Chapter twenty-eight

3.3K 120 2
                                    


"Uy ba't hindi kayo nagpapansinan ni Tunaco?"



Nilapag ni Ellifard ang kopita at saka binalingan ang kaibigan.



"Saglit lang galit no'n mamaya papansinin din ako non." Nakangiting sabi niya sa kaibigan.


"Pano ba naman pinakialaman niya ang pinsan ni Tunaco." Sabi ng kadarating lang na si Maxeau, inakbayan nito si Thartarus.


"Sino? Si miss Tan? Kayo na?" Gulat na sabi ng kaibigan.


"Oo sila na, walang ligaw-ligaw sinunggaban agad niya." Natatawang sabat ni Maxeau. Napailing na lang siya, wala talagang mapapala sa bibig ng kaibigan niya.


"Wow, bilis mo brad." Natatawang sabi ni Thartarus. Kinuha naman niya ang cellphone at kinalikot 'yon.



"Bakit hindi siya nagte-text sakin?" Takang bulong niya at hinanap sa phonebook ang numero ng dalaga saka ito tinawagan. Ilang sandali pa ay sinagot siya nito.



"Yeobosseo?" Bungad nito. Mukhang bagong gising lang ito.



"Natulog ka?" Tanong niya saka sumilip sa orasan. Alas-kwatro pa lang ng hapon.



"Neh... ang dami kong ginawa eh, ang demand ng mga prof namin eh hindi naman ang discuss ng mabuti."



Napangiti siya, kahit hindi niya nakikita ito alam niyang nakanguso na naman ito.



"Gusto mo bang lumabas tayo mamaya?"



"Talaga?! Sige sige!" Excite na tili nito.



"Aabangan kita labas ng sub----


"Ay 'wag na Ellifard. Doon na lang tayo magkita sa luneta, baka kasi may makakilala satin sa labas eh."



Huminga siya ng malalim. Ito ang isa pa sa problema niya, gusto na niyang pumunta sa ama nito humahanap pa siya ng tiyempo.



"Fine. Aabangan kita don ha?" Sabi niya.



"Neh! Sige magbibihis na 'ko.."



"I love yo----


Napapikit siya ng mariin ng bigla na lang nitong patayin ang tawag. Naiiling na sinuksuk niya ang cellphone sa bulsa saka bumaba ng upuan. Binalingan niya ang mga kaibigan na nakatitig sakanya.


"I love you?" Ngiti-ngiting pang-aasar ni Thartarus. Umiling siya at tinalikuran ang mga ito.



"Asan nga siya?! Bakit ayaw niyo 'kong papasukin!"



Natigilan siya nang marinig ang sigaw na 'yon. Nakita naman niya na papasok si Christina, napatingin siya sa itsura nito.



Natigilan ito ng makita siya. "Ellifard?" Humihikbing lumapit ito sakanya at niyakap siya.



"Ellifard h-hinintay kita sa condo kagabi ba't hindi ka dumating?!" Umiiyak na sabi nito, hinawakan niya ang braso nito at inilayo sakanya.



"Ano bang sinasabi mo diyan Christina? Wala na tayo baka nakakalimutan mo?." Sabi niya dito. Umilling ito at akmang yayakapin siya ngumit hinawakan niya ang braso nito.



"No. No... I didn't mean what i said. I love you Ellifad--please.. please. We should fix it, 'diba mahal mo nama----



Itinulak niya ito at hinanap niya sa paligid ang mga kaibigan. Sinenyasan niya ang mga ito na lumapit sakanila.



"Christina I didn't love you.... nagustuhan kita Oo, pero hanggang doon lang 'yon." Sabi niya dito. Hinawakan naman ito sa magkabilang balikat ng mga kaibigan niya.



"Halika ihahatid ka na namin sain----


"No! Let me go!" Sigaw nito habang pilit na kumakawala kina Thartarus at Maxeau.



"Sige na mauna kana, kami ng bahala dito." Sabi ni Maxeau. Tumango naman siya at nilagpasan ang mga ito. Ngunit hindi pa siya nakakalabas ng club nang may marinig siyang nabasag na kung ano.



"You're mine! You're mine!"


Humarap naman siya ngunit bago pa siya makakilos ay naramdaman niya ang pagkatusok ng kung anong bagay sa sikmura niya. Napatingin siya sa dalagang nasa harap niya, mahigpit niyang hinawakan ito sa magkabilang balikat at itinulak. Nakangiwing sinapo niya ang sikmura.



"Ellifard!"


Napatitig siya sa dugong nasa kamay niya.


"Hayop ka!" Muling lumapit sakanya si Christina, iwinaksi nito sa hangin ang hawak na basag na bote. Hinarang niya ang isang braso dito.



"Fuck!" Sigaw niya nang gumuhit ang sakit sa braso niya nang matamaan nito 'yon. Umatras siya sa dalaga, mukhang wala itong balak na tigilan siya.



"Papatayin kita! Papatayin kita!"



"Anong nangyari dito?!" Nagtatakang tanong ni Serionifo na kadarating lang. Patuloy pa rin niyang iniiwasan si Christina.



"Whoah! Whoah Oh shit!" Sigaw ni Serionifo nang tamaan ang braso nito ng bubog. Sinenyasan niya sila Thartarus, pasimple itong pumunta sa likod ni Christina ngunit bumaling lang ang dalaga dito.


"Subukan mo!" Sigaw nito at iwinaksi kay Thartarus ang hawak na boteng basag. Kumuha naman ng silya si Maxeau.



"Ihahampas ko 'to sa ulo mo Christina walang gentleman gentleman!" Sabi ni Maxeau ngunit ito na naman ang pinag-initan ni Christina.



"Mama Grey!" Sigaw nito habang tumatakbo palayo. Doon siya nakakuha ng tiyempo, inisang hakbang niya ang pagitan nila ni Christina at pinisil ang batok nito. Nabitawan naman nito ang hawak, sinalo niya ang katawan nito.



"Pakidala nga 'to sa VIP room." Nakangiwing sabi niya sa mga kaibigan. Naramdaman niya ang dugo na lumalabas sa sikmura, ramdam niya ang munting kirot. Binuhat naman ni Thartarus si Christina.



"Ellifard ang daming dugo sa damit mo!" Sabi ni Maxeau. Nakangiwing sinapo lang niya ang sikmura at tinignan ang palad na may dugo.



"Fuck..."

--------***

A/N: Sorry, late update at medyo maikli. Bawi ako mamaya.

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Where stories live. Discover now