Chapter twenty-four

3.6K 144 5
                                    

"Gidaryeo juseyo!"



Mahigpit na hinawakan ni Romeliza ang braso ng kaibigan pagkuway sabay silang nagtinginan.


"That's mine!" Halos pasigaw na sabi nila ni Marie. Nag-unahan pa silang lumapit sa maniquin.


"Ate magkano po?" Excited na tanong ni Marie habang nakahawak sa kamay niya.


"800 po maam.." Nakangiting sabi ng salaeslady.


"Isang pink at beige po." Sabi niya sa saleslady.


"Aw sorry maam pero out of stock na po eh. Last na 'yan."


"Andwae!" Halos sabay na sabi nila ng kaibigan saka tumingin sa dress na kulay red. May mga maliliit na pearl sa ilalim ng kwelyo 'yon at belt na kulay itim. Cotton din ang tela non kaya parehas nilang nagustuhan ng kaibigan.


"Kailan po uli kayo magkakaroon ng stock?" Tanong ni Marie.


"Maybe next week maam, minsan kasi one month kung dumating ang mga order namin. In-demand din kasi 'to sa online shop namin."


Napanguso naman siya dahil talagang gusto niya ang damit na 'yon.


"Halika na Romeliza. Sige po ate next week dadaan uli kami dito." Sabi ni Marie, binawi naman niya ang tingin sa damit na 'yon at nagpahila sa kaibigan.


"Don't worry tingin uli tayo sa mga madadaanan natin malay mo mero----


"Hi girls..."


Tinatamad na lumingon siya sa nagsalita. Natigilan siya nang makita si Maxeau, pero hindi ito nag-iisa. Kasama nito ang lalaking kahapon niya pa iniiwasan. Mabilis siyang tumalikod sa mga ito habang ramdam na ang pagkabog ng dibdib.



"Halika na alis na tayo." Nagmamadaling bulong niya sa kaibigan.


"Bakit?" Bulong ng kaibigan niya.



"Basta, ppali! ppali!" Sabi niya saka hinila ang kaibigan.


"Hey...."


Tumigil siya sa paghakbang nang maramdaman ang pagpatong ng braso na 'yon sa balikat niya. Nagbaba siya ng tingin sa sahig.



"Not so fast..." Sabi pa nito at nanggigigil na pinisil ang balikat niya. Kagat-labing bumaling siya sa kaibigan na bahagyang lumayo sakanila. Sinenyasan niya ito na lumapit pero gumitna naman si Maxeau.



"Hi..." Bati nito sa kaibigan niya saka binalingan siya.


"....buti na lang nakita kita dito habang namimili ako kaya tinawagan ko na si Ellifard, kahapon kapa kasi tinatawagan niyan hindi ka ma-contact eh. Ang init tuloy ng ulo." Natatawang sabi ni Maxeau.


'Kahit kailan talaga pahamak mga kaibigan ni Ellifard.'



"Siyanga pala tutal magkakasabay na tayo, kain muna tayo?" Aya ni Maxeau.


"Ah... u-uuwi na kasi kami ni Marie eh, next time na lang." Sabi niya dito.


"Sige ihahatid ko na kayo." Sabi naman ni Ellifard.


"Ah hindi pwede dederetso kasi kami kina kuya Tunaco." Sabi nya na hindi tumitingin dito.


"...'diba chingu?" Sabi niya sa kaibigan. Nakagat naman nito ang labi saka tumingin kay Ellifard pagkuway nagbaba ng tingin sa sahig.



"Ang alam ko wala sila Tunaco diyan." Sabi pa ng katabi niya. Lalo namang kumabog ang dibdib niya.


'Ano ba naman...'


"Ah.... sa tingin ko kailangan ko ng umuwi. Hindi na pala ako nagugutom." Nakangising sabi ni Maxeau at hinarap ang kaibigan niya.



"Hi miss sabay na tayo pababa."



Nanlaki ang mata niya at akmang lalapit kay Marie pero hinila lang siya lalo ni Ellifard. Umiling siya sa kaibigan.


"Ahm.... ano..." Kinutkot nito ang kuko habang palipat-lipat ang tingin sakanilang dalawa ni Ellifard.



"S-sige una na 'ko..." Sabi ni Marie saka sumabay kay Maxeau. Nanlaki lalo ang mata  niya.



"Marie!" Tawag niya dito pero naglalakad na ito palayo.



'Palagi mo na lang akong iniiwan babae ka!'



"Wala ka na bang bibilhin?" Sabi ng katabi niya. Hindi naman siya tumingin dito, ipinadyak niya ang isang paa.



"Kung wala na halika na." Sabi nito at hinawakan ang kamay niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod na lang dito palabas ng mall. Habang papunta sa parking lot ay walang imikan sa pagitan nila. Hindi rin naman siya kinakausap ni Ellifard, hindi niya tuloy alam kung galit ito o ano eh. Natigilan siya nang makita niya ang isang big bike.



"T-teka diyan tayo s-sasakay?" Tanong niya dito habang sinusuot ang helmet sa ulo niya.


"Oo, 'diba gusto mong sumakay sa ganito?" Malamig na sabi nito sakanya. Hinawakan naman siya nito sa magkabilang bewang at isinampa paupo sa big bike.



"Kung ito pala ang gusto mong sakyan edi sana ito ang palaging dinadala ko." Sabi pa nito habang pasakay. Binuhay naman nito ang makina saka binalingan siya.


"Yumakap ka sakin." Malamig ang tinig na sabi nito. Hindi naman siya sumunod agad.



"Yumakap ka sakin Romeliza." Matigas ng sabi nito. Nakangusong yumakap siya sa bewang nito.



"Pero kapag sa iba kahit hindi kana utusan nakayakap kana." Sabi pa nito. Napapikit na lang siya nang pinaandar na nito ang big bike.

---------***

A/N: Sorry sa sobrang late, naging busy lang po😊

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Where stories live. Discover now