"I'm also in. Ikaw na lang ang nakikita kung pagasa na pwedeng maglayo kay Ricci don sa babaeng yun Jade." Juan.




"So it's final now, tutulungan niyo ako kay Ricci para hindi siya tuluyang umalis sa team niyo. I know importante si Ricci sa team niyo at aminin niyo man o hindi laking kawalan si Ricci kung sakaling aalis siya." Hindi ko napigilan ang sarili ko na ma pa ngiti. At least may tutulong na sakin ngayon.




"Sige na ayusin mo na ang sarili mo at ihahatid ka na namin sa classroom mo. May mga pasok din kami mamayang one pm." After sabihin ni Juan yun kinuha ko na yung bag ko at nag ayos na ako.



*****



"Sissy! Oh My God! So totoo nga na bumalik ka na. Kaloka ka girl I missed you sagad sagad."



Sino siya? Well siya lang naman ang bestfriend ko since birth. Nasaan ako ngayon? Well nandito lang naman ako sa bahay ng bestfriend ko dito ako matutulog ngayon.



"Samantika hindi ako makahinga!" Bulyaw ko. Kung makayakap kasi akala mo papatayin ako sa sobrang higpit.




"Wag na wag mo akong ma samantika kurutin kita sa singit diyan eh! Kaloka ka sissy! Baliw ka talaga hindi ka man lang nag text or tumawag sakin kahit email wala!"




"Heh! Para kang bata Samantika five years lang akong nawala kung umasta ka naman para akong isang daang taong nawala."



Sinadya kung hindi mag paramdam sa kanya dahil alam ko na isa siya sa pwedeng makuhanan ng impormasyon kung nasaan ako.



"T*ang ka talaga! Halos umiyak ako ng ilang taon dahil akala ko ako ang dahilan kung bakit ka umalis. Akala ko may nagawa ako sayong masama kaya ka umalis. Mabuti na lang sinabi sakin ni Brent na okay ka la---"



Hindi ko na siya hinayaan matapos na magsalita baka saan pa mapunta ang usapan namin.



"So ano na sissy? Dami mo ng utang na kwento sakin. Alam mo ba mula nung umalis ka nawalan na ako ng kaibigan na nakikinig sa mga drama ko?" Ang drama talaga ng bestfriend ko.



"Samantika pwede ba tama na yung drama? Teka nga pala bakit wala ka kanina sa klase? As far as I can remember ikaw tong hindi nag aabsent kahit may lagnat pumapasok pa din."





Actually magkaklase kami ni Samantha at hindi ko alam bakit hindi siya pumasok kanina. Actually ang course kasi namin is Accountancy at gustong gusto ko talagang maging kaklase si Samantha at si Ricci my loves.




"Baliw! Napagod ako kaya nag absent ako kanina nakakapagod kasi ang course natin kaya nag pahinga muna ako kahit isang araw lang. Hindi naman ako katulad ng jowa mo na kahit may training araw araw pumapasok padin hindi yata nag papahinga yun eh. Speaking of jowa, so kamusta na kayo?"



"T*nga ka talaga sissy alam mong hindi ko na siya boyfriend at iba na ang mahal niya ngayon pero yan padin ang mga lumalabas sa bibig mo." Pinanlakihan niya lang ako ng mata sa sinabi ko.




"So ngayon tanggap mo na na hindi na ikaw ang mahal niya? Nasan na ang Akisha Jade na palaban? Are you giving up now?"




"No way sissy, alam mo na wala yan sa vocabulary ko! Nakikita ko naman na mahal niya na si Roxanne ngayon. Pero syempre alam ko na mahal niya padin ako ngayon. First love namin ang isa't isa remember? And first love never dies. Countless times that we promised to each other na kami lang hanggang sa pagtanda namin."




Yes first love namin ni Ricci ang isa't isa and nag promise kami na kami lang hanggang huli. Sobrang napakadami ng plano namin noon and hindi ko yata kayang isipin na hanggang drawing nalang ang lahat ng iyon.




Endless Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon