Chapter two

5.9K 169 2
                                    

"SINO ang balak niyong sumunod na umupo dito ha?!"


Parang gustong takpan ni Ellifard ang tenga sa sigaw ni Grey.

"Kung gusto mo ikaw na lang uli!" Natatawang sabi ni Maxeau. Galit na hinila ni Grey ang panting nasa leeg nito.


"Ayan na lang si Delifico kesa gumala 'yan." Turo naman ni Serionifo. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng mga ito dito.


"Anata o fakku!" Singhal nito kay Clifford. Mukhang may balak na kasing bitawan ni Eros ang underground. Fuck that man! Hindi pa nga nagtatagal aalisan na? Ang alam niya ay matagal na nitong gustong makuha ang underground mula kay Grey.


"Ayan na lang si Clifford, tutal napa-upo na rin siya diyan sa trono. Saka magaling makipag-usap 'yan sa suppliers." Natatawang sabi ni Mexaua. Itinaas lang ni Clifford ang gitnan daliri.



"Ikaw na lang Ellifard." Sabi naman ni Dellifico.


"Palitan niyo muna 'yan." Sabi niya sa mga ito. Hindi niya gugustuhing umupo sa upuan na 'yan.



"Malakas talaga maka-impluwensya si Maxeau." Natatawang sabi ni Thartarus.


"Saan mo ba kasi kinuha 'yan?" Delifico asked.


"Binigay sakin ng padre 'yan don sa simbahan malapit samin. Sabi niya antique daw 'yan at may kahulugan. Para makatipid ako kinuha ko." Sabi ni Grey, narinig niya ang malulutong na mura ang mga kaibigan.


"Mas lalong walang uupo diyan!" Dellifico said. Nakangiwing tumayo siya.


'Damn! They're all fucking noisy!'


Aasikasuhin niya na lang ang mga Monster truck sa venue. Mas gusto niya ang ingay ng mga humaharurot na demo derby car kaysa pakinggan ang boses ng mga kaibigan.



"Ouch! fuck!" Paulit-ulit siyang napamura ng makatapak siya ng isang matulis na bagay pagdaan ko sa trono. Umupo muna siya doon at tinignan ang paa.


'Shit!'


Kinuha niya ang thumbtacks na nakatusok sa paa at pinakita sa mga kaharap.


"Kailan pa nagkaroon ng ganito dito ha?!" Galit na sabi niya sa mga ito. Hindi siya pinansin ng mga ito. Bigla namang nagsalita si Grey.


"The new King of the underground Ellifard Desconte." Nakangising sabi nito. Saka lang nag-sink sa isip niya kung saan siya nakaupo. Kumuyom ang kamao niya.


"Oh shit!"

--------------*****

"KASI naman ikaw para kang timang talagang ginawa mo 'yon?!"


Napanguso na lang si Romeliza. Sinabi na kasi  niya dito ang ginawa niyang kalokohan. Humawak siya sa braso ng kaibigan.


"Mianhae, beupeu." Nakangusong sabi niya dito. Inirapan lang siya nito.

"Kwenchanayo, basta sa susunod 'wag mo ng ulitin 'yan ha? Mamaya 'yan pa makapag-pahamak sayo eh." Sabi nito sakanya.


"Oo naman, pero alam  mo ba galit na galit siya sakin to the point na pati raw ang lahi ko uubusin niya. " Sabi niya sa kaibigan, grabe naman kasi... joke lang 'yon ha? saka picture lang yon eh.


"Naku hindi ka naman makikita non sa personal eh." Nakangiting sabi ni Marie at kinindatan pa siya. Nabuhayan naman siya ng loob at nawala ang takot niya. Oo nga no? Bakit hindi niya naisip 'yon?

"Magnanakaw! Magnanakaw! Tulong!" Sigaw ng nasa likod nila. Lumingon sila ng kaibigan sa pinanggagalingan ng boses na 'yon. Hindi naman nila alam kung saan ang sigaw na 'yon. Ngunit nakita niya ang isang lalaki na tumatakbo sa direksyon nila.

'Grabe ang gwapo naman nitong magnanakaw!'

"Halika na tumabi na tayo. 'Wag kang mangilam diyan" Bulong ng katabi niya, hindi niya ito pinakinggan. Tumalim ang tingin niya sa mukhang 'yon.

Itong mga magnanakaw na 'to kapwa tao ninanakawan!

Malapit na sa direksyon niya ang lalaking 'yon.


"Excuse me lad----  AW!" Hiyaw nito. Bulls eye!

Bago pa kasi ito makadaan sakanya ay sinalubong niya na ito ng sipa sa mukha. Marunong naman siya ng mga martial arts eh. Sinali siya ng kanya ina sa taekwondo noong fifteen years old pa lang siya. Hawak ng lalaking 'yon ang isang mata at pisngi na napuruhan niya. Nakita niyang nagkukulay violet 'yon. Matalim ang mata na binalingan siya nito.


"Ibalik mo ang kinuha ni---


"Magnanakaw tulong!"



Napatingin uli siya sa direksyon na 'yon. Nakita naman niya ang isang lalaking pilit na inaagaw ang bag sa isang ale at wala man lang gustong tumulong dahil nakita ng mga tao ang patalim sa likod nito. Nagtagumpay na nakuha nito ang bag at saka tumakbo sa direksyon niya. Hindi siya nakagalaw.


Hala. Ibig sabihin...

Hanggang sa dumaan na sa gilid niya ang magnanakaw na 'yon ay nakatulala pa rin siya. Napatingin siya sa lalaking nasa harap niya na ngayon ay madilim ang mukhang nakatingin sakanya. Nanlaki ang mata niya. Pinasadahan niya ng tingin ang kalahati ng mukha nito na kulay violet. Napaatras siya nang unti-unti itong humakbang papunta sakanya. Naitaas niya ang dalawang kamay.


Patay......

Napatingin siya kay Marie na hindi rin makagalaw muli niyang binalik ang tingin niya kay kuya.


"Ahm hyung..." Napalunok siya habang umaatras. "...m-mianhae, hin---


Hindi niya na natuloy ang sasabihin nang marinig niya ang paparating na mga pulis sa dikalayuan.


"Shit!" Bulong ng kaharap niya at inisang hakbang ang pagitan nilang dalawa.


"Ay!" Tili niya nang hablutin nito ang braso niya.


'Ouch ang sakit ha!


Biglang namang may humintong itim na Van sa harap nila. Bumukas ang pinto non.


"Bilis Ellifard!" Sigaw nung lalaking nasa loob. Ellifard?!


"Magtawag ka ng mga santo dahil babalatan kita ng buhay makikita mo!" Napakadiing banta nito sakanya. Nanlaki naman ang mata niya nang bigla siya nitong hilahin papasok sa loob.



"Bitawan mo 'ko!" Sigaw niya dito habang pilit na kumakawala.


"Hoy! Bitawan niya yang Bff ko peste kayo!" Tili ni Marie na mukhang natauhan na. Pilit nitong hinihila ang braso ng lalaking nakahawak sakanya. Nagulat siya nang bigla nitong tinulak ang kaibigan niya. Paulit-ulit niya itong pinaghahampas sa likod.


"Tulong! tulong!" Sigaw niya, halos buhatin na siya nito papasok sa loob ng sasakyan. Lalabas sana uli siya nang makita niya ang nakasukbit na baril sa bewang nito.


"Do you like it." Malamig na sabi niya na ang tinutukoy ay yung baril. Nanahimik naman siya saka sumiksik sa sulok ng kotse. Umupo naman ito tabi niya.


"You're so rude Ellifard." Komento nong lalaki na nasa unahan ng kotse. Halos maiwan niya ang kaluluwa nang bigla nitong pinasibad ng takbo ang sasakyan. Napakapit siya sa sulok.


"Sinipa niya ang mukha ko. Fuck! no one mess up with me!" Galit na sabi ng katabi niya Tinignan naman niya ito. Kumunot ang noo niya.


'Ay oo nga namumukhaan ko siya!'


"Omeged! ikaw si Ellifard?" Sabi niya habang nakaturo pa sa mukha nito. Matalim na tinignan siya nito.


"Don't talk to me." Madilim ang mukhang sabi nito. Sumiksik naman siya lalo sa sulok.


'Omo! Ba't sa dinamidami ng taong pwedeng gumawa nito sakin siya pa! Omo...'

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora