Chapter forty-four

2.3K 77 0
                                    

"ROMELIZA....."


Napatingala siya nang marinig ang pamilyar na tinig na 'yon, nakita niya ang kapatid ni Ellifard na papalapit sakanya.


"I'm sorry sa narinig mo mula kay mommy, don't worry kakausapin ko siya kapag kumalma na siya." Nakangiting sabi nito, pinunasan niya ang magkabilang pisngi. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din nagigising si Ellifard.


"A-ayos lang 'yon, kasalanan ko din naman ang lahat eh." Mahinang sabi niya. Tumabi sakanya si Veronica.

"Kamusta ang daddy mo?"


"Okay na siya...." Sambit niya at tumingin sa pinto ng private room ni Ellifard. Kanina pa niya gustong pumasok kaya lang ay nandoon ang mommy ni Ellifard.


"Alam mo ba na bago pa kita makilala ay mukha mo na talaga ang Celestia na sinusulat ko?"

Natitigilang binalingan niya ito. Ngumiti ito sakanya.


"Kaya nga noong ipakilala ka sakin ni kuya akala ko namamalikmata lang ako. I wrote that story four years ago....napanaginipan ko lang silang dalawa. Noong una malabo kaya 'yung plot na ginagawa ko nakakalito pa. Para iyong events na napuputol na lang, nagtuloy-tuloy ang panaginip ko na 'yon ng ilang taon. Kahit ako hindi ko alam kung bakit nangyayari 'yon." Anito saka tinignan ang mukha niya.


''Noong luminaw na ang events sa isip ko, si kuya Ellifard ang nakita kong mukha ni Marco.'' Sabi pa nito saka mahinang tumawa.


"Weird 'diba? Pagkatapos...noong makita na kita doon naman lumitaw si Celestia. Nagkaroon na siya sa mukha."

Bigla niyang naalala ang kwentong 'yon.


"P-pero namatay si Celestia dahil kay Marco hindi ba?" Sambit niya. Tumango ito.

"Akala ko ganon din ang ending niyo, but everything has change. Sa panaginip ko si Marco ang bumaril kay Celestia nang hinarang niya ang katawan para hindi matamaan ang tatay niya. Ganon niya kamahal ang papa niya, kahit pa alam niyang marami itong masamang ginagawa. Her father was a druglord and Marco is policeman." Anito saka umiling at ngumiti.


"Maybe it's just a dream. Pero masasabi kong maihahalintulad ko kayong dalawa ni Celestia sa maraming paraan, you want to protect your father. Narinig ko kasi kina Maxeau ang totoo na ikaw pala ang tumutulong noon sa daddy mo. How funny, si kuya Ellifard ang kriminal sa kwento niyo." Nakatawang sabi nito. Napangiti naman siya. Akmang magsasalita siya ng biglang bumukas ang pinto.


''Gising na ang kapatid mo, pumasok ka sa loob." Sambit ng mommy ni Ellifard, nagliwanag naman ang mukha nito.


"My God, halik na Romeli----


"Ikaw lang ang papasok.." Matigas pa na sabi ng ginang. Nag-iwas naman siya ng tingin dito. Tinignan siya ni Veronica. Tumango lang siya dito.


"Ayos lang.." Usal niya. Hinaplos nito ang braso niya saka tumalikod. Napatitig na lang siya sa pinto nang pumasok na ang mga ito. Gustong-gusto niyang makita si Ellifard, pero baka makasama lang dito kapag nakita nito na ayaw sakanya ng mommy nito. Kailangan niyang maghintay hanggang gumaling ito. Naluluhang ngumiti siya.


"Gomawo..." Naiiyak na bulong niya. "...gising na siya."


----------------******

4 months later....


"APA naman! Ang tigas mo, sabi ng huwag ka ng kumilos muna eh. Kami na ni mama ang bahalang mag-ayos dito."


Inagaw ni Romeliza mula sa kamay ng ama ang malaking box na may lamang gamit. Nakangiwing nilapag niya iyon sa gilid ng pinto.


''Kaya ko naman na anak, saka isa pa matagal na akong magaling ano ka ba naman."


Tinaas niya ang dalawang palad dito.


''Okay lang daddy okay?" Nakangiting sabi pa niya saka pinasok na ang box sa loob, nanlaki pa ang mata niya nang makita ang kapatid na kinakalkal ang gamit niya na may mga album at merchandise.


"Mwo! Magagasgasan 'yan!'' Tili niya at mabilis na nilapag ang hawak saka nilapitan ang kapatid. Mabilis naman itong tumakbo palayo.



"Appa! 'Yung badge mo oh!" Tili niya nang makitang hawak din iyon ng kapatid. Tumatawang umikot ito sa sofa.


"Sabi ni daddy akin na daw 'to eh. Dapat akin na lang din 'yung mga album mo. Idol ko na din ang Bangtan eh.'' Natatawang sabi pa nito.


"Eh kung sapakin kaya kita diyan? Halika dito! Lumapit ka!"


"Tama na 'yan anak, pumasok muna kayo sa dining room kakain na." Tinig ng ama niya, nagbabala ang tingin niya sa kapatid.


''Mamaya ka lang.." Banta niya saka tumalikod, halakhak lang ang narinig niya dito. Sumunod naman siya sa papa niya, naabutan nila ang mama niya nag-aasikaso ng pagkain sa mesa.


"Oh, ano nga pala tingin niyo sa bagong bahay natin? Okay lang ba?" Nakangiting sabi nito. Tahimik na umupo siya.



"Opo, malaki nga ito kumpara sa bahay natin noon. Saka hindi madaling makita...'' Mahinang sabi niya, bigla niyang naalala si Ellifard. Kahit anong gawin nila ni Veronica ay hindi siya makalapit dito. Ramdam talaga niya ang galit ng ina ni Ellifard sakanya. HIndi naman niya ito masisisi, nang masiguro niya sa kapatid ni Ellifard na maayos na ang lagay nito ay napagpasyahan ng magulang niya na pansamantalang tumira sa probinsya nila.


May pinapaayos kasing bahay ang kanyang magulang sa Bulacan at ito na nga 'yon. Nag-retiro na din ang daddy niya at balak ng magtayo ng sariling business na mini grocery. Hindi niya alam ang reaksyon ni Ellifard kapag nalaman nito ang tungkol sakanya. Nahihiya siya dito, gustong-gusto niyang makita ito, gusto niyang mayakap.


''Pwede mo naman na siyang puntahan anak. Hindi ka naman namin pipigilan ng mama mo." Narinig niyang sabi ng ama. Bahagya lang siyang ngumiti.


"Sa ibang araw na lang siguro appa.."

Tinapik ng mama niya ang balikat niya.


''Sa susunod, huwag mo na uling gagawin iyon ha?''


Tumango siya at tiningala ang mama niya. "Sorry po.."


"Hanggang ngayon talaga ay hindi ko pa din maisip na kaya mong gawin ang lahat ng 'yon anak. I thought you are too innocent, pero mas nalutas mo pa ang mga unsolve case ko kaysa sakin." Nakatawang sabi nito.


"Nagmana kasi siya sakin." Nakatawang sabi ng ama. Tumango naman ang ama.

"Yeah yeah.." Sambit pa nito, ngumiti lang siya at tinignan ang mga magulang...

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Where stories live. Discover now