Chapter fourteen

3.5K 107 2
                                    

Panay ang libot ni Romeliza sa buong paligid ngunit ni anino ni Ellifard ay hindi niya nakita. Huminga siya ng malalim at muling ngumiti.


"Baka hindi uli makapunta 'yon, kasama niya girlfriend niya eh." Bulong niya saka malalaki ang hakbang na pumunta sa stop light. Baka pumunta na lang siya mag-isa sa baywalk. May sakit kasi si Marie kaya hindi pumasok ngayon. Naalala niya ang ginawang paghihintay kay Ellifard kagabi. Inabot pa siya ng alas-dos ng umaga para lang hintayin ito pero hindi talaga ito dumating. Hindi niya alam kung bakit ang bigat ng nararamdaman niya dahil doon lalo na sa tuwing naalala niya ang nakausap na babae.


"Romeliza 'wag mong sabihing...." Natigilan siya saka tinapik-tapik ang pisngi.


"Aniyo! Aniyo! Nagtataksil ka kay Jimin eh! 'Wag kang gumaya sa kaibigan mo okay?" Bulong niya sa sarili.



"Romeliza!"


Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Mabilis naman siyang lumingon, bigla siyang nabuhayan nang makita si Ellifard. Tumatakbo ito papalapit sakanya.



"Diba sabi ko hintayin mo 'ko?" Magkasalubong ang kilay na sabi nito. Napanguso naman siya.



"Nagugutom na kasi ako eh." Sabi niya dito. Napapailing na hinawakan nito ang kamay niya.


"Halika kakain muna tayo." Sabi nito sakanya saka siya hinila. Napatingin naman siya sa kamay nito, hindi niya maiwasang mapangiti. Pero nawala ang ngiting 'yon nang makita ang babaeng nasa passenger ng kotse ni Ellifard. Binuksan naman ni Ellifard ang pinto sa likod ng kotse nito.


"Ah... dito ka muna ha? Ihahatid ko lang siya." Nakangiting sabi ni Ellifard. Ngumiti siya dito saka siya pumasok sa loob. Napatingin siya sa babaeng nasa harap.



'Ang ganda niya...'


"Annyong..." Bati niya dito pero tinignan lang siya nito sa review mirror at saka tumingin sa labas. May kung anong ningunguya ito sa bibig. Nakangiting umayos na lang siya ng upo. Nang makapasok na sa loob si Ellifard ay binalingan siya nito.



"Saan mo gustong kumain?" Tanong sakanya ni Ellifard.



"Sa Lucks Restaurant na lang." Sagot ng babaeng 'yon. Natigilan si Ellifard.


"Ah sige doon na lang Ellifard." Nakangiting sabi niya sa binata. Umayos naman ito ng upo saka binuhay ang makina.


"Tuloy tayo sa sabado ha? Matagal na rin kasi akong hindi nakakagala dito sa maynila. Medyo nag-tan nga ang balat ko dahil sa beach eh." Narinig niyang sabi ng babaeng 'yon, bahagya lang siyang nakangiti habang nakatingin dito.



"Hindi ba bagay sakin 'yung mga sunkies ko Ellifard?" Malambing na sabi nito kay Ellifard. Tumingin naman siya kay Ellifard.


"No, you still look beautiful." Nakangiting sabi ni Ellifard. Napangiti na lang siya, akala niya sakanya lang ngumiti ng ganon si Ellifard. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na may pinuri ito.


'Alangan namang ako ang purihin niya? Eh kumpara naman sa girlfriend niya mas bagay sila.'


"Hey are you okay Romeliza? Oo nga pala ito si Christina."


Ngumiti naman siya sa babae. "Ah ako nga---


"And what do you think about my hair? Bagay ba sakin Ellifard?" Nakangiting sabat ng babaeng 'yon. Tumango naman si Ellifard habang nakatutok ang tingin sa daan.


"Yeah, you look stunning."


Nakangiting iniwas niya ang tingin sa mga ito saka siya tumingin sa labas ng bintana.



"Aw....oh wait? Kumusta na pala sila Grey? Matagal ko ding hindi naka-usap ang mga 'yon ha? I've miss them."


Natigilan siya. 'Ibig sabihin kilala na rin pala ng kaibigan ni Ellifard ang girlfriend niya?'


Malamang Romeliza! Saka isa pa, mukha namang hindi ka bagay diyan dahil hindi mo masasabayan ang gusto ng mga kaibigan ni Ellifard eh.


Nakagat na lang niya ang ibabang labi sa sinasabi ng isip niya. Kahit pa ilang beses na silang nagkasama ni Ellifard ngayon lang siya nakaramdam ng panliliit sa sarili. Hindi niya alam kung bakit kino-kumpara niya ang sarili sa girlfriend ni Ellifard.



Kinurap-kurap niya ang mga mata saka siya huminga ng malalim.

---------------****

"KAMSA Ellifard." Sabi ni Romeliza sa binata nang makababa siya ng kotse nito. Nakita naman niyang bumaba din ng kotse si Ellifard saka lumapit sakanya.



"Sorry hindi kita maka-usap kanina. Don't worry bukas----


"Aniyo, okay lang." Sansala niya dito. "....ayos lang 'yon ano kaba? Ako nga nahihiya sa girlfriend mo eh." Nakatawang sabi niya dito. Huminga naman ito ng malalim saka hinawakan ang palad niya.


"Bukas nga pala magkita tayo sa baywalk. May gustong ipa-abot sa'yo si Veronica." Sabi nito habang malalim ang tingin sakanya. Iniwas niya ang tingin dito saka siya tumango.



"Sige pagka-uwi ko galing sa school dederetso ako don." Nakangiting sabi niya. Ilang sandali itong tumitig sakanya.


"Ellifard uwi na tayo inaantok na 'ko." Sabi ng girlfriend nito. Kinuha naman niya ang kamay mula kay Ellifard.


"Sige na... papasok na 'ko." Sabi niya dito saka siya tumalikod. Nang lingunin niya ito ay nanatili pa rin itong nakatayo doon. Ngumiti lang siya dito saka siya pumasok sa loob ng bahay. Ilang hangin ang pinakawalan niya dibdib. Parang nagmukha lang siyang chaperon ng mga 'to kanina, sana pala hindi na lang siya sumama. Kahit mag-uusap lang sila saglit ni Ellifard sisingit ang girlfriend nito. Nanlalatang umakyat siya ng hagdan.



"Sana hindi na lang ako sumama eh. Naiinis lang ako sa babaeng 'yon." Nakangusong bulong niya habang papasok ng kwarto. Isinandal niya ang likod sa pinto saka siya tumingin sa buong kwarto. Hindi niya alam kung bakit parang kinuha ang lakas niya, hindi naman siya ganito eh. Isa pa, wala namang sila ni Ellifard.


Nakasimangot na dumapa siya sa kama, bumungad naman sa paningin niya ang potatoe na ginawa.



"Oh baka talagang nasanay na 'ko sakanya?"

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Where stories live. Discover now