mayroon ka nang iba?

So, ano yun? Pinagmukha mo lang akong tanga?
Pinaikot mo lang ako at pinaasa sa wala?
Hindi mo pwedeng sabihin na ako ang kusang umasa.
Dahil hindi naman ako aasa kung hindi ka nagbigay ng motibo, hindi ba?

Hindi ko alam kung bakit at paano mo iyon nagawa.
Sa dinami-dami ng pwede mong lokohin, bakit ako pa?
Bakit ako pa na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka?
Bakit ako pa na handang gawin ang lahat para lang sa iyong ika-liligaya?

Saan ako nagkulang, mahal ko?
Lahat naman ginawa ko para sayo.
Bakit nagawa mo pa ring magloko?
Bakit sa lahat ng pwedeng saktan, ako pa ang napili mo?

Hindi ko alam kung paano ko ito magagawang kayanin.
Pakiramdam ko kasi wala nang mas sasakit pa sa ipinaranas mo sakin.
Bakit sayo pa nahulog ang puso ko?
Bakit sayo pa na isang manloloko?

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon