Alphabet at ABAKADA

1.5K 3 0
                                    

(Kapag ako'y isang lalaking manliligaw XD)

Alam kong di ka pa sigurado kung sino sa amin ang iyong pipiliin.
Pero sana'y pakinggan mo ang lahat ng aking sasabihin.
Hindi man ako perpekto tulad ng iyong mga hinahangaan...
Mamahalin naman kita sa tamang paraan.

(A)
- Aalagaan kita sa abot ng aking makakaya.
Di ko hahayaang tumulo ang iyong mga luha.
Sisiguraduhin kong sa aking piling, ikaw ay liligaya.

(B for Bukas)
- Simula Bukas, di mo na kailangan mangamba sa tuwing iisipin ang umaga.
Dahil ikaw pa rin ang mamahalin ko sa pagmulat ng aking mga mata.

(KA)
- Kapag ika'y naging akin, ang iyong madadama'y wagas na KAsiyahan.
Ituturo ko sa iyo ang KAhulugan ng salitang "pagmamahalan".

(DA)
Kung itatanong mo kung bakit ikaw, wala akong maibibigay na kasagutan.
Dahil nahulog ako sa iyo sa di malaman na DAhilan.

(E for Energy)
- Ikaw lang, mahal ko, ang nakapagbibigay sakin nito.
Kaya bawat problema'y nalulutas ko ng dahil sayo.

(F for Forever)
- Isang bagay na bihirang marating ng ibang mga tao.
Kapag ako ang iyong pinili sisiguraduhin kong lalagpasan pa natin toh.

(GA)
- GAgawin ko ang lahat ng aking makakaya.
Upang hindi tumulo ang iyong mga luha.
GAgawin ko ang lahat ng alam kong paraan.
Para mapanatili na maayos ang ating pagsasamahan.

(H for Hiling)
- Mahal, ngayon palang inaamin ko na hindi kita mabibigyan ng mga regalo tulad nila.
Ngunit may mga bagay akong iaalay sayo na iyong ikakatuwa.
Katapatan, atensyon, oras, at wagas na pag-ibig.
Mga Hiling na minsan ng lumabas sa iyong mga bibig.

(I)
- Iiwasan ko ang lahat ng mga bagay na ayaw mo.
Hindi ko susuwayin lahat ng iuutos mo.
Handa akong ibaba ang aking pride at ego para lang sayo.

(J for Jealousy)
- Alam kong mabilis kang atakihin ng selos.
Ngunit wag kang mag-alala dahil mamahalin pa rin kita ng lubos.

(K for Kinabukasan)
- Hindi kita mamadaliin o pipilitin, irog ko.
Dahil alam ko na may iba kang plano para sa Kinabukasan mo.
Ipingako mo sa akin na hindi mo tatalikuran ang mga pangarap mo.

(L for Lust)
- Nais kong malaman mong mabuti ang intensyon ko.
Hindi kita minahal dahil sa katawan mo.
Hindi rin kita minahal dahil sa iyong kagandahan.
Tulad ng sinabi ko, minahal kita ng walang dahilan.

(MA)
- MAghihintay ako kahit gaano pa katagal.
Basta ba ang kapalit ay ang iyong pagmamahal.

(NA)
- At kung dumating ang araw na kailangan mo ng masasandalan... NAndito lang ako, handang maging panyo at unan.
Unan na sasalo sa lahat ng iyong luha.
Panyo na pupunasan ang iyong mga mata.

(O)
- Isang sagot lang ang hinihintay ko mula sayo, aking sinta.
Lahat na ng uri ng matatamis ay natikman ko na.
Matamis na OO mo na lang ang hindi pa.

(P for Proteksiyon)
- Di lamang kita mamahalin dahil proprotektahan rin kita.
Proprotektahan kita dahil ikaw ay itinuturing kong prinsesa.
Handa akong gawin ang lahat, mailayo ka lamang sa disgrasya.

(Q for Queen)
- Ipinapangako ko sayo na balang araw, magiging reyna ka.
Reyna ng aking kaharian at walang kasaling iba.

(R)
- Kaarawan, Pasko, Bagong Taon at sa iba pang okasyon?
Huwag ka ng mag-abalang bumili ng materyal at ipa-kahon.
Ikaw lang ang bukod tanging hinihiling ko.
Ang pinaka-magandang matatanggap ko na Regalo.

(SA)
- SAsamahan kita saan ka man magpunta.
SAsamahan kita kung gusto mong mag-gala.
At kung mag-away man tayo, wag kang mag-alala.
SAsamahan pa rin kita at hindi iiwang mag-isa.

(TA)
- TAtanggapin ko ang iyong buong pagkatao.
TAtanggapin ko ang lahat ng imperfections mo.
Dahil para sakin, ikaw na ang pinaka-perpekto.
Kaya ika'y mamahalin ko ng buong-buo.

(U)
- Pero sana mahal, wag mo kong paasahin.
Mahirap ang Umasa, masakit sa damdamin.
Mahal, pwede mo naman akong diretsuhin.
Huwag mo kong sasagutin, kung ayaw mo sakin.

(V for Virginity)
- Yan ang isang bagay na hindi ko kukunin sayo.
Dahil ang pagkawala nito ay hindi isang biro.
Kung nakuha man niyang nakawin iyan, irog ko...
Hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko sayo.

(WA)
- Aaminin ko sayo na hindi ako marunong mangako.
Dahil ayokong umasa ka at mawala ang tiwala mo.
Hindi ko maipapangakong hindi kita iiwan kahit kailan.
Pero hindi kita iiwan ng WAlang dahilan.

(X)
- Wag mong alalahanin ang mga minahal ko noon..
Dahil ang aking puso ay hawak mo na ngayon.
Wag kang mag-alala dahil ikaw lang ang laman nito.
Matagal na silang wala sa aking puso.

(YA)
- YAyakapin kita at ipapadama ko sayo.
Na hindi ka nag-iisa sa mundong ito.
YAyakapin kita, hindi kita bibitawan.
Kahit pa dumating sa puntong ako ay iyong ipagtulakan.

(Z)
- Huling letra sa Alpabeto, gayun din sa tulang ito.
Ngunit hindi dito magtatapos ang pagmamahal ko sayo.
Walang halong biro ang bawat salita na iyong binasa.
Mamahalin pa rin kita kahit na ang iyong piliin ay iba.

Nasobrahan ba ko sa tamis, aking sinta?
Mahal kasi kita kaya ganito ako magsalita.
Ipapadama ko sayo ang tunay na pag-ibig.
Sa oras na lumabas ang matamis mong OO sa iyong mga bibig.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon