Epilogue

4.6K 139 7
                                    

"ROMELIZA!"

Mula sa pagkikiapag-usap sa mga bisita ay binalingan ng dalaga ang may-ari ng boses na 'yon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Marie, hindi ito nag-iisa. May kasama itong matangkad na lalaki, mas umagaw ng atensyon niya ang singkit nitong mata.

"Ah wait lang po ha?" Paalam niya sa mga bisita at hawak ang gown na lumapit sa kaibigan.

''Chingu....oh, sino siya?" Tudyo niya sa kaibigan, ngumiti naman ang kaibigan at kinawit ang kamay sa braso ng katabi.


''Boyfriend ko, fresh from Korea." Masayang sabi nito, parang batang pumadyak naman siya.


"Ang daya mo kaya pala hindi ka nagpakita sakin! Late kapa ngayon."


''Sorry na... sinundo ko pa kasi 'to sa airport." Paliwanag pa nito, "....wait nasaan si Ellifard?"


''Nandoon kausap sa mesa 'yung mga kaibigan niya." Aniya saka tumingin sa katabi nito. "....mannaseo bangawoyo." Bati niya dito saka kinurot sa bewang ang kaibigan.


''Ganyan kana, wala ka man lang pasalubong sakin kahit 'yung kapatid niya." Pagbibiro niya.


"Actually chingu, may kapatid talaga ito. Ang problema patay ka sa asawa mo ngayon dahil nakatingin na siya dito." Sabi pa nito, bumaling naman siya sa likod. Nakita niya si Ellifard na tumayo na sa kinauupuan nito.



"Ah sige dito na ako Marie. Enjoy kayong dalawa." Paalam niya sa mga ito saka tumalikod. Sinalubong niya si Ellifard.

''Late ang kaibigan mo ha?"

Nakangiting yumakap siya sa braso nito.



"Sinundo kasi niya 'yung boyfriend niya...." Aniya saka ngumuso. "...Koreano pa man din."


Bahagyang tumaas ang isang kilay nito saka hinapit ang bewang niya pagkuway hinila siya sa gitna.



''Baka nakakalimutan mong kinasal na tayo a minute ago Mrs. Romeliza?" Pagdidiin nito. Humagikgik na yumakap siya sa batok nito.


"I know, mas gwapo kapa din sa lahat 'no?"


Tumaas ang sulok ng labi nito.


"Wait, bakit nga pala mukhang mainit ang ulo ni Maxeau?"


"Pinagalitan ni Grey, nang-hostage kasi ng madre sa simbahan pa mismo." Nakatawang sabi nito, nanlaki ang mata niya at tumingin sa direksyon ng mesa kung saan nandoon ang mga kaibigan ng asawa. Kasama ng mga ito ang asawa nito maliban kay Maxeau na nakangiwi habang naalibadbaran sa mga nakikita.


"Tingin ko kailangan na din niya mag-asawa..'' Baling niya sa asawa.


"Talagang susunod na siya, hmm maybe a months from now may hahabulin ding babae 'yan."


"Talaga? Paano mo nasabi? Eh halata pa lang sa mukha ng kaibigan mo parang siya pa ang hinahabol eh."


"Makikita mo din baby..." Anito at hinalikan ang sulok ng labi niya.


"Akala ko talaga magagalit ng matagal sakin ang mommy mo."


Umiling ito at tinitigan siya.


''She won't....magkasama naman kaming nagpaliwanag ni Veronica. Inudyukan pa siya ni Cathiya, that woman. Talagang gusto na niyang agawin ang kwarto ko para gawing gym."


Napangiti naman siya.


Tinabing nito ang buhok na kumalat sa pisngi niya.


"You are mine now baby....." Hinila pa siya papalapit dito, wala na silang pakialam sa mga taong nasa paligid nila.



"I can kiss you anytime...like this." Usal nito at hinalikan ang labi niya.


"I love you Romeliza.." Anas nito. ''.....by the way, nakiusap pala sakin ang kapatid mo na kung pwede ibigay mo na lang daw sakanya ang albums ng mga idol mo." Sambit pa nito. Napanguso siya at umiling.


"Ayoko nga, those are my collection saka asawa ko 'yung mga 'yon.." Aniya.


Nagpantay naman ang labi nito. "Baka nakakalimutan mo na ako lang ang asa-----

"I love you too!" Putol niya at hinalikan ito.....



--------------*****


A/N: Alam kong naging napakatagal ng update ko dito. Iba kasi talaga ang dapat na ending ito, malayo sa nirevise ko ngayon. Anyway, thank you for waiting at sorry talaga! Next na po si Maxeau. ^^

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Where stories live. Discover now