Chapter nine

4.2K 134 1
                                    

"TWO billion Mr. Shen deal?" Nakangising tanong ni Ellifard sa matandang kaharap niya. Inayos ng matanda ang salamin saka hinawakan ang gramo ng drugs sa harap nito. Sinusuri niya ng mabuti ang matanda. Two years ago ay marami na siyang naririnig sa matanda. Malakas ang impluwensya nito lalo na sa batas. Isa itong retiradong hepe at piniling magtinda ng mga supplies sa ilalim. Ito ang matagal ng gustong madikitan ni Grey pero mailang ang matanda. Wala rin siyang makuha na kahit ano mula sa pagkatao nito maliban sa pangalan at dating trabaho nito.


"Deal...." Sabi ng matanda. Napangisi siya at saka lumingon kay Delifico. Kinuha ng tauhan nito ang attachi case sa harap nito saka pumunta sa likod ni Mr. Shen. Nakaipit sa dalawang daliri nito ang tabako habang nakikipagtitigan sakanyan. Nilingon nito ang mga tauhan, umakto ang isa at nilapag ang isang malaking itim na bag sa harap nila. Binuksan ni Delifico ang bag, bumunga sakanya ang dolyar. Binalingan naman siya ni Delifico saka ito tumango, palihim niyang kinapa ang baril mula sa likod.



"Don't you dare Mr. Desconte.."


Natigilan siya habang nakahawak pa rin ang kamay sa baril na nakaipit sa pantalon niya.



Nakatutok ang mga mata niya sa baril ng matanda na nakatutok sakanila ni Delifico. Ganon din ang mga tauhan nito.


"Alam ko kung pano ka maduming maglaro Mr. Desconte. Per hindi mo 'ko maiisahan." Nakangising sabi nito, nangalit ang panga niya habang malamig na tumitig sa matandang kaharap. Bigla namang nagsipasukan ang mga pulis.


Fuck! Wala na kaming takas!


Pumaikot sakanila ang mga pulis at pinosasan ang mga kamay nila mula sa likod. Kinuha ng pulis ang baril na nasa likod niya. Tumaas ang sulok ng labi niya. May lumapit sa matanda na isang pulis at sumaludo dito.



"Sir nilibot na po namin ang buong lugar wala na po kaming ibang nakita." Sabi ng pulis dito, tumingin sakanya ang matanda.


"Dalhin niyo na ang mga 'yan. Maging alisto kayo " Sabi ng matanda saka lumabas.


'Bwisit! Naloko kami ng matanda!



Tinulak naman sila ng mga pulis palabas ng lumang kwarto na 'yon.



"Next time hindi na 'ko magtitiwala sa mga matatanda." Sabi ng kaibigan. Tumalim ang tingin niya sa matandang 'yon.




I'll fucking kill that old man!

---------------------*****

"ANAK nandito na ang papa mo!"


Nanlaki ang mga mata ni Romeliza nang marinig ang sinabi ng mama niya. Napapalakpak na bumaba siya kama saka mabilis na lumabas ng kwarto.


"Abeoji!" Tili niya nang makita ang ama na naka-upo sa sofa.



"Magdahan-dahan ka anak!" Sabi nito. Natutuwang yumakap siya sa ama.


"Abeoji! Bogoshipo!" Tili niya saka kumalas dito.



"Ito talagang dalaga ko bata pa rin." Natatawang sabi nito. Kinuha niya ang kamay ng ama saka nagmano dito.



"May pasalubong ka sakin abeoji?"



"Siyempre naman, ikaw pa." Malawak ang ngiti na sabi nito at saka itinuro ang isang karton na nasa di-kalayuan katabi ng mama niya. Napatiling tumakbo siya doon at binuksan 'yon. Wow! Ang dami! Ibat-ibang personalize lahat BTS!



"Kamsamnida Abeoji!" Natutuwang sabi niya saka kinalkal ang loo ng karton. Kinuha niya ang waller, pillow at notebook.



"Pinamimihasa mo talaga yang anak mo. Kaya hindi magmatured eh." Narinig niyang sabi ng mama niya. Pinakialaman niya na ang mga gamit na binigay kanyang ama.



"Maganda nga yan para hindi siya mag boyfriend." Sabi ng papa niya.



"Kumusta naman yan trabaho mo?" Tanong naman ng mama niya. Sumalampak naman siya sa sahig habang tinitignan isa-isa ang mga nasa loob ng karton.



"Ayon dalawa pa lang sa miyembro ng mga dark society ang nahuhuli. Yung iba magaling talagang magtago."


Natigilan siya at binalingan ang ama.


"Abeoji akala ko nag retired kana?"


Binaba ng papa niya ang tasa sa mesa na nasa tabi nito.



"Hindi pa hanggat hindi pa nahuhuli ang mga miyembro na 'yan. Marami ng buhay ang nasisira nila dahil sa mga ipinagbabawal na gamot na tinitinda nila."


Tumango-tango naman siya.



'Dapat nga mahuli sila.....'



Itinutok niyang muli ang atensyon sa mga gamit.



"Kaya anak, ayokong mababarkada ka ha? At isa pa.. pipiliin mo ang mga taong kakaibiganin mo, baka mamaya isa na pala sa mga miyembro na 'yon ang kasama mo. Lalo't padami na sila ng padami ngayon..."


Tumango lang siya sa ama. Naalala niya tuloy si Ellifard at nakita niyang ginagawa nito kasama ng pinsan niya, alam niya namang masama ang ugali nito pero ilang beses na siya nitong niligtas. Napangiti siya nang maalala uli ang mukha nito. Bigla tuloy niyang na-miss ito. Tumayo siya habang dala ang box na malaki.



"Abeoji dito muna 'ko sa taas." Paalam niya sa ama at saka siya umakyat ng hagdan.



"Mamaya bumaba kana ha? Kakain na tayo" Narinig niyang sabi ng ina.



"Opo umma!" Sabi niya habang patakbong umaakyat. Pagpasok niya sa kwarto ay inayos niya agad ang mga binigay ng papa niya. Napatingin siya sa laptop. Kinuha niya 'yon saka binuksan, mabilis niyang binuksan ang facebook.



"Wala siyang message." Nakangusong bulong niya saka niya sinara ang laptop. Kinuha niya ang mga poster para isabit sa dingding. Ngunit muli siyang sumulyap sa laptop.



'Ewan ko kung bakit bigla ko talaga siyang namiss...'

--------------****


"Next time be careful Ellifard.."


Ngisi lang ang tinugon ni Ellifard kay Seniorifo. Dalawang araw silang nakulong, inasikaso pa kasi nila Grey ang kaso nila ni Delifico. Buti na lang at hawak nila ang nasa itaas kaya lusot sila sa kasong 'to. Nasalubong naman nila si Mr. Shen. Walang emosyon ang mukha nito, tumaas ang sulok ng labi niya.


"Ciao Mr.....


Napatingin siya sa dibdib nito.


'Mr.Tan...'


Natigilan siya dahil pamilyar sakanya ang apelyido na 'yon.


"Mr. Tan..." Nakangising sabi niya sa matanda. Nakita niya ang pagdilim ng mukha nito.


"Kapag matanda na talaga walang ibubuga." Nakangising sabi niya. Tumalim ang tingin nito sakanya.


"Sa susunod sisiguruhin kong ilalabas 'ko ang mas matibay na ebidensya laban sa inyo. At sisiguruhin kong sa mas mataas na tao 'ko ibibigay 'yon. Yung mapagkakatiwalaan." Matigas na sabi nito, lumabi siya at nang-aasar na tinignan ito.


"Okay, pero bago 'yon lahi niyo muna ng uubusin ko. Bueno, arrivederci Mr. Tan.." Nakangising sabi niya saka ito nilagpasan.


"He's pain in my ass." Gigil na sabi niya kay Serionifo habang palabas sila ng head quarters. Tinungo nila ang kinapaparadahan ng kotse, ibinato ni Serionifo sakanya ang susi ng BMW sports car.


"Gangs too.... by the way, kailangan mong pumunta sa underground mamaya, "



Sumaludo lang ako dito. "By the way, where's Delifico?"


"Hindi ko alam, pagka-pirma ng release kanina mabilis na umalis agad eh."


Tumango lang siya saka siya pumasok sa loob ng kotse. He started the engine. Bigla namang lumitaw sa isip niya ang dalaga, bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya.


"Be ready Amore mio.."

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora