Inalis agad ni Ricci ang pagkakahawak ko sa kanya at nauna na siyang umupo sa upuan niya. Ako naman nakatayo pa din dito at lahat ng mga mata na sakin pa din. Medyo masakit kasi hindi man lang niya ako pinagtanggol at hinayaan niya lang na ipahiya ako ni Lyka at Alexa sa harap ng mga kaklase namin.

*bzzt...bzzt...bzzt*

Umupo na din ako at naramdaman kung nag vibrate yung cellphone ko. And I was shock sa text ni Samantha sakin.

From: Sissy Sam💕

Sissy! Where are you? I'm on my way to hospital now.

Hindi na ako nag aksaya kahit isang segundo lang at nagreply agad ako sa kanya.

To: Sissy Sam💕

Anyare sissy?

"Pakitang tao din pala siya girl kasi diba dati ang tapang tapang niya tapos ngayon na nandito si Ricci bigla siyang bumait. Akala mo kung sinong Angel yun pala demonyo din sa loob." Hindi ko alam kung nag paparinig lang ba si Alexa o sadyang malakas lang talaga ang pagkakasabi niya non.

*bzzt...bzzzt...bzzt*

From: Sissy Sam💕

Si Tita Valerie sinugod siya sa hospital kaninang madaling araw nahihirapan daw kasi siyang huminga. I thought na text ka na ni Brent about dito? Punta ka na lang dito nandito kami sa  St. Joseph Hospital.

After ko basahin yun lumabas na agad ako ng room namin. Hindi naman nag text sakin si Brent that's why wala akong alam na sinugod pala si Tita sa hospital. Tita Valerie is Brent's Tita, si Tita Valerie ang nag palaki kay Brent. Kapatid ni Tita Valerie ang mama ni Brent and yung mom ni Brent na sa heaven na siya ngayon nag papahinga na, yan na lang muna ang kaya kung ibahagi ngayon. Someday lalabas din ang totoo.

****

"Brent what happened?" Nandito kami ngayon sa hospital kasama ko dito si Brent and Samantha na sa private room na kami ngayon.

"Pumunta ako kanina sa kwarto niya para ihatid ang gamot niya kasi may gamot siyang kailangan inumin nung madaling araw. Then nung pag pasok ko nagulat na lang ako kasi nakita ko siyang namumutla at parang nahihirapan siyang huminga." May bakas na lungkot sa boses ni Brent.

Hindi ako sanay na nakikita siyang malungkot kasi siya yung palaging nag papasaya sakin at palagi siyang nakangiti, no one would think na may problema siyang dinadala.

"Hindi ba kayong dalawa papasok ngayon?" Biglang tanong niya.

"Mas importante na nandito kami ngayon sa tabi mo Brent dahil alam ko na dalawa lang din kami ang masasandalan mo ngayon." After ko sabihin yun lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa balikat niya. "Be strong brenty makaka survive si Tita."

"Jade is right Brent kailangan mong mag pakatatag ngayon at wag mong ipakita kay Tita na mahina ka dahil sayo kumukuha si Tita ng lakas para lumaban." It's Samantha. Minsan lang din mag seryoso to kaya asahan mo magaling mag advice to.

"Salamat sa inyong dalawa. Wag kayong mag alala matapang kaya to ano ba kayo." Ngumiti siya samin ni Sam at tinignan niya si Tita.

"Gagaling si Mama magkikita pa sila ni Tita Sandy." Hinawakan niya sa kamay si Tita.

"Syempre naman magkikita pa sila ano ka ba Brenty!" Medyo may kirot akong naramdaman nung sabihin ko yun sa kanya.

"Kung nandito ngayon si Tita Sandy hindi niya magugustuhan na ganito kayong dalawa." Seryosong sabi ni Samantha.

Yes I know hindi niya yun magugustuhan na nawawalan kami ng pag asa. Kaya pinipigilan kung ipakita na nasasaktan din ako ngayon dahil sa sitwasyon ni Tita. May malaking part si Tita Valerie dito sa puso ko at nasasaktan din akong nakikita siya ngayon na nakahiga sa kama ng hospital na ito na nanghihina.


Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now