Chapter sixteen

3.7K 116 6
                                    

"Dasi Run Run Run nan meomchul suga eopseo. Tto Run Run Run nan eojjeol suga eopseo. Eochapi igeosbakke nan moshae. Neoreul saranghaneun geot bakken moshae..."


Natawa siya nang malakas nang bumirit nang malakas si Marie.

"Lizang-ah! Tinatawanan mo naman ako eh!" Nagpapadyak ito.


"Boses palaka kasi 'yung boses mo chingu!" Natatawang sabi niya sa kaibigan. Sinimangutan lang siya nito, hinawakan naman niya ang braso nito habang sabay silang pumupunta sa stop light para mag-abang ng masasakyan. Hindi kasi siya masusundo ng driver nila ngayon.


"Punta tayo mall chingu, hanap tayo ng mga pwedeng bilhin don. Sabi kasi no'ng saleslady may mga new arrival sila ngayon galing pang korea." Paglalamambing niya sa kaibigan.


"Cheongmal? Pero wala na 'kong allowance eh. Napagalitan pa nga 'ko ni umma, kasi naman kinupit ko 'yung sukli sa meralco bill."


"Okay lang, kahit tingin na lang tayo doon. Gusto ko maghapon tayo don." Pangungulit niya dito.


Kinunotan naman siya nito ng noo. "Bakit gusto mong magtagal don? May pinagtataguan kaba o tinatakasan mo lang talaga si auntie?"


Natigilan naman siya sa sinabi ng kaibigan. Bigla niyang naalala si Ellifard pati na rin ang naramdaman niya sa club na 'yon. Bahagya siyang lumayo sa kaibigan.


"Chingu, umiinom kaba? O 'di kaya nag-so-smoke ka? Na-experience mo ba lahat ng 'yon?" Tanong niya sa kaibigan.


"Hindi pa no, gusto mo bang ibitin ako patiwarik ni abeoji?"


Tumango-tango siya. "Ano kayang pakiramdam na gawin mo 'yon? Masaya ba? Mas masaya ba sa kagaya 'pag pinapanood natin sila Jimin?"


Tumigil naman sa paglalakad ang kaibigan niya at hinarap siya.


"Miss curious Romeliza. May balak kabang gawin 'yan at sinasabi mo sakin ang bagay na 'yan?"


Napanguso lang siya sa kaibigan saka sumandal sa posteng nandon.


"Wala, i'm just curious. May mga tao kasi akong nakikita na ganyan, parang ang saya nila kapag ginagawa 'yon. Tapos pakiramdam ko magugustuhan ka ng mga tao kapag nakita ka nila na ginagawa 'yon. Gusto ko lang ma-experi----AW!"


Napahawak siya sa noo nang pitikin siya nito. Tinignan niya ang kaibigan.


"Mwo?!"


Dinuro siya nito.


"Kahit pa tinatadtad kana ng curious 'wag na 'wag mong gagawin 'yan. Makuntento na tayo sa kung meron tayo, you don't need to do that just to please others. Hindi mo kailangan maging maganda sa paningin nila. Sarili natin ang masisira natin hindi sila."


Tama nga naman. Ba't ko ba kasi naisip 'yon?!


Umayos siya ng tayo saka ningitian ang kaibigan.


"Kamsa chingu!" Natutuwang sabi niya sa kaibigan. Nag-cross arm naman ito saka tinitigan siya.


"Bakit ka nga pala na-curious diyan samantalang dati wala ka namang pakialam sa ganyan. May gusto kabang patunayan sa isang tao ha? Malabo namang sila auntie 'yon dahil suportado naman nila ang gusto mo."


Umiwas siya ng tingin sa kaibigan saka hinawakan ang kamay nito.


"Tara uwi na tayo." Sabi lang niya sa kaibigan saka ito hinila.



Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon