Chapter thirty-six

3.4K 132 8
                                    

"CHINGU, ang haba ng pila..."



Nakangusong tinanaw ni Romeliza ang dulo ng pila. Maaga naman silang umalis kanina pero hindi pa nagbubukas ang mall eh ang haba na agad ng pila sa labas. Niyakap niya ang braso ng kaibigan.



"Aabutin tayo ng alas-dose ng tanghali." Sabi pa ni Marie.



"Ayos lang ang mahalaga makabili tayo ng ticket." Sabi niya sa kaibigan habang nakatanaw sa haba ng pila.



"Ay sandali nga pala Marie, naiihi ako eh. Hanap lang ako ng c.r." Paalam niya sa kaibigan.



"Ah.... o sige bilisan mo ah." Sabi nito. Tumango naman siya saka tumalikod. Panay ang tanaw niya sa bawat paligid para hanapin ang sign ng guestroom.



"Ayun!" Bulong niya nang makita ang sign na hinahanap sa itaas. Pero bago pa siya makaakyat sa escalator ay napansin niya ang isang pamilyar na mukhang 'yon.



"Si Delifico 'to ah..." Bulong niya, tumitingin ito sa estante ng mga bracelet at hikaw ng mga pambabae. Lumapit siya dito.



"How about this? Patingin na rin nitong isa." Narinig niyang sabi nito habang nakaturo sa bracelete.



"Delifico?" Tawag niya sa pangalan nito. Lumingon naman ito sakanya.



"Oh Romeliza..." Nakangiting sabi nito saka tumingin sa likuran niya.


"Ah hindi ko kasama si Ellifard." Sansala niya dito. Tumango-tango naman ito.



"Ano nga pa lang ginagawa mo dito? Namimili ka rin?" Tanong nito.



"Ah sir... ito na po." Sabat ng saleslady. Napatingin naman siya sa dalawang jewelry box.



"Ah.... Romeliza sa tingin mo? Anong maganda?" Tanong ni Delifico habang nakatingin sa dalawang box. Yung isa necklace na may palawit na puso at sa gitna non ay may star. Ang isa naman bracelet na pearl.


"Mas maganda 'yung necklace." Nakangiting suggestion niya. Tumango-tango naman si Delifico.


"Girlfriend mo ba 'yung reregaluhan mo?" Tanong niya dito.


"Hindi... may nagpapabili lang." Sabi nito.



"Ano siya sini-swerte..." Bulong pa nito. Hindi na lang niya pinansin 'yon.



"Siyanga pala.." Anito at humarap sakanya. "Anong plano niyo ni Ellifard?"



Kumunot ang noo niya.


"Plano para saan?"



"Hindi mo alam? Birthday ng lokong 'yon next month. Mag-ta-travel ba kayo or what? Hindi naman kasi nagse-celebrate ang lalaking 'yon eh."



Natigilan naman siya.


"Kailan 'yon?" Takang tanong niya dito, wala siyang alam ah.



Kumunot naman ang noo nito. "Hindi niya nasabi sayo? Sa May 15 birthday niya ah.."



'Ba't 'di niya binanggit sakin kagabi?'



"Hindi niya nabanggit sakin eh." Mahinang sabi niya. Tumango-tango naman ito.


"Ah I see, sige.... dito na pala ako Romeliza." Sabi nito at binalingan ang saledlady. "....salamat miss."



"Ah sandali lang Delifico... ano nga palang favorite gift ni Ellifard?" Tanong niya dito bago pa ito umalis. Kumunot ang noo nito.



"Favorite gift non? Ahm...." Nag-isip naman ito. "Ah! 'Yung black journal notebook! Napansin ko kasi palagi niyang tinitignan 'yon kapag pumupunta kami sa bookstore ni Rhedentor. Akala ko nga bibilhin niya pero sabi niya ang gusto niyang bumili non ay ang taong importante sakanya. Either it's his mom or Veronica and Cathiya." Sabi nito saka tumitig sakanya.



Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant