Chapter forty-one

3.3K 96 5
                                    

PANAY ang tingin ni Romeliza sa orasan. Kaninang umaga ay nakatanggap ng emergency ang kanyang ama at si Ellifard na nakatunog ang   matanda sa operasyon ng mga ito. Dahil sa pangamba na baka makatakas ito ay agad na silang gumawa ng aksyon bago pa makalayo ng tuluyan ang matanda. She want to help them, pero ayaw niyang makagulo lang sa operasyon ng mga ito.


"Iniisip mo pa din ba sila?"


Napalingon ako sa may-ari ng boses na 'yon. Para hindi siya lubos na mag-alala kina Ellifard, tinawagan nito ang kapatid para may maka-usap siya. Umupo sa tabi niya si Veronica.


"Stay positive Liza, they will be alright. Siya paba?" Natatawang sabi nito. Ngumiti naman siya.


"Hindi ko lang kasi maiwasan eh. Ayokong may mangyari ni isa sakanila ni daddy." Ani ko at tinignan si Veronica.



"Kamusta na pala 'yung book mo?" Pag-iiba ko na ng usapan para lang huwag isipin sila Ellifard.


She smiled. "Speaking of, mukhang balak kasi ng publisher namin na i-launch na ang book ko this coming summer. Dahil daw unti-unti ng yumayabong 'yung pangalan ko nagkakaroon na din ako ng mga sponsor. I'm so glad that everyone appreciate my works." Kumikinang ang mata na sabi nito. Ngumiti naman sya.


"Kahit sino naman mahuhulog sa gawa mo. Kumbaga..." Nakangiting tinaas ko pa ang dalawang kamay ko sa hangin. ".....'yung bawat letra mo napapalapit sa realidad."


"Thank you, gusto ko pala sumama ka sakin sa pag-booksigning okay?"


Mabilis siyang tumango. "Oo naman no, ako 'yung number 1 fan mo."


Mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"Alam mo, if magka-anak ako sa hinaharap? Ipapangalan ko sakanya Veronica." Sabi  pa niya dito.


"Paano kung lalaki?"

Napatingin lang siya sa ulap. "Hmm, gusto ko kasi sana 'yung mga idol ko. Kaya lang ayaw ni Ellifard." Aniya saka humagikgik.


"Nagugustuhan ko 'yung magkatunog lang. Hmm, Carson and Razon." Nakangiting sabi pa niya, napalabi naman ito at tumango.


"Carson sounds good." Komento pa niya at tumitig sa mukha niya. ".....sana maging parte si kuya ng buhay mo."


Tumawa naman siya. "Para namang sinasabi mong magiging kagaya kami nila Celestia."


Natahimik lang ito.


"Anak! Anak!"


Napalingon sila sa boses na 'yon. Napatayo siya nang makita ang ina na nagmamadaling tumakbo papalapit sakanila. Kumabog ang dibdib niya nang makita ang mukha nito.


"B-bakit po?"



Hinihingal na huminto ito. "T-tumawag sakin sina Lieutenant. Sinugod daw sa hospital ang daddy mo."

Umawang ang labi niya. Napahakbang pa siya ng bahagya.

"Ang kapatid ko?" Nag-aalala ding tanong ng katabi niya. Hindi naman sumagot ang kanyang ina.


"I don't know.." Usal nito. Walang paalam na nilagpasan niya ang mga ito at tumakbo.....

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon