Chapter thirty

3.7K 121 6
                                    


"FUCK! fuck!"

Sapo ang ulo na umikot sa harap nila Ellifard si Grey, hindi maipinta ang mukha nito at hinihingal na tumingin sakanila.

"I thought that organization has already gone!" Galit na sigaw nito. Na-sabotahe ang supplies na diniliver ni Delifico sa pangasinan. Ang nakakapagtaka lang ay kung panong nalaman ng mga ito destinasyon ng lugar na pagdadalhan nila. Pero sabi ni Delifico, nakilala nito ang nakalaban nito na galing sa isang grupong kalaban nila.

"Pero ang alam ko nanahimik na silang lahat, hindi na nila pinakailaman ang grupo diba? Baka naman isang tao lang ang gumagawa non?" Sabat ni Serionifo.

"Kung isa lang madali nating mapapatay ang taong 'yon pero masyadong mabilis ang mga miyembro nila, they're like a shadow, a trickster.." Sabi niya sa mga ito. Ang grupong 'yon na kung tawagin ay Oxen society ang mahirap nilang nakalaban. Under ang mga ito ng special force na tumutuligsa sa mga grupong nahihirapang hanapin ng mga pulis. Pero kahit gano pa kabilis at katalino ang mga ito ay hindi nila na-trace ang underground na ipinagawa ni Grey. Bigla namang dumating si Delifico na may dalang folder, nilapag nito ang folder sa mesa.

"May hint ako sa Oxen society, isa sa miyembro nila ang kalaban natin. Hindi ganon ka-active ang taong 'to, ang nakapagtataka lang si Mr. Tan ang lagi niyang tinutulungan. Remember the case about Mr. Wutxie? The one who send the information about the old man to Mr.Tan is one of the member of Oxen society, walang iba kundi ang taong tinatawag nilang mysterious man."


"So anong connection ng Oxen society na 'yan sa ginawang raid sa pangasinan?" Takang tanong ni Thartarus. Tumaas ang sulok ng labi ni Delifico.


"Dalawa kami ni Ellifard ang mainit sa mata ni Mr. Tan at siya mismo ang nanguna sa paglusob samin. Nakakapagtaka lang dahil sa ilalim nagmula ang transaction panong makakarating agad sa pulisya ang usapan namin sa loob ng thirty-minutes bago pa kami makarating sa pangasinan? Unless may traydor sa mga sinama ko? Which is impossible. Muntik na 'kong madali ng Mystery man na 'yon na naroon pala.."


Kinuha niya ang folder at binuklat 'yon.

"He is a man?" Tanong niya.

"I don't know.... alam mo naman ang grupong 'yon gumagamit ng mga hightech na gadgets, magaling silang maglaro. Pero nakakatiyak ako sa nakita ko kanina, isa siyang babae may ginagamit siyang gadget para mag-boses lalaki siya."

Tumango-tango siya at tinignan ang larawan. Nakasumbrelo ito habang palabas ng headquarters kung saan ang statio ni Mr. Tan, hindi niya makilala ang mukha nito dahil sa nakatakip na maskara. Mukhang mahihirapan nga sila sa isang 'to.

"Ako na ang bahala sa isang 'to."  Prisinta niya.

"Okay... Delifico get the CCTV footage in the parking lot of headquarters, baka may makita pa tayong mas malinaw na hint. Serionifo tutal nandito naman kayo mag-matiyag ka sa kilos ni Mr. Tan.."

"Pero Grey! Maliksi ang matandang 'yon eh." Alsa ni Serionifo.

"Tinatamad ka lang eh, magaling ka namang magpanggap 'diba?" Sabat ni Maxeau. Matalim na tinignan ito ni Serionifo.


"Expired na ang skills ko sa pagdi-disguise, iba naman. O' 'dikaya si Ellifard, tutal tatay naman ni Romeliza 'yon eh. Ako na lang ang magde-deliver ng mga supplies sa black market."


"Arte talaga nito, hindi siya pwede dahil mainit si Ellifard doon. Sumunod kana lang, mag-disguise ka ng pambabae magaling ka don" Natatawang nakisali na si Delifico kaya tumayo na siya, Mag-aaway lang ang mga ito eh.

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon