Chapter forty-three

2.8K 78 11
                                    


"Here...."


Tinignan ni Ms. Mustard ang hawak niya. It's a digital camera, kasama nito ang isang maskara. Kinuha nito 'yon mula sa kamay niya, ngumiti siya dito.


"Salamat sa lahat ng tinulong mo sakin..."

Saglit nitong pinagtuunan ng pansin ang hawak pagkuway ngumiti sakanya.

"So this is your last mission?" Anito, tumango siya. Tinago nito sa isang drawer ang binigay niya saka nakahalukipkip na binalingan siya.


"Ayoko ng mag-alala sila daddy sakaling malaman nila ang tinatago ko. But I promise, hindi ko sasabihin sakanila ang tungkol sainyo.."

Tumaas ang sulok ng labi ng kaharap. "You can do whatever you want Romeliza. Wala saking problema 'yon, ang inaalala ko lang ay ang kalagayan mo. Paano mo matatanggap ang magiging reaksyon ng mga magulang mo sa oras na malaman nila ang ginagawa mo? Lalo na si Desconte na ilang beses mo ng nakakasagupa."


May kung anong bagay na parang bumara sa dibdib niya nang maalala si Ellifard. Napalunok siya at pinagsiklop ang palad.


"Bahala na...ang mahalaga sakin. Aminin 'yung mga kasalanan ko sakanila..." Aniya saka tumingin sa mukha ng kaharap.


"....ahm Ms. Mustard. I only have one wish before I leave your office..." Sambit niya saka lumapit dito at hinawakan ang kamay nito. Nagmamakaawa ang mukhang tinitigan niya ito.



"Jebal, help my boyfriend." Parang batang pagmamakaawa niya. "....sobra ang kaba ko sa binabalak nila ni daddy. Nabasa ko 'yung information tungkol kay Mr. Wutxie, alam ko kung gaano kalawak ang kapangyarihan ng matandang 'yon. Alam kong may kasalanan din ang grupo nila Ellifard but I swear! They had no intention to hurt people. Natatakot ako sa mangyayari sakanila."


Tumawa ito ng mahina at pinatong ang palad sa balikat niya.


"You don't need to say that...." Anito saka muling naghalukipkip "...I mean, hindi ibig sabihin non wala ng kasalanan sila Ellfard ha." Sambit nito saka nagseryoso. Lumapit ito sa table pagkuway umupo at tinutok ang tingin sa malaking computer.


"From the very start, si Mr. Wutxie na talaga nakatuon ang atensyon ng organisasyon." Anito saka pinakita sakanya ang computer. Binasa niya ang mga information doon.


"Marami na kaming ebidensya laban sakanya, nakipagtulungan na din kami sa kapulisan at secret agency. Baliwala ang kapangyarihan ng matanda kung wala ang mga nasasakupan niya." Sambit pa nito saka ngumiti sakanya.

"You know...kilala ko si Grey. Hanggang ngayon hindi ko pa din talaga makuha ang ugali ng taong 'yon. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang intensyon ng grupo niya."

"Kilala mo si Grey?"

Tumango ito at tumaas ang sulok ng labi sakanya. "Isa siya sa nakapasa noon mula sa kamay ni Boss."


Nagsalubong ang kilay niya. "Ha?"


"Sa labin-limang sumali, tatlo lang ang matitirang buhay. Siguro iniisip mo kung anong klaseng isip meron ang mga tao at sasali sila sa ganong klase ng laro. But, people loves extreme challenges, lalo na ang magiging kapalit non ay magandang kinabukasan. Ang iba sa amin, gusto ng kapangyarihan para makakuha ng posisyon sa gobyerno. Ang iba ay para lamang may maipagyabang sa mga umaagrabyado sakanila. Ang iba naman.....gusto ng matinding karanasan na titibay sakanila." Anito habang tumutuktok ang hintuturo sa mesa. Napatingin siya doon.


Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Where stories live. Discover now