Chapter thirty-eight

3.4K 107 5
                                    

"KISS na bilis! Kiss na! Kiyaahh! Ayan na, waahh hmp! Pause ka ngayon."



Nagtatakang hinanap ni Ellifard ang sumisigaw na 'yon, binuksan niya ang mga pinto sa VIP room ngunit wala ang sumisigaw na 'yon.


"Ay umayos ka Wang soo malilintikan ka sakin. Hindi mo dapat pinipilit ng ganyan ng babae. Aish, ano ba kasi Hae soo? Halata naman na may gusto kana rin sa 4th prince ano ba? Umamin kana ako nangungunsimisyon sainyo eh. "


Natigilan siya nang tumuon ang tingin niya sa isang pinto sa dulo. Hinawakan niya ang doorknob non saka siya sumilip sa loob. Nakita niya si Maxeau na naka-upo sa itim na couch, nakatalikod ito sa gawi niya.



"Anong ginagawa niya?"


Napalingon siya bagong dating.


"Ewan ko diyan." Bulong niya kay Delifico, nakisilip naman ito sakanya. Naririnig nila ang pag-uusap na 'yon na hindi nila maintindihan.



"Tsk... tsk sabi ko na nga ba eh." Natatawang sabi ni Delifico at saka kumatok. Halos napatalon naman si Maxeua sa pagkagulat pagkuway bumaling sa pintuan.



"Anak ng..." Anito at itinago ang cellphone sa likuran nito. Nakahalukipkip naman na pumasok sila sa loob.


"Ano 'yan?" Nakangising tanong ni Delifico.


"Ah.... avangers 'to." Sabi nito na hindi tumitingin sakanila.



"Kahit itago mo 'yan kanina kapa namin pinapanood. Sa lakas ba naman ng bibig mo eh." Nakataas ang sulok ng labi na sabi niya dito.


"Ano 'yan? Kagaya ka ni Romeliza?" Natatawang sabi ni Delifico.


"Hindi no... k-drama lang ako. Mas pogi kaya ako sa mga korean boyband na 'yan." Nakasimangot na sabi nito. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa.


"Oy! Oy! 'Wag mo 'kong titigan ng ganyan Ellifard! Baka kung ano ng iniisip mo ah..."



Lumawak ang pagkakangisi niya sa kaibigan. "Wala naman akong iniisip ha? Tamang hinala ka ata.."


"Defensive." Dugtong ni Delifico saka nila tinalikuran ito.



"Oy! Oy bumalik kayo dito! Bakit? Kapag lalaki hindi na pwedeng manuod ng mga k-drama ha? Palibhasa porn lagi gusto niyo!"


Natatawang lumabas sila ni Delifico. Dumeretso sila mini bar, naabutan pa niya si Thartarus na mukhang kagigising pa lang may dala pa itong folder.



"Nasa baba na si Grey?" Tanong nito nang makita sila.


"Oo bakit? Nagmamadali ka ata?" Tanong ng katabi niya.


"May sasabihin kasi akong importante sakanya. Sige dito na 'ko." May pagmamadali sa boses na sabi nito, nasundan na lang nila ito ng tingin.



"Siyanga pala, dumating na si Damon.."


Napatingin siya kay Delifico. "Napaaga ata ang uwi niya? Akala ko sa makalawa pa?"


Nagkibit-balikat ito. "Malay ko don, si Lucioun ang susundo sakanya sa airport."


"Patawa ka... baka sa entrance pa lang magpatayan na ang magkambal na 'yon." Natatawang sabi niya.


"Kaya nga sabi ni Grey tayo ang magsundo." Nakataas ang sulok ng labi na sabi ng kaibigan. Itinaas niya ang isang kamay.


"Ayokong umawat sa magkaparehong mukha." Nakangising sabi niya at tinalikuran ito.

-----------****

"ARE you sure about this?" Maang tanong ni Grey habang nakatingin sa isang litrato.


"Honestly, I'm not really sure pero nalaman ko sa mga source ko na ilang beses na nilang nakikitang lumilibot 'yan noon sa mansion ni Mr. Wutxie. And here is another information." Nilapag ni Thartarus ang isa pang litrato. Lihim siyang nagulat sa nakita, nakatayo ang taong 'yon sa isang bahagi ng mansion ni Wutxie. Kuha 'yon noong nagkaroon ng pagdiriwang sa mansion ni Wutxie, at 'yon din araw na nahuli ang matanda.

"Pero alam mo, kahit hindi pa tama ang hinala ko malakas ang pakiramdam ko na 'yan nga si Mysterious." Sabi ni Thartarus at saka bumuga ng hangin. ".....kaya hindi rin ako makapaniwala kung pano nangyari 'yon."

"It's bad.... really really bad." Sabi ni Grey at tinignan ang mga larawan.

"May balak ka bang sabihin 'to kay Ellifard?" Tanong ni Thartarus, tiningala niya ito.

"Kailangan na muna natin ng mas matinding ebidensya." Sabi niya at tinabi ang mga larawan. Sinilid niya 'yon sa folder at saka itinabi sa secret vault.


"Paano kung siya nga?"


Binalingan niya si Thartarus.


"You will find out Xenchi.."

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz