Chapter seventeen

3.5K 105 2
                                    


"Romeliza! Romeliza!"

Napahinto siya sa paglalakad nang marinig niya ang pangalan. Lumingon siya sa tumawag sa pangalan niya.


"Oh.... annyeong." Bati niya nang makita sina Shaine. Nakangiting lumapit ang mga ito sakanya.


"Nag-launch kana?" Tanong ni Rosette. Umiling siya sa mga ito.


"Hindi pa eh. Actually hinahanap ko nga 'yung kaibigan ko, hindi ko alam kung nasan na." Sabi niya sa mga ito.


"Oh tamang-tama sabay kana samin sa cafateria, nandon si Justin."


Pero pano si Marie?


Muli niyang nilibot ang paningin sa paligid.



"Halika na?"


Huminga siya ng malalim saka bumaling sa mga ito.


"Neh." Nakangiting tumango siya sa mga ito at sabay silang pumunta sa cafeteria. Sa entrance pa lang ay natanaw agad niya si Justin, may ipagmamalaki naman sa mukha si Justin eh. Matangkad ding tao kagaya ni Ellifard. Natigilan siya nang maalala uli si Ellifard. Nakangiting umiling siya. Kailangan kalimutan niya 'to.


"Hi..." Nakangiting sabi ni Justin nang makita siya. Tumango siya dito saka siya umupo kasama ng mga ito.



"Anong order mo? Sabay mo na sakin." Tanong sakanya ni Rosette.


"Ahm 'yung dark chocolate cake nila saka frappe." Sabi niya dito.


"Kami 'yon pa rin." Sabi naman ni Shaine.


"Noted." Sabi nito saka tumayo.


"So how are you Romeliza?" Tanong sakanya ni Justin. Ngumiti siya dito.


"Ayos lang.." Sagot niya sa mga ito. Tumango-tango naman ito. Ilang sandali pa ay dumating na ang order nila. Natigilan siya nang makita ang hawak ni Justin, nilagay nito 'yon sa pagkain nito pati na rin sa inumin. Ganon din ang ginawa nila Shaine at Rosette.



"Ano 'yan? Betchin?" Takang tanong niya sa mga ito. Natatawang palihim na tinago naman ni Justin ang hawak saka binalingan siya.


"Something that can make you forget everything." Nakataas ang sulok na labi na sabi nito. Kumunot naman ang noo niya.



"Jinjja? Pano 'yon? Bakit kailangan niyong itago? Is it drugs?" Takang tanong niya uli. Kinindatan siya ni Justin at sinabing 'wag daw siyang maingay.



"Pero ba't niyo ginagawa 'yan? Hindi ba bawal din 'yan?" Tanong niya uli. Uminom muna si Justin ng tubig saka tinitigan siya.



"You must try everything Romeliza. Hindi naman masama kung hindi ka sosobra eh. 'Yung tama lang..." Sabi nito saka sumandal sa upuan.



"....sinasabi ko sa'yo once na masubukan mo 'to hindi mo na 'to aayawan. Being normal like others is boring miss Romeliza." Nakangising sabi nito. Napaisip naman siya sa sinabi nito.



"Ayos lang naman kung susubukan mo 'to, hindi lang naman kami ang gumagamit ng ganito eh." Sabi ni Shaine saka tumingin sa paligid.


"Ikaw ba? Nakakasiguro ka na hindi gumagamit ang mga nandito?" Sabi pa nito, tumingin siya sa paligid niya.



"Teenager ka pa lang, at normal sating mga kabataan ang gumawa ng kakaibang bagay." Sabi naman ni Justin at tinitigan ang buong mukha niya.


Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Where stories live. Discover now